Vina Morales tours US with 2016 American Idol finalist Thomas Stringfellow

IMAGE File

Vina Morales devotes time to her career and family; not in a hurry to have another relationship: "Walang time."


Kuntento daw ngayon si Vina Morales sa kanyang pagiging ina sa anak na si Ceana.

Sa edad na 43, wala pa daw sa isip ng singer-actress ang usapin sa pag-ibig dahil buhos ang kanyang oras sa pamilya at sa kanyang trabaho.

Noong tumawag nga siya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nasa isang kampanya si Vina sa probinsiya at pagkatapos naman ng eleksyon, lilipad naman kaagad siya patungong Amerika para sa kanyang concert series.

View this post on Instagram

A post shared by Vina Morales (@vina_morales) on

Ngayong Friday, May 17, magtatanghal si Vina sa Michael D. Rose Theater ng University of Memphis, Memphis, Tennessee kasama ang kanyang guest na si American Idol 2016 finalist Thomas Stringfellow.

Bukas, May 18, sa F.G. Gruich Sr. Community Center, Biloxi magku-concert si Vina kasama pa rin si Thomas.

Sa May 25, sa Morocco Shrine Activity Center, Jacksonville, Florida naman magku-concert ang Kapamilya singer.

Ang kanyang mga guests ay sina Rey Killay, Kian Sanchez, at Amor Bodin.

Sa Philippine Cultural Center, Virginia Beach ang venue ng concert ni Vina kasama si Rey sa May 31.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa June 1, magtatanghal si Vina sa Ichiban Filipino Cuisine, sa South San Francisco, California.

Sa San Pedro Village Event Center ay magko-concert ang singer sa darating na June 7 at sa June 8, sa Reed Conference Center naman sa Oklahoma siya magtatanghal.

Masaya pa niyang balita, bukod sa maayos na takbo ng kanyang career, bukas na daw ang kanilang family-owned salon sa Ystilo for franchising.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya nung hiniritan namin ng tanong kung wala ba talaga siyang itinatagong manliligaw o lovelife, isang maiksing sagot lamang ang sinabi ni Vina, “Walang time.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN