What's next for Ken Chan and Rita Daniela after My Special Tatay?

by Ruel J. Mendoza
May 2, 2019
Ken Chan and Rita Daniela will hold a concert on May 11 at the Music Museum.
PHOTO/S: Noel Orsal

Excited sina Ken Chan at Rita Daniela (o mas kilala na BoBrey love team) dahil sa nalalapit nilang concert na My Special Love #BoBreyInConcert on May 11 sa Music Museum.

Kinuwento nina Ken at Rita sa media launch ng kanilang concert sa LoLa Cafe na pinaghahandaan nila ang concert nila dahil regalo nila ito para sa mga fans na sumuporta sa kanila sa kanilang GMA-7 teleserye na My Special Tatay.

“Para ito sa lahat ng BoBrey fans na walang sawa na sumuporta sa amin ni Rita.

“Sobra kasi kaming natuwa sa naging suporta nila kaya isang magandang show ang handog namin sa kanilang lahat,” pahayag ni Ken.

Ayon naman kay Rita, marami silang surprises ni Ken sa concert.

“Since ito ang first concert namin ni Ken together, may mga special duets kami with matching dance number pa!

“Yung mga gagawin namin sa concert, first time naming gagawin talaga. Kaya kailangan prepared kami ni Ken physically and spiritually.

Continue reading below ↓

“Lagi nga kaming nagdarasal na maging huge success ang concert namin. Hindi lang kasi ito for our fans but we dedicate it all to God na Siyang source ng lahat ng blessings sa buhay natin.”

Nung matapos na ang My Special Tatay, mas lalo pa raw naging close sina Ken at Rita. In constant communication sila at marami silang natutunan sa isa’t isa.

“Si Rita more than 8 years ko na siyang kilala pero sa teleserye lang kami talaga nagkatrabaho at dun ko siya mas nakilala.

“Hindi ko makakalimutan kay Rita ay yung paraan niya kung paano siya magtrabaho sa set. Kapag wala kaming eksena, tahimik lang 'yan sa loob ng tent niya. Nagbabasa ng Bible at nakikinig ng music. Hindi kami nakakapagkuwentuhan niyan.

“Pero kapag may eksena na kami, dun mo lang siya maririnig magsalita. Saka in character na siya kapag nasa harap na kami ng kamera.

Continue reading below ↓

“Kapag tapos na ang scene, quiet na ulit siya at dun lang siya sa tent.

“Noong una, parang nawi-weirduhan ako kay Rita. Parang may two personalities siya. Pero naisip ko nga na ganito pala siya magtrabaho.

“May disiplina si Rita dahil she’s also a theater actress. May sarili siyang style para walang maka-distract sa trabaho niya.

“Napaka-professional niyang aktres at sa personal naman, napaka-caring niyang tao. Titingnan nyo na mukha siyang mataray pero may magandang puso si Rita para sa pamilya at mga kaibigan niya,” kuwento ni Ken.

Si Rita naman ay naturuan si Ken na isapuso ang pagbasa ng Bible.

“Kami ni Ken, may respect kami sa isa’t isa. May moments na kuwentuhan lang kami tungkol sa buhay namin. At pinapaalala ko sa kanya to read one verse sa Bible everyday.

“Kailangan na maging thankful tayo sa mga dumarating na blessings sa buhay natin.

Continue reading below ↓

“Si Ken naman, he is one of the most responsible people na nakilala ko. Importante sa kanya ang pamilya niya. He loves his family so much, lalo na ang tatay niya.

“Kaya hanga ako sa kanya. In between ng trabaho namin, tumatawag siya sa tatay niya para malaman niya ang gusto nito at kumustahin ang kalagayan nito.

"Kapag wala kaming taping, pinagsisilbihan niya ang tatay niya.

“Kaya masasabi ko na si Ken ay boyfriend at husband material. Very responsible at napakadaling katrabaho. Parang very safe ka kapag si Ken ang kasama mo.”

Nakahanda na raw ang well-deserved vacation ng BoBrey loveteam pagkatapos ng kanilang gagawing shows dito at sa Amerika sa June.

Wala pa kasing sisimulan na bagong teleserye ang dalawa kaya susulitin nila ang libreng panahon nila para makapagbakasyon na walang iniisip na taping.

“Nakaplano na po yung vacation ko sa June. Mga 15 days din ako nag-stay sa U.S. Punta po ako sa New York, Los Angeles, at Maryland. Iti-treat po ako ng mga relatives namin na matagal kong di nakikita.

Continue reading below ↓

“Sasamantalahin ko ang mahaba-habang bakasyon ko po. Pitong buwan din kaming nag-work sa My Special Tatay. Deserve namin ni Rita na mag-enjoy sa bakasyon muna," ngiti ni Ken.

Si Rita naman daw ay uuwi agad ng Pilipinas after ng U.S. show. May ilang conmitments daw siya pero nakahanda na raw ang bakasyon niya.

“Actually parang retreat itong bakasyon ko. Doon ako sa lugar na tahimik at makakapag-reflect ako sa mga salita ng Diyos. Gusto kong maging spiritually active kahit on vacation ako.

“Ever since na na-baptize ako ulit, mas gumanda pa ang tangin ko sa buhay. Kailangan mas maging malapit pa ako kay Lord dahil sa mga blessings na pinagkakaloob Niya sa atin.

“Lagi ko ngang sinabi, si Lord ang karelasyon ko ngayon… siya ang boyfriend ko ngayon,” nigiti naman ni Rita.

May nakahanda ng teleserye para sa BoBrey loveteam pero sa third quarter of the year na raw iyon sisimulan.

Continue reading below ↓

“‘Wag silang mag-alala dahil iniisipan ng magandang story ang next na teleserye namin ni Rita,” paniniguro pa ni Ken.

Dagdag naman ni Rita: "Sure na po 'yan. Kaya sa mga BoBrey at RitKen fans namin, wait na lang po tayo kasi magandang teleserye ang muling pagsasamahan namin ni Ken."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan and Rita Daniela will hold a concert on May 11 at the Music Museum.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results