Aljur Abrenica will have Kris Bernal and Julie Anne San Jose as guests in his November 7 concert

Aljur Abrenica (right) will have Kris Bernal (left), Rochelle Pangilinan, Julie Anne San Jose, and his brother Vin as guests in his November 7 concert at the Music Museum.



Masaya si Aljur Abrenica sa patuloy na magandang feedback ng viewers sa Prinsesa Ng Buhay Ko, ang bagong early primetime series ng GMA Network na pinagtatambalan nila ni Kris Bernal.


“Kung ano ‘yong sa bawat eksena na napapanood ninyo, gano’n din ka-light at ka-saya ‘yong mood sa set,” aniya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, October 13.
“Ang ambience sa taping naming, masaya talaga. Healthy ‘yong environment. Healthy rin ‘yong working relationship namin sa bawat isa.


“And I think that’s one of the key para magkaroon kami ng effective na performance at magandang outcome no’ng project.”


Hindi lang sa tambalan nila ni Kris kinikilig ang viewers kundi sa nabubuo ring tandem ng aktres at ni Renz Fernandez. Love triangle nga kasi sila sa istorya at sa umpisa ay sina Kris at Renz muna ang tila nagkakagustuhan.


Ano ang pakiramdam niya na bukod sa AlKris (Aljur-Kris) ay may KrEnz (Kris-Renz) fans na rin?


“Siyempre hindi ko kayang tanggapin! Nakakapikon talaga ‘yon!” biglang sinabi ni Aljur.


Ayaw niya na may nabubuo na ring KrEnz loveteam?


“Hindi… joke lang!” sabay tawa niya. "Siyempre, a… effective sila, e. Even me, kinikilig din ako sa kanila. Sa mga eksena nila.


“Kaya hindi imposible na magkaroon sila ng followers.”


Ibang-iba talaga ang Prinsesa Ng Buhay Ko kung ikukumpara sa mga naunang seryeng pinagtambalan nila ni Kris dahil romance-comedy ang tema nito.


“Salamat naman sa ganyang feedback.


“Mabigat na sa gabi, e. ‘Yong mga drama sa primetime.


“So kami, as much as possible…may drama rin, e. Pero mas marami ‘yong cute, nakakakilig, at nakakatawang mga eksena.


“Kumbaga, dahil na rin ito sa husay ng director namin. Napaka-spontaneous niya na…laging may bago. Marami siyang bagong ideas.”


Labis rin daw ang nararadamang excitement ni Aljur sa nalalapit niyang concert na Come And Get Me. Gaganapin ito sa Music Museum sa Greenhills, San Juan on November 7.


“Guest ko si Kris. Tapos kasama ko rin sina Vin [Abrenica, his younger brother na winner ng Artista Academy talent search ng TV5], Rochelle Pangilinan, at Julie Anne San Jose.”


Bakit Come and Get Me ang title ng kanyang concert? May pagka-sexy o naughty ba ang theme nito?


“Well, itong concert na ito kung mapanood nila is…‘yong from past to present ang sakop na mga songs.


“At kaya Come And Get Me, kasi nilalagyan natin ng konting kiliti.”


Bakit wala sa line up ng guests ang girlfriend niyang si Kylie Padilla? It will be very interesting din na mapanood sila to perform together or mag-duet, di ba?


“Oo naman!” matipid na sagot ng aktor.


Baka naman surprise guest niya si Kylie? “A…let's see!” panghuling nasabi na lang ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN