32nd Awit Awards 2019 marred by controversy

by Ruel J. Mendoza
Oct 20, 2019

Hinakot ng ABS-CBN singer na si Moira dela Torre ang top honors sa 2019 Awit Awards na ginanap sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City noong October 10.

A total of 7 trophies ang naiuwi ni Moira sa 32nd edition ng Awit Awards.

Ginawad kay Moira ang mga awards na Music Video of the Year, Song of the
Year at Most Streamed Single of the Year para sa single niyang "Tagpuan."

Nakuha naman ng album niyang Malaya ang Album of the Year at Most Streamed
Album of the Year.

"Thank you for allowing me to be your friend through my music," ani
Moira sa kanyang acceptance speech para sa award na Most Streamed Artist
of the Year.

Pinasalamatan din ni Moira ang kanyang husband at fellow songwriter na si Jason Marvin Hernandez. Nag-collaborate sila para sa award-winning single na "Tagpuan."

Ani Moira: “Maraming salamat kasi nag-propose ka.”

Ang sagot naman ni Jason: “Winning an award like this with your wife is the best feeling ever.”

Continue reading below ↓

Napanalunan din ni Moira at Nieman ang Best Collaboration para sa single na "Knots."

Nag-uwi naman ng Record of the Year award ay ang single na "Ang Awit Natin" ni Janine Teñoso. Napanalunan din ni Janine ang Best Pop Recordin para sa single na "'Di Na Muli."

Nanalong Favorite Female Artist at Best Performance by a Female Recording Artist ay si Sarah Geronimo for "Isa Pang Araw". Nanalo rin ang "Isa Pang Araw" bilang Best Song Written for Movie/TV/Stage Play for the movie Miss Granny.

Si JK Labajo naman ang nag-uwi ng Favorite Male Artist at Best Performance by a Male Recording Artist for "Buwan" na nanalo ring Best Rock/Alternative Recording, Favorite Song and Favorite Record.

Ang GMA-7 singer na si Julie Anne San Jose ay nauwi ang awards for Favorite Album (Breakthrough) at Favorite Collaboration with Fern for "Down For Me."

ONLINE VOTING CONTROVERSY

Nagkaroon naman ng kontrobersiya ang 32nd Awit Awards dahil sa online voting. Kahit tapos na ang online voting ay patuloy na tumanggap ang sistema ng mga boto kaya umalma ang mga fans. Narito ang screenshot ng isang fan na kinumpara ang October 8 results at October 10 results:

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng Instagram ay nag-issue ang Awit Awards organizers ng statement upang humingi ng paumanhin sa nangyaring anomalya.

Continue reading below ↓

Ito ang iba pang nanalo sa 2019 Awit Awards:

Best Performance by a Group Recording Artist
"Kahit Ayaw Mo Na," This Band

Best Performance by a New Female Recording Artist
"Happy For You," Jayda

Best Performance by a New Male Recording Artist
"Tuldok," Chan Millanes

Best Performance by a New Group Recording Artists
"So Good," BRWN

Continue reading below ↓

Best Ballad Recording
"Hanggang Dito Na Lang," Jaya

Best World Music Recording
"Jak En Poy," Bullet Dumas

Best Dance Recording
"Sarung Banggi," Sam Concepcion

Best Rap/HipHop Recording
"Lagi," Gloc-9 feat. Al James

Best R&B Recording
"Take It To Forever," Jona, Jay-R, and REQ

Special Dangal Award
Francis Magalona

Favorite New Male Artist
Just Hush

Favorite New Female Artist
Maris Racal

Favorite Group & Favorite New Group
TNT Boys

Favorite Music Video
"Sugarol," Maris Racal

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results