Was JBK hit single censored by this radio station?

JBK pop group shares love advice for brokenhearted millennials
by Rommel Gonzales
Nov 30, 2019
JBK, the all-male pop trio, understands why Pinas FM refuses to play their single Anestisya: “Alam ko rin, hindi sila nagpe-play anything about sa laklak, sa alak. Kasi, sa INC kasi, hindi puwedeng uminom and magyosi, kahit ano... Dun sa Pinas FM kasi, halos karamihan dun ng listeners is INC. So, baka ayaw rin nilang i-play.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Hindi nasaktan ang grupong JBK (na binubuo nina Joshua Bulot, Bryan del Rosario at Kim Ordonio) kung hindi man pinapatugtog sa isang radio program ang kanta nilang "Anestisya."

Pagklaro ni Kim, “Actually, ang alam ko, isang radio station lang—yung Pinas FM.

“Alam ko rin, hindi sila nagpe-play anything about sa laklak, sa alak.

"Kasi, sa INC kasi, hindi puwedeng uminom and magyosi, kahit ano...

“Dun sa Pinas FM kasi, halos karamihan dun ng listeners is INC. So, baka ayaw rin nilang i-play.

“Pagka may ganun sa song and iyon yung parang mini-meaning dun sa song.”

Hindi naman daw sila nagtampo dahil sa patakarang ito ng simbahang Iglesia ni Cristo.

Lahad niya, “For me, ako kasi, personally INC din ako, and in-explain ko rin sa kanila na nung bago pa lang namin ipasa dun sa Pinas FM, 'Tingnan natin kung papayagan nila or hindi.'”

Dahil miyembro rin pala ng INC si Kim, nagpapasalamat siya dahil hindi siya pinagbawalang kantahin ang "Anestisya" na may lyrics na, "Isang tagay na lamang, isang lagok, malulunod din ‘yan…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglinaw niya, “Actually, alam naman nila. Gumawa sila ng way, actually wala namang problem dun kasi as a group naman kami.

“As a trio naman kami and gumawa rin sila ng way para ma-support yung song namin. So, gumawa sila ng interview lang about dun sa song and sa news naman sa kanila, so doon nila inilabas.”

Lahat daw ng kanta ng JBK ay pinapatugtog sa Pinas FM maliban sa Anestisya, at nauunawaan iyon ng grupo.

Ang "Anestisya" na single na pinu-promote ng JBK ay sinulat ng kapwa showbiz journalist na si Jojo Panaligan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang JBK sa mediacon ng "Anestisya" noong November 19 sa Alex III restaurant sa Quezon City.

BUSY SCHEDULE

May existing gig ang JBK sa Resorts World at nakakasabay nila roon si Mitoy Yonting at ang Mocha Girls.

Contract artists din sila ng GMA Artist Center (GMAAC).

Kahit singers sila ay nag-acting workshop sila sa ilalim ng international acting coach na si Arnold Bova na sponsored ng GMA.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Patapos na kami ngayong December and after noon, meron kaming gagawin na maraming manonood na mga directors,” kuwento ni Kim.

Ayon naman kay Bryan, nakapag-guest na sila sa mga programa ng Kapuso Network.

“Sa Unang Hirit, sa Mars, sa Studio 7, promotion din sa kanta and iyon dahil nag-workshop kami, napanood na kami sa Magpakailanman, Wish Ko Lang.”

Nakasama si Bryan sa Sex Slave episode ni Jeric Gonzales para sa Magpakailanman.

Si Joshua ay nakalabas na sa Wish Ko Lang.

ADVICE FOR BROKENHEARTED MILLENNIALS

Ano ang mensahe nila para sa mga brokenhearted millennials na maaaring sundin ang payo ng awitin nilang Anestisya na idaan na lang sa alak ang kanilang problema?

Sagot ni Joshua, “Para sa akin, ang gretatest revenge na kaya mong gawin kapag na-heartbroken ka is gawin mong better yung sarili mo.

“Kasi kapag naging better yung sarili mo, malalaman mo kung ano yung worth mo talaga. At wala lang sa iyo yung mga nangyari. Kung iniwan ka, parang loss niya yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mag-gym ka, magpapayat ka, magpaseksi ka, magpapogi ka, mag-aral ka pa ng iba pang skills.

"Iyon ang advice ko sa mga brokenhearted,” sagot ng hunk si Joshua.

Payo naman ni Bryan, “When it comes sa mga kabataan, huwag na lang gayahin yun.

"Kasi yung song naman, since we’re all adults [JBK], puwede namin siyang kantahin.

"Kasi normally, as an adult, iyon ang go-to mo talaga, mag-aalak ka.

“Pero iyon nga, parati naming sinasabi, find your own anestisya in dealing with your problem or in dealing with pain.

“Example, yun nga yung sinabi na Joshua, ang alternative niya sa alak ay yung pagdyi-gym.

“In my experience, kapag masakit sa akin yung nararamdaman ko, sinusulat ko lahat ng gusto kong sabihin. 'Tapos, nakapag-create ako ng song.”

Si Kim naman ay may pinagsisisihan noong panahong nabigo siya sa pag-ibig.

Pagbabalik-tanaw niya, “Dati kasi, nawala ako sa line, kain ako nang kain, wala na akong paki kung anong maging image ko, so parang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, group kami, kailangang maging payat.

"Hanggang sa sinita na nila ako, ‘Huy, ang laki mo na sa picture!’

“And iyon yung time na kailangan mo nang mag-move on. And so, iyon yung ginawa ko.

“Para sa mga batang nakikinig ng Anestisya, hanapin niyo lang yung way na makakapagpalimot panandalian.

"And then, habang nandoon ka sa time na iyon na gusto mong makalimot, isipin mo rin kung ano iyung puwede mong gawing solusyon.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JBK, the all-male pop trio, understands why Pinas FM refuses to play their single Anestisya: “Alam ko rin, hindi sila nagpe-play anything about sa laklak, sa alak. Kasi, sa INC kasi, hindi puwedeng uminom and magyosi, kahit ano... Dun sa Pinas FM kasi, halos karamihan dun ng listeners is INC. So, baka ayaw rin nilang i-play.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results