PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Shanti Dope talks about depression, suicide, and the power of music

Was Shanti Dope affected when his song "Amatz" was almost banned by the PDEA (Philippine Drugs Enforcement Agency)?
by Rose Garcia
Published Dec 11, 2019
Shanti Dope opened up about the time when the Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) wanted to ban his song "Amatz."
PHOTO/S: Rose Garcia

Pinag-usapan ang rapper/songwriter na si Shanti Dope dahil sa kanyang kantang "Amatz" na gustong ipa-ban ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA).

Malilimitahan na ba ang mga isusulat niya sa susunod niyang album?

“Sa akin siguro, mas magpapakatotoo ako sa bawat kanta ko. Kasi, yun naman siguro. As long as totoo ka, mas mararamdaman ka ng ibang tao.

“Tuluy-tuloy lang, gagawa pa rin ng mga bagong songs.”

Hindi masasabi ni Shanti Dope na naapektuhan siyang talaga sa kontrobersiya.

“Tapos na yun. Isang parte ng biyahe ko, di ba? Naging controversial pa minsan.”

Pero sabi ni Shanti o Sean Patrick Ramos sa totoong buhay, hindi na lang siguro siya magpo-focus sa mga kantang tulad ng "Amatz."

“Hindi na siguro, sasabihin ko na lang sa kanta kung masaya, masaya. Kung ano ang nararamdaman ko at bahala na ang tao kung paano nila tanggapin yun.

“Kasi, sa totoo lang, ganun naman talaga ang pagkanta. Iba-iba tayo ng pagtanggap.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shanti nang muli itong pumirma ng kontrata bilang artist ng Universal Records noong Miyerkules, December 4, 2019.

Mahigit isang taon pa lang sa industriya si Shanti pero lumilikha na talaga siya ng pangalan, lalo na para sa hit songs niya tulad ng "Nadarang" at "Mau."

Ngayon ay 18 years old na siya at natawa ito nang tanungin kung mas may freedom na ba siya.

“Dati kasi, bawal akong magpa-tattoo. Sabi ng mama ko, sige, kapag 18 ka na. So noong 18 ako, hayun,” sabi niya.

Mula sa isa, may apat na tattoo na raw siya.

Pagdating sa musika, dahil alam niyang mas marami na ang nakikinig sa kanya, mas magiging responsable pa siya.

“Opo, pakiramdam ko, maski ibang tao lang, kung paano ko sila kausapin, iba ang dating sa kanila, e. Kaya kahit sa pananalita, kailangan mo talagang maging conscious, lalo na sa kanta, di ba?

“Ang lakas kasing makaimpluwensiya ng kanta, e.”

Napakaraming kabataan ngayon ang madaling ma-depress. May ilang nauuwi sa pagsu-suicide.

Noong panahon na nakaranas siya ng cyber bullying at bashing, na-depress ba siya?

“Mas tinitingnan ko po yung magagandang nangyayari kesa sa komento ng ibang tao. Kasi, ang buhay naman natin, mabuti o masama, may masasabi at masasabi sa ‘yo.

“Kapag nagpaapekto tayo roon, talo lang tayo so, focused lang talaga sa kung ano ang dapat gawin. Focused lang.”

Ayon kay Shanti, hindi siya nalulungkot na kumpara dati noong hindi pa siya sikat ay nagagawa niya kung ano ang gusto niyang gawin, isulat o sabihin, na ngayon ay may limitasyon na.

“Kasi, hindi ko rin naman pinipilit ang sarili ko na magtrabaho na kailangan kong matapos ‘to, kailangan kong gawin ‘to.

“Kumbaga, ginagawa ko pa rin ang ginagawa ko dati, naglalaro pa rin ako, pumapasok pa rin ako sa school.

“Kung ano ang ginagawa ko dati, ginagawa ko pa rin. Makagawa pa rin ako ng kanta at hindi ako makulong sa music na... kasi, sa totoo lang, medyo nakaka-stress. So, lumalabas-labas ako, nag-i-skate kasama ang mga tropa.

“Hindi naman ako nalulungkot. At ang pinagkaiba rin naman ngayon, nagkakaroon na ako ng pambili ng mga bagay na gusto ko.

“Pambigay ko sa mga magulang ko, pero, hindi ko naman ikinakalungkot na napalitan ng fame kung ano man ang nangyari dati.”

Hindi rin daw siya ang breadwinner sa pamilya nila. Pero ang pag-aaral niya bilang Grade 11, siya na ang nagtutustos sa sarili niya.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shanti Dope opened up about the time when the Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) wanted to ban his song "Amatz."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results