Pop Rock Princess Yeng Constantino turns back time for Plugged In concert

Yeng Constantino looked back on the musicians who influenced her in the past. “Di ba, kapag rock artist ka, parang naba-box ka sa isang genre, e. Ako, hindi naman ako lumaki nang ganun. Marami rin akong pinagdaanan,” admitted the Pop Rock Princess during her birthday concert titled Plugged In.


Simula pa lamang ng kanyang career bilang singer, nakilala na si Yeng Constatino na mahilig sa rock music.

Dahil ang madalas niyang kinakanta at tinutugtog ay ganitong klase ng musika, hindi naglaon ay binansagan ang dating Pinoy Dream Academy grand star winner bilang Pop Rock Princess.

Sa kanyang pre-birthday concert na pinamagatang Plugged In, inalala ni Yeng ang mga pinagdaanan niya bago siya nakagawa ng pangalan sa showbiz.


Noong Sabado, December 2, dumagsa ang mga tagahanga ni Yeng sa bagong bukas na Samsung Hall ng SM Aura Premier sa Taguig.

Sa kanyang opening spiel—matapos kantahin ang sikat niyang kantang “Hawak Kamay” at ang popular na kanta ni Katy Perry ngayon na “Roar”—sinabi ni Yeng sa audience, “Alam n’yo po ang gagawin ko sa inyo ngayong gabi? Ipapakita ko po sa inyo kung paano ako nag-umpisa.

“Bago po ako naging Pop Rock Princess… Pambihira, alam n’yo po ba kung minsan kapag naririnig ko na tinatawag po ako na Pop Rock Princess, minsan kinikilabutan po talaga ako.

“Hindi lang sa ayaw ko ng titulo, kundi sa totoo lang, medyo nakaka-overwhelm po talaga ang mabigyan ng isang titulo sa napakalaking industriya ng musika.

“Masasabi ko rin po na isa pong malaking karangalan ang magbigay ng musika sa OPM.

“Bago po ako matawag na Pop Rock Princess, nagsimula po akong magtrabaho noong nine years old pa lang ako. Sumasali na po ako sa mga singing contests.

“Imagine n’yo na lang po na nine years old ako at ito ang mga inaawit ko…”

Pagkatapos nito kumanta si Yeng ng mga birit na kanta ni Shirley Bassey na “Greatest Performance of My Life” at ang classic na kanta ni Tom Jones na “I (Who Have Nothing).”

Sa gitna ng mga kantang ito, nakuha pa ni Yeng na magbiro, “Akala mo naiintindihan na ang kinakanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula sa classic ballads, nakahiligan ni Yeng ang country songs. At ang kanyang mga paboritong country music artist ay sina Trisha Yearwood, Martina McBride, Faith Hill, at LeAnn Rimes.

Kaya naman kinanta ni Yeng ang “Can’t Fight the Moonlight” ni Leann at “How Do I Live Without You” ni Trisha.

Kabilang din sa growing up stage ni Yeng bilang music artist ang pop music nina Britney Spears, Christina Aguilera, at girl group na Destiny’s Child.

“Hindi na ako magde-deny,” pag-amin ng 24-year-old na local rock artist bago niya kantahin ang “Baby One More Time” ni Britney, “Fighter” ni Christina Aguilera, at “Survivor” ng Destiny’s Child.

TEENAGE ANGST. Nang maging teenager, dito na raw nagsimula ang pagkahilig ni Yeng sa rock music.

Aminado si Yeng, tulad ng karamihan ng kabataan ngayon, “Nagkaroon rin po ako ng teenage angst.

“Parang araw-araw feeling mo depress ka lang, wala namang dahilan.”

Inalala rin niya ang karaniwang pinagdadaanan umano ng mga kabataan.

Sabi ni Yeng, “Nasugatan ka lang… ‘Ang sakit.’

“Alam n’yo ‘yong para kayong laging galit sa magulang n’yo.

“Kapag pinuna ka lang, ‘Bumili ka nga ng vetsin.’ ‘I feel so rejected.’ Isyu!

“‘Anak, may pimple ka.’ ‘I feel so ugly.’”

Nagsimula raw ang stage na ito ng kanyang buhay bilang rock singer nang marinig ni Yeng ang Canadian-American singer-songwriter na si Alanis Morissette, na tinaguriang “Queen of Alternative Rock Angst.”

Dahil dito, kinanta ni Yeng ang isa sa mga sikat na kanta ni Alanis ang “You Oughta Know” mula sa kanyang first album na Jagged Little Pill.

LOVING OPM. Katulad nang nabanggit niya sa umpisa ng concert, muling inihayag ni Yeng ang pagmamahal niya sa original Pinoy music o OPM.

Sa pagpapalawak ng kanyang kaalaman sa musika, unti-unting nagustuhan ni Yeng ang mga local rock bands tulad ng Eraserheads, Itchyworms, at ang Rivermaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging daan ito para ipakilala ni Yeng ang isa sa dalawang special guests niya para sa concert, si Rico Blanco na dating miyembro ng Rivermaya.

Kinanta nina Yeng at Rico ang isinulat ng huli na “Your Universe,” na bahagi ng unang album niya bilang solo artist.

Bilang bahagi ng pagbibigay sa mga local music artist, ipinakilala rin ni Yeng ang dating bandang kinabibilangan niya: ang Morning Glory.

Pinakilala rin niya sa audience ang kinabibilangan niya ngayong banda, ang all-female project band na Sesa. Kasama niya sa grupong ito si Acel Bisa-van Ommen, na bahagi noon ng bandang Moonstar 88.

Isa pa sa mga panauhin ni Yeng sa concert ay ang malapit na kaibigan at kasamahan niya sa Cornerstone talent management, si Sam Milby.

Ang dalawa ay nag-perform ng mashup ng “Payphone” ng Maroon 5 at “Call Me Maybe” ni Carly Rae Jepsen.

MOMENT WITH BOYFRIEND. Samantala, sa pamamagitan naman ng kanta niyang “Pag-ibig,” naipakita ni Yeng at ng kanyang boyfriend na si Yan Asuncion kung gaano sila ka-sweet sa isa’t isa.

Pagkatapos ng kanta, nahihiyang sinabi ni Yan kay Yeng sa harap ng mga manonood, “Noong nakilala kita, sobrang na-in love na ako sa’yo.

“Happy birthday. Sobrang ina-admire kita, ‘yong talent mo, ‘yong heart mo for God.

“Nai-inspire mo, not only me, pero lahat ng taong nakakapanood sa’yo.

“Happy birthday and I love you.”

BENEFIT CONCERT. Ang Plugged In concert ay hindi lamang bilang pagdiriwang ng ika-24 na kaarawan ni Yeng. Nagsilbi rin itong isang benefit show para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda at mga kabataang tinutulungan ng Right Start Foundation.

Bukod sa pagbibigay ng bahagi ng mga nakuha mula concert, nagbigay rin ng mga 25 signature Yeng Constatino guitars sa mga kabataan mula sa Right Start Foundation. Ito ay mula sa Academy of Rock, ang music school na ini-endorso ni Yeng.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang segment ng concert, pinasalamatan ni Yeng ang Academy of Rock, partikular na si Priscilla Teo na isa sa mga executive nito. Inalay ni Yeng kay Pricilla ang kantang “How Did You Know” ni Gary Valenciano.

Naging emosyonal si Yeng habang kumakanta siya dahil aniya, “Grateful lang talaga. Alam mo ‘yong biglang may nagtiwala sa’yo.”

Ang Academy of Rock din ang nagbigay-daan para matupad ang pangarap ni Yeng na magkaroon ng kantang maire-release sa ibang bansa.

Sa kanyang concert, ipinarinig ni Yeng ang bago niyang kanta, ang “Better Than Yesterday,” kasama ang Singaporean rap artist na si Sheikh Haikel.

Ang kantang ito ay maririnig na ngayon sa Singapore at mapapanood sa MTV Singapore.

“Napaka-surreal lang ng feeling,” ang nasabi ni Yeng tungkol dito.

Madamdaming tinapos ni Yeng kanyang birthday/benefit concert sa pamamagitan ng paglapit sa kanyang mga tagahanga habang kumakanta ng popular niyang kanta, ang “Salamat.”

Watch: Yeng Constantino and Sheikh Haikel talk about collaborating for Yeng's newest single


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN