Maja Salvador wants to pattern her solo concert after shows of Jennifer Lopez and Britney Spears

Maja Salvador thanks her fans for supporting her music career through her first major solo concert to be held on July 12 at the Music Museum. "Parang yun yung way ko ng pagpapasalamat sa kanila. Parang tinaggap nila yung bago kong pinapasukang mundo—which is yung music industry nga po."


Sasabak sa concert scene ang The Legal Wife star na si Maja Salvador sa pamamagitan ng kanyang first major solo concert sa Music Museum sa July 12. Ang kanyang concert ay pinamagatang MAJ: The Legal Performer. Makakasama ni Maja sa kanyang concert sina Rayver Cruz, Enchong Dee, Enrique Gil at Piolo Pascual.

READ: Maja Salvador on why she doesn't want to see Gerald Anderson at her anniversary concert: “Baka ma-conscious ako, hindi ako makapag-perform.”

Excited na ibinahagi ni Maja sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portak) at iba pang miyembro ng press ang mga detalye ng kanyang concert sa presscon nito sa Jet 7 Bistro sa Timog Avenue, Quezon City.

Kuwento ni Maja, kakaibang excitement ang nararamdaman niya para sa kanyang pinakaunang concert dahil matagal na niyang pangarap ito.

“Sobrang thankful ako sa Hills & Dreams [Events Concepts Co.] kasi grabe yung binigay nilang chance sa akin para magperform ako sa Music Museum.

“Kasi, siyempre sino bang hindi nangarap na magperform dun sa Music Museum?

“At isa pa po, lagi ko pong sinasabi [na] sobrang in love ako sa pagpe-perform.”

Gagamitin din ni Maja ang kanyang concert upang makapagpasalamat sa mga kanyang mga fans na walang humpay na sumuporta sa kanya kahit na ibang industriya na ang pinapasok niya.

Aniya, “Sobrang ibang happiness yung kapag nakikita ko yung mga mukha ng mga audience kasi gustung-gusto ko talaga yung nag-e-entertain.

“And parang yun yung way ko ng pagpapasalamat sa kanila.

“Parang tinaggap nila yung bago kong pinapasukang mundo—which is yung music industry nga po.

“Kahit na hindi pa ako ganun kagaling kumanta, e, pinagbigyan nila ako.”

Matagal nang pangarap ni Maja ang makapagconcert gaya ng kanyang mga iniidolong singer.

Sabi ng Kapamilya star, “Hindi po plano pero isa sa pangarap talaga kasi nga nung bata ako sobrang idol ko sina Christina Aguilera, sina Britney Spears.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano nga ba ang dapat abangan sa concert niya?

Sagot ng actress-singer, “Parang kung pano po magconcert sina J.Lo [Jennifer Lopez], Britney Spears.

“Pero hindi po parehas na parehas. Yung parang ganung flow ng concert po.

“Parang may mga pegs kami tapos yun yung gusto namin gawin.

“Kasi siyempre ayoko naman pong alisin namin yung pagsasayaw kasi yun po yung nagbigay ng career sa akin.

“Kaya yun, pipilitin ko pong maging total performer.”

Sisiguraduhin din ni Maja na may kakaibang mapapanood ang kanyang mga fans sa concert para mapanindigan ang subtitle ng kanyang concert na “The Legal Performer.”

Aniya, “Sabi ko kina Mr. M [Johnny Manahan], bawat production, bawat prod, iba-iba yung makikita nila.

“Sana mapanindigan namin.”

Kaya naman, magiging mapili daw sila sa mga kantang ipe-perform ni Maja sa kanyang concert. Paliwanag niya, “Gusto ko naman po kantahin yung mga kantang bagay po sa boses ko.

“Ayoko naman yung pilit kasi ayoko naman mag-concert yung pinipilit ko yung hindi naman maganda yung sa akin.

“Gusto ko rin naman po, since first time ko rin mag-concert, gusto ko yung kahit na hindi pa ako ganun ka-confident sa pagkanta, gusto ko kahit papano yung mga manonood sasabihin nila, ‘Ah, pwede pala siya kumanta! Kaya pa niyang maging total performer talaga.’”

Ilang matataas na kanta rin ang kasama sa repertoire ni Maja. Isa na rito ay ang theme song ng The Legal Wife na kinanta ni Angeline Quinto, ang “Hanggang Kailan Kita Mamahalin.” Kaya naman, puspusan ang voice lessons ni Maja upang bumagay sa kanyang boses ang tono ng kanta.

“Opo, kasali po talaga kaya ivo-voice lesson ko na po yun. Tuturuan po ako ni Teacher Annie.”

Dagdag pa niya, “Mataas po yung ano ‘Hanggang Kailan Kita Mamahalin’ kaya kailangang pag-aralan po talaga maigi.

“Kailangan maitono sa boses ko.”

Bukod dito, magpeperform din si Maja ng medley ng mga kanta ng Soul Diva na si Jaya. Paliwanag niya, “Kung hindi niyo po naitatanong, e, sobrang fan po ako ni Jaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag pumupunta po ako sa mga videokehan yun po, yun yung mga una kong kinakanta. Yung mga Jaya songs.”

Samantala, ipinagpapasalamat din ni Maja ang Gold Record award na natanggap niya para sa kanyang unang album na Believe at ang carrier single nitong “Dahan-dahan.”

Pagkatapos naman ng kanyang concert, maghahanda na rin si Maja para sa panibagong teleserye niya sa ABS-CBN.

Aniya, “Bale tatapusin ko lang po muna itong Maj: The Legal Performer tapos saka po kami magmi-meeting for the next teleserye.

Isa bang kontrabida muli ang kanyang gagampanan?

Sagot ni Maja, “Hindi naman po, hindi na. Maganda lang po ako dito.”

Panoorin si Maja sa MAJ: The Legal Performer sa darating na July 12, sa Music Museum sa pangunguna ni Mr. Johnny Manahan at Mr. Marvin Querido bilang musical director. Tickets are available at TicketWorld Online (Tel. No. 891-9999) and at the Music Museum.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN