K-pop idol Kang Daniel paborito ang halo-halo; Thai group na SBFive gusto ng collab with Catriona Gray

by NMI Multimedia
Oct 21, 2019
Bukod sa pagkanta at pagsayaw, nag-Tagalog si K-pop idol Kang Daniel (kaliwa) sa kanyang fan meet na Color On Me. Ang Thai boyband namang SBFive (kanan), gustong maka-collaborate si Catriona Gray.
PHOTO/S: @kandaniel_k1 (left) / @tee_jarujiph (right) on Instagram

Sa patuloy na pagdating ng South Korean stars sa Pilipinas para sa fan meetings, ang latest ay si Kang Daniel na dating miyembro ng K-pop all-male group na Wanna One.

Hindi ito ang unang pagbisita ni Kang sa Pilipinas, pero ito ang unang pagkakataon na pumunta siya rito nang solo.

Sa kanyang fan meeting na Color On Me, bukod sa pagkanta at pagsayaw ay nagpamalas din ng kanyang kakayahan na magsalita ng Tagalog ang K-pop idol.

Nang tanungin kung ano ang paborito niyang Filipino food, ang pampalamig na Pinoy dessert na halo-halo ang nabanggit agad ni Kang.

Bukod sa K-pop artist, nasa bansa rin ngayon ang Thai group na SBFive.

Hindi rin ito ang unang pagpunta ng Thai boy band sa Pilipinas. Pero para sa pagdating daw nila ngayon, meron silang special show.

Bukod sa pagkanta at pagsayaw, gusto rin daw sana ng grupo na makipag-collaborate kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa pagkanta at pagsayaw, nag-Tagalog si K-pop idol Kang Daniel (kaliwa) sa kanyang fan meet na Color On Me. Ang Thai boyband namang SBFive (kanan), gustong maka-collaborate si Catriona Gray.
PHOTO/S: @kandaniel_k1 (left) / @tee_jarujiph (right) on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results