Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Newbie singer Daren Dyhengco all set for Music Museum concert

by Rommel Gonzales
Dec 1, 2019
Vancouver-based Pinoy singer Daren Dyhengco will have his first major solo concert at the Music Museum on December 4, 2019. He is also an accomplished stage, film and TV actor.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Nadiskubre ang male singer na si Daren Dyhengco sa isang fund-rasing concert sa Music Museum na ginanap noong January of last year.

Lahad niya, “It’s a benefit concert nila Chad Angeles, Janina Gonzales, Brandon Chan and Moira Lacambra.”

Concert daw ito ng mga tulad niyang aspiring new singers.

Paano siya napasama sa naturang concert?

“Yung tita ko parang kilala yung producer,” paliwanag ni Daren na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, November 30, sa Toby’s Estate Café sa Greenhills.

Si Jesse Chua na sikat na film producer noong araw ang tinutukoy ni Daren na producer.

Family friend nila si Jesse kaya kinuha siya para mag-guest sa naturang concert.

MAJOR CONCERT

Speaking of concerts, may concert si Daren sa Miyerkules, December 4, sa Music Museum, ang Daren D. Live In Concert!

Guests ni Daren sa concert niya sina Chad, Janina at si Gelai ng G-Force na produced ng M.A.C.V. Enterprises, Inc.

Continue reading below ↓

Naninirahan sa Vancouver si Daren pero sa Pilipinas siya ipinanganak.

Sixteen years old siya noong nag-migrate nang permanente ang buong pamilya niya sa Canada, Twenty-six na siya ngayon.

Pero pumapasyal naman si Daren sa Pilipinas sa loob nung sampung taong nanirahan ang pamilya nila sa Vancouver.

SINGING CAREER

Nine years old unang nag-perform si Daren at tanda pa niya ang kantang inawit niya, ang "One Moment In Time" ni Whitney Huston.

Noon daw kasi ay bata pa siya kaya mataas o matinis pa ang boses niya.

Pagbabalik-tanaw niya, “Noong bata ako, I sing like Celine Dion, Mariah Carey, Whitney Houston, so mataas talaga.”

Ang unang singing contest na sinalihan ni Daren ay ang iPop sa Los Angeles, California sa edad na sixteen. Kinanta niya ang "Home" ni Michael Buble at second runner-up siya among sa mga contestants na sumali sa buong North America.

“So ang dami talagang tao na sumali doon,” saad niya.

Continue reading below ↓

Sa pangalawa namang contest na sinalihan ni Daren, ang The Event, ay sa Orlando, Florida naman ginanap kung saan kanta rin ni Michael Buble ang ipinanglaban niya, ang "Feeling Good" at ang "Fallin'" ni Alicia Keys sa preliminaries sa nabanggit na contest, pumuwesto sa top ten si Daren.

Aniya, “After nung ten, yung winner na, walang second or third.”

ACTING GIGS

Nagtapos si Daren ng kursong Music Theatre mula sa Capilano University sa North Vancouver, Canada taong 2015.

Bukod sa pagkanta ay isa ring stage, film and TV actor sa Canada si Daren; ilan sa mga nagawa na niya ay ang Elf: The Musical (Western Canada Theatre); Next To Normal at Spring Awakening (Phantom Moon Collective), The Day Before Christmas (Arts Club Theatre Company) na biggest role ni Daren; Hairspray at Westside Story (Theatre Under the Stars).

May cameo appearance din si Daren sa isang Netflix movie, ang Dark.

May day job din si Daren sa Vancouver. Manager siya sa isang Vietnamese restaurant, ang Com.

Continue reading below ↓

REASON FOR CONCERT

Nakakatuwa ang rason ng pagko-concert ni Daren sa December 4 sa Music Museum.

Kuwento niya, “Kasi most of my family and friends are here and they obviously want to see me perform, and masyadong malayo ang Canada so we thought na, “Bakit hindi na lang... why don’t we try it here?’

“Di ba, concert sa Music Museum?”

Kaya bukod sa M.A.C.V. Enterprises, Inc. ay sumosyo rin sa concert ni Daren ang ama niya.

Dalawampung kanta ang kakantahin ni Daren sa major solo concert niya kasama ang kanta ni Noel Cabangon na Kanlungan.

FAVORITE ARTISTS

Pop ang genre ni Daren at ang mga paborito niyang singers at musical influences ay sina Michael Buble, Sam Smith, Ed Sheeran, Shawn Mendez, Nick Jonas, Westlife, Backstreet Boys at ang Maroon 5.

Halos lahat ng mga ito ay napanood na ng live ni Daren sa concerts sa Pilipinas at sa Canada.

Straight guy si Daren pero paborito niya ang gay singer na si Sam Smith, very supportive daw siya sa gay community lalo pa at very open ang Canada sa LGBTQ.

Continue reading below ↓

“You see everybody as equal doon and I fully support that and I fully agree with that culture,” pagmamalaki pa ni Daren.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vancouver-based Pinoy singer Daren Dyhengco will have his first major solo concert at the Music Museum on December 4, 2019. He is also an accomplished stage, film and TV actor.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results