Ipinost ng British singer na si Sam Smith sa kanyang social media accounts ang clip ng performance ng blind Filipino singer na si Carl Malone Montecido.
Sa clip, makikitang kinakanta ni Carl Malone sa harap ng isang videoke screen sa loob ng isang tila department store ang kanta ni Sam na "Too Good At Goodbyes."
Sa Twitter at Instagram ni Sam, nilagay niya, "WHO IS THIS KID!!!?? WHOEVER YOU ARE, YOU ARE OUT OF THIS UNIVERSE."
Nag-react sa post na ito ni Sam ang Pussycat Dolls lead singer na si Nicole Scherzinger na may dugong Pilipino.
Maging sina Kelly Clarkson at ang One Direction member na si Niall Horan ay napahanga sa dating The Clash at Tawag Ng Tanghalan contestant.