Iñigo Pascual optimistic about international singing career

by Melba R. Llanera
Jan 27, 2020
Iñigo Pascual on reigniting romance with Maris Racal: “The universe, the world works in a crazy way...”

Unti-unting nakakagawa ng pangalan sa international music scene si Iñigo Pascual.

Kumanta siya sa NBA halftime show noong Nobyembre 18, 2019 sa Staples Center ng Los Angeles, California.

“Ang dami ko ring nagawa after that. I was able to collaborate with more people,” lahad ni Iñigo nang makausap namin noong Enero 19, Linggo, sa set ng ASAP Natin ‘To.

“Mayroon akong collaboration with boyband named Pretty Much under Simon Cowell's management.

“I'm going to the U.K., I was touring with the New Rules, it's a boyband in the U.K.

"First time kong magtu-tour sa U.K., we’re gonna do nine shows, so I’m gonna be there for one month.

“I’m gonna be on a tour bus, so excited ako to be able to do that and perform to a different audience.

“Di lang puro Filipino ang nandoon, iba't ibang lahi na. So, nakakatakot, nakakakaba.

"Pero I'm grateful for the opportunity given to me."

Continue reading below ↓

Kung ipu-pursue ni Inigo ang kanyang international career, maaaring mapabayaan niya ang kanyang career sa Pilipinas.

“Yun nga ang pinag-iisipan ko, I've been thinking about that: what can I do to give back to my local supporters?” matamang saad ni Iñigo.

“I wanna make Tagalog music still and nag-iisip din ako na baka posibleng makapag-act uli.

“Sabi ko, gusto ko uling makagawa ng movie or kaya short TV series na puwede kong gawin.

"Kasi, puwede naman, kaya naman.

“Willing naman ako in order to show people that I appreciate the opportunity given to me and them supporting me as well.

"A lot of people are asking me to start acting again. Why not, di ba?"

WORKING AGAIN WITH MARIS

Huling napanood si Iñigo sa pelikulang I'm Ellenya L., isa sa sampung official entries ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino noong Setyembre 2019.

Katambal niya roon ang ex-girlfriend na si Maris Racal.

Continue reading below ↓

Willing si Iñigo na gumawa uli ng movie with Maris, lalo na’t andiyan pa rin ang mga sumusubaybay sa MarNigo tandem nila.

“Siyempre, I'm not closing my doors to other stars, other opportunities.

"Pero kung mabibigyan ako ng opportunities to be able to work again with Maris, okay naman,” pahayag ni Iñigo.

“Kanina, magkasama kami sa prod. Hindi magkasama na magkasama, pero we're able to rehearse together.

“Okay naman, I'm happy for her. Ang dami niyang projects.

"Siyempre, sobrang hit na hit yung teleserye nila, Pamilya Ko. Nakakatuwa, I'm very, very happy for her.

“The communication is still there, medyo nabawasan, but the friendship, hindi naman nababawasan, hindi naman mawawala.”

Magkabalikan kaya sila?

Napangiti si Iñigo, “We never know. The universe, the world works in a crazy way.

"We never know where it will lead us."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iñigo Pascual on reigniting romance with Maris Racal: “The universe, the world works in a crazy way...”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results