Francis Magalona's family remembers legacy of late rapper on his 55th birthday

by Ruel J. Mendoza
Oct 12, 2019
Saab Magalona on her late father Francis Magalona: "It’s been 10 years without him but his legacy will live on forever."

Hindi nakalimutan ng Magalona family na i-celebrate ang kaarawan ng Master Rapper na si Francis Magalona noong nakaraang October 4, 2019.

Kung nabubuhay pa si Francis M., he would have been 55 years old. Sumakabilang-buhay si Francis noong March 6, 2009 dahil sa sakit na acute myelogenous leukemia (AML), isang uri ng cancer of the blood at bone marrow.

Si Francis Magalona ay isa sa nag-pioneer ng pag-merge ng rap music sa Pinoy rock music.

Naging big hit noong 1990 ang kanyang album na Yo! kunsaan nanggaling ang hit singles na "Mga Kababayan," "Gotta Let 'Cha Know," and "Cold Summer Nights."

Nasundan ito ng isa pang hit album noong 1992 titled Rap Is FrancisM at naging hit ang singles na "Mga Praning" at "Tayong Mga Pinoy."

Dahil sa success ng albums ni Francis M, it gave birth to Filipino hip-hop music.

Naging TV host si Francis M ng shows na Student Canteen, V.I.P. (Vilma In Person), Loveli-Ness, The Sharon Cuneta Show, That's Entertainment, GMA Supershow, Music Bureau, Chibugan Na, SOP, at Eat Bulaga.

Continue reading below ↓

Sa ika-10th year nang kanyang kamatayan, hindi naging pabaya ang pamilya ni Francis na manatili siya sa alaala ng maraming tao.

Sa pamamagitan ng social media, pinu-post nila ang mga throwback photos ni Francis noong buhay at masigla ito kasama ang kanyang malaking pamilya.

Noong kaarawan ni Francis, nag-post si Maxene Magalona sa Instagram ng photo ni Francis na may hawak na cake. Sinulat ni Maxene sa caption: "Enjoy life. Eat cake. Happy birthday, Pop!"

Si Saab Magalona naman ay nag-upload ng photo sa IG ng kanyang husband na si Jim Baccarro at ang dalawang anak nila na sina Pancho at Vito. Sinulat ni Saab sa caption: "I remember him every single day through my husband who shares a lot of his best traits. Through Pancho who has his kilay, and through Vito who has his cheeks (hehe). It’s been 10 years without him but his legacy will live on forever."

Continue reading below ↓

Si Elmo Magalona naman ay nag-post ng lengthy message sa Instagram: "Look up to the sky and tell me, what do you see. I see Fifty-five stars formed to make tonight come alive, effortlessly staying alive, til they all have to go back home to get their well deserved rest. Happy birthday Papa your people your energy and your message are all still alive in our minds and hearts. Love from all of us down here looking up to you, That will never change."

Ang kanilang ina at wife ni Francis na si Pia ay nag-share ng photo nila na magkasama.

"Hi, hoo! Today would've been your 55th bday, and I'm turning 55 in two days too. We had one of the best team-ups and although I miss you in the flesh, you’re just always in my heart. "We spent a great many years together and raised eight beautiful children while on a roller coaster ride through life. Cheers and LOVE to you, Mr Scientist! Happy Birthday to us."

Continue reading below ↓

Nag-offer ng mass ang Magalona family noong bisitahin nila ang puntod ni Francis sa Loyola Memorial Park sa Marikina.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Saab Magalona on her late father Francis Magalona: "It’s been 10 years without him but his legacy will live on forever."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results