Angeline Quinto and Daniel Padilla named Pop Artists of the Year during the 6th Star Awards for Music

During the 6th Star Awards for Music, Lea Salonga (leftmost) received a Lifetime Achievement Award while Sarah Geronimo (middle) received her fourth Female Recording Artist of the Year trophy. Angeline Quinto (rightmost) and Daniel Padilla were named Pop Artists of the Year but the latter was unable to accept his trophy that night.


Apat na beses tumanggap ng award si Gary Valenciano sa 6th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Ginanap ito sa Solaire Resort & Casino Grand Ballroom sa Parañaque City last Sunday, September 14.

Ang unang award ni Mr. Pure Energy ay para sa Male Celebrity of the Night, sumunod naman ay bilang Male Star of the Night. Nanalo rin siya para sa Concert of the Year award para sa Arise. Dito ay kasamang umakyat sa stage ni Gary ang anak niyang si Paolo Valenciano na siyang tumayong co-director niya sa naturang concert.

Ang huling tropeong nakamit niya na kabilang sa major awards ay para sa Male Recording Artist of the Year Award.

Dito ay naging emosyonal si Gary V. at pinuri niya ang PMPC sa pagkakaroon ng ganitong parangal. Pinasalamatan din ni Gary ang mga taong nasa likod ng kanyang career, pati na ang kanyang fans.

“Maraming, maraming salamat talaga sa PMPC dahil sa continued support through all the years. I see many of those who have been supporting me through the years.

“Like all the artists that were here, I also wanna thank God. I wanna thank my saviour Jesus Christ who gave me the voice, who gave me the heart and the desire to continue what I am doing.

“And because of Him, He has given me people like like ABS-CBN, my ASAP family, my Universal Records family… my wife, my family, my fans… And to other artists, I actually want to share this award with.

“Kasi sa totoo lang, ang OPM today is very, very much alive and there are so many incredible artists na naghihintay lang ng pagkakataon na maka-apak sa isang entabladong katulad nito o sa harap ng isang mikropono na katulad nito. Para marinig ng buong mundo, hindi lang ng mga Pilipino rito sa Pilipinas, but everybody.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“To PMPC, it’s going to happen with your help.”

Nauna rito, naghandog si Gary ng isang awitin kasama ang anak niyang

si Kiana Valenciano.

POPSTAR PRINCESS. Si Sarah Geronimo naman ang nakakuha ng Female Recording Artist of the Year Award. Ito ang kanyang pang-apat na beses upang tanggapin ang naturang award noong 2010, 2011 at 2013.

Ang Popstar Princess rin ang nanalo para sa Pop Album of The Year (Expressions / Viva Records).

“Maraming, maraming salamat po PMPC Star Awards for Music para po sa recognition na ito. And, of course, sa Panginoon para sa napakagandang biyaya na ito, pangalawa sa aking pamilya.

“Kaya po may lumabas na Expressions mula sa puso ko ay dahil po sa kanila. Sa lahat po ng mga importanteng taong naging bahagi ng buhay ko and of course sa lahat po ng songwriters-musicians na naging bahagi po ng album na ito, maraming, maraming salamat po!

“Viva Records, thank you very much! Maraming salamat po!” saad ni Sarah matapos tanggapin ang kanyang award.

Si Sarah rin ang itinanghal na Female Celebrity of the Night.

Nang banggitin naman ang huling award (Female Recording Artist of the Year) para sa gabi na si Sarah din ang nakakuha, ito ang kanyang naging pahayag:

“Muli po, maraming, maraming salamat po PMPC. Dito ho sa album na ito, nagbigyan po ako ng pagkakataon na maging involved in producing this album. Naramdaman ko po ang growth ko rito as an artist.

“Kaya nagpapasalamat po ako sa aking Viva Family, kay Boss Vic del Rosario, sa Viva Records! Maraming, maraming salamat po sa lahat po ng nagtitiwala sa akin!

“Popsters, thank you! Thank you very much, PMPC! Maraming samalat po!”

Bukod kina Gary at Sarah, sina Vice Ganda at Gloc-9 ang nagkamit ng pinakamaraming parangal ng gabing iyon. Tig-tatlong tropeo ang napanalunan nila.

Ang premyadong komedyante ng ABS-CBN na si Vice ay nanalo sa kategoryang Novelty Album of the Year (Vice Ganda / Star Records), Novelty Artist of the Year, at Male Concert Performer of the Year (I-Vice Ganda Mo Ako sa Araneta).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang naman sa mga kategoryang napanalunan ng magaling na rapper ay ang Album of The Year, Rap Artist of The Year, at Rap Album of the Year (Liham At Lihim / Universal Records).

Si Angeline Quinto ang kumuha ng award ni Vice at dito’y pabiro niyang sinabi ang: “Unang-una sa lahat, hindi ko po alam kung bakit ako pinaakyat dito. Dahil po ba sa kamukha ko si Vice Ganda?”

Tatlong beses umakyat sa stage si Angeline para kunin ang tropeo ni Vice.

Host ng naturang event sina Maja Salvador, Jake Cuenca, at Christian Bautista.

Nagsimula ang awards night sa pagkanta ng mga nominado sa kategoryang Song of The Year na kinabibilangan nina Bassilyo (Lord, Patawad), Gloc 9 (Magda), Jonalyn Viray (Help Me Get Over), Abra (Gayuma), Kris Lawrence (Ikaw Pala) at Sarah Geronimo (Ikot).

Nominado rin dito si Angeline Quinto para sa awiting Nag-Iisa. Ngunit hindi siya naging bahagi ng production number na ito dahil kagagaling lang niya sa abroad.

Sa kabuuan, 30 awards ang ipinagkaloob ng gabing iyon. Bukod pa rito ang

Dalawang Lifetime Achievement Award, ang Parangal Levi Celerio para kay Ryan Cayabyab at ang Pilita Corrales Lifetime Achievement Award na ang recipient naman ay si Lea Salonga.

Ani Maestro Cayabyab sa kanyang acceptance speech: “Itong PMPC at Star Awards ay tungkol din sa ating industriya. Nakita nila tayo noong mga bata habang tumatanda at nakikita nila ang ating ginagawa. Naaalala ko kasi noong una kong nakilala si Lea Salonga, isa siyang maliit na bata na kumakanta.

“Tulad ni Lea at tulad ni Lyca [Gairanod] at Ryzza Mae [Dizon], makikita po natin na sila ay lumalaki at tatanda sa industriya. At sana po, lahat sila na mga bata ay matuto rin na magmahal sa sariling industriya. Sa musika at sa kanilang mga tinatahak na mga careers.”

Kabilang naman sa pagpupugay kay Maestro Ryan ay ang handog na awitin sa kanya nina Ms. Celeste Legaspi, Christian Bautista, at ng Ryan Cayabyab Singers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Pops Fernandez at ang Final Four ng The Voice Kids na sina Darren Espanto, Juan Karlo Labajo, Darlene Vibares at Lyca Gairanod naman ang nag-alay ng mga awitin para kay Lea.

Ang mga kamag-anak ni Levi Celerio ay kabilang sa nagbigay ng award kay Maestro Ryan. Samantalang sina Ms. Pilita Corales at German Moreno naman kay Lea.

Umakyat din sa entablado ang mga PMPC past presidents na sina Veronica Samio, Letty Celi, Joe Barrameda, Roldan Castro, Julie Bonifacio at ang kasalukuyang presidente nilang si Fernan de Guzman nang gawaran ng parangal sina Lea at Maestro Cayabyab.

Bukod kay Gary at sa anak na si Kiana, nagkaroon din ng production number dito si Maja kasama ang Hot Legs Dancers.

Samantala, inalay naman ni Erik Santos ang kanyang napanalunang Compilation Album of the Year award sa kanyang dating manager na si Boy Abunda.

Bahagi ng speech ni Erik: “Thank you so much PMPC Star Awards for Music for this recognition, maraming, maraming salamat po!

“Nakakataba po ng puso, dahil itong album na ito ay parte po ng aking ten years in the business. And gusto kong pasalamatan siyempre ang Star Records dahil na-release ko na rin itong album na ito.

“And, of course, my album producers for ten years, Jonathan Manalo, maraming, maraming salamat! Sa Star Records din, thank you so much… sa lahat po ng mga nasa likod ng bawat awit ko, sa lahat po ng mga arrangers, sa lahat po ng mga composers ng mga awitin ko, maraming, maraming salamat po...

“Actually, gusto ko pong ialay itong award na ito sa aking former manager, kay Tito Boy [Abunda]. Masayang-masaya ako dahil okay na siya ngayon, magaling na siya, ‘Tito Boy this is for you.’ Sana ay tuloy-tuloy na ang paggaling mo.”

Ilan rin sa winners ang hindi nakarating upang tanggapin ang kanilang tropeo. Bukod kina Vice Ganda, Regine Velasquez, Richard Yap, Noel Cabangon, Zia Quizon, at Lani Misalucha, hindi rin dumating si Daniel Padilla na nanalo bilang Male Pop Artist of the Year para sa album niyang I Heart You mula Star Records.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang 6th Star Awards for Music ay hatid ng Airtime Marketing ni Ms. Tessie Celestino-Howard. Ito ay mula sa direksiyon ni Arnel Natividad. Ang musical director nito ay si Ric Mercado, samantalang si Maribeth Bichara naman ang tumayong stage director.

Ang Gabi ng Parangal ay mapapanood sa Sunday’s Best ng ABS-CBN sa ika-21 ng Setyembre.

Narito ang listahan ng mga nanalo:

Album Cover of the Year: Hulog Ka ng Langit (Regine Velasquez-Alcasid / Universal Records)

R&B Album of the Year: Spread The Love (Kris Lawrence / GMA Records)

R&B Artist of the Year: Kris Lawrence (Spread The Love)

Music Video of the Year: The Prayer (Loboc Children's Choir)

New Male Recording Artist of the Year (tie): Richard Yap (Star Records) and Herbert C (Kinabukasan, Ivory Records)

New Female Recording Artist of the Year: Marion Aunor

Novelty Song of the Year: "Cha Cha Dabarkads" (Dabarkads D'Album / Jose Manalo, Wally Bayola and Ryzza Mae Dizon

Novelty Album of the Year: Vice Ganda

Novelty Artist of the Year: Vice Ganda

Compilation Album of the Year: The Erik Santos Collection Revival

Album of the Year: The Nightingale Returns (Lani Misalucha)

Dance Album of the Year: Believe (Maja Salvador / Ivory Records)

Acoustic Album of the Year: Acoustic Noel (Noel Cabangon / Universal Records)

Male Acoustic Artist of the Year: Noel Cabangon (Acoustic Noel)

Female Acoustic Artist of the Year: Zia Quizon (A Little Bit of Lovin' / PolyEast Records)

Rap Album of the Year: Liham at Lihim (Gloc-9)

Rap Artist of the Year: Gloc-9

Rock Album of the Year: Ultra Blessed (Spongecola)

Rock Artist of the Year: Spongecola

Pop Album of the Year: Expressions (Sarah Geronimo)

Male Pop Artist of the Year: Daniel Padilla (I Heart You)

Female Pop Artist of the Year: Angeline Quinto (Higher Love / Star Records)

Concert of the Year: Arise: Gary V 3.0 (Director: Paolo Valenciano)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Male Concert Performer of the Year: Vice Ganda (I Vice Ganda Mo Ako sa Araneta)

Female Concert Performer of the Year: Lea Salonga (Playlist)

Song of the Year: "Help Me Get Over" by Jonalyn Viray

Album of the Year: Liham at Lihim (Gloc-9 / Universal Records)

Duo/ Group Artist of the Year: The Angelos

Male Recording Artist of the Year: Gary Valenciano

Female Recording Artist of the Year: Sarah Geronimo


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN