Gloc-9 reveals fears about releasing hit song "Sirena"

by Jerry Olea
Mar 2, 2020
Gloc-9 on releasing his hit song "Sirena": "Siyempre, hindi naman po ako bakla. Ahhh, pero pinakanatatakot ako, ayokong makainsulto ng nasa LGBT. Kaya noong the day na na-release yun, pawis na pawis ang kamay ko at paa ko, dahil hindi ko alam kung paano iyon matatanggap."
PHOTO/S: Jerry Olea

Sulat nang sulat ng mga berso ang rapper na si Gloc-9.

May mga paksa ba siyang iniiwasan para hindi matamaan ang mga kaganapan ngayon ng bayan at lipunan?

“Sa totoo lang po, siyempre, iniisip din namin iyon,” matamang pasakalye ni Gloc-9 nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Pebrero 24, Lunes, sa Padi’s bar and restaurant sa Sky Garden, SM North EDSA, Quezon City.

“Ahh, ahhhm... hindi rin naman po kami iyong tipo na pag may isyu na ganito, ‘Tara, sulatan natin ‘yan!’

“Halimbawa, kung meron sa coronavirus, hindi naman po kami agad gagawa ng kanta na ang title ay 'Wash Your Hands.'

“Pero very, very sensitive po kami kung ano yung susulatin namin.

"Like, noong ginawa ko po yung 'Sirena,' doon ako pinakakabang-kaba, e.

“Dahil hindi... siyempre, hindi naman po ako bakla. Ahhh, pero pinakanatatakot ako, ayokong makainsulto ng nasa LGBT.

“Kaya noong the day na na-release yun, pawis na pawis ang kamay ko at paa ko, dahil hindi ko alam kung paano iyon matatanggap.

Continue reading below ↓

“Dahil iyon ay sa pananaw ko lang ginawa.”

Tinanggap at minahal ng mga bakla ang kantang "Sirena," na ang official music video ay in-upload noong Agosto 14, 2012 sa YouTube.

Nakapaloob ang "Sirena" sa album na MKNM: Mga Kuwento Ng Makata na ini-release noong Agosto 17, 2012.

Patuloy ni Gloc-9, “I’m very, very thankful.

"Sabi nga ni Sir Boy Abunda noong nag-appear siya sa video, ‘Hindi lang iyan simpleng oo o hindi. In-analyze namin ang kanta mo at isang salita lang doon ang hindi namin magustuhan, hindi mo ako makikita sa video mo.’

“I’m very, very thankful doon sa reception nila sa kanta.”

SONG ABOUT POLITICIANS

Maraming nasapul ng kantang "Upuan" (mula sa 2009 album na Matrikula) ni Gloc-9, partikular ang politicians.

“Matagal na matagal ko na pong sinulat iyon.

"Noong time na sinulat ko po iyon, ako’y nagdu-duty sa mga public hospital noong nag-aaral ako ng Nursing,” kuwento ng rapper na 23 taon na sa music industry.

Continue reading below ↓

“At kapag ikaw ay nasa environment na katulad ng mga public hospital dito sa Pilipinas, hindi ka mauubusan ng inspiration sa pagsulat mo ng kanta.

“At kapag pinakinggan mo iyong album na 'Matrikula,' medyo made-depress ka dahil sobrang depressing ng album na iyon. Kaya ko rin po nasulat yung 'Upuan.'

“Pero kung papakinggan ninyo iyon, ang 'Upuan' ay puwede mo ring i-associate hindi lamang sa kung sino iyong nakaupo sa gobyerno.

“Puwede itong boss mo sa trabaho. Puwede itong isang malaking tao sa isang religious group na pinupuntahan mo.

“So, depende rin po talaga iyan sa kung paano mo ii-interpret ang papakinggan mong materyal.”

Mas maingat at mas considerate ba siya sa LGBT members kesa sa mga nakaupo sa gobyerno?

“Hindi naman po,” sansala ni Gloc-9.

“Ano iyan, e. Iyong mga corrupt po, wala naman po sigurong aamin na, ‘Huy! Corrupt ako, ba’t mo naman ginawa sa akin ‘yan?’

“Minsan nga, sa isang event, sa isang local government, tinawag ako nung isang opisyal sa sala ng bahay niya, ‘Anong mga kakantahin mo?’

Continue reading below ↓

“So, sinabi ko lahat, puwera lang yung 'Upuan.'

"Di ko pa sinasabi, ‘Yung Upuan, kakantahin mo ba?’

“Sabi ko, ‘Ha? Po?’ ‘Paborito ko ‘yan, e!’”

May mga magkakalabang pulitiko na parehong ginamit ang 'Upuan.'

“Katulad po ng nasabi ko, walang aamin na siya yung umutot.”

Ano ang epekto sa kanya ng mga ganoong sitwasyon ng 'Upuan'? Napa-flatter ba siya?

“Nao-offend ako pag sinabing, ‘Huwag mong kantahin!’ Kasi, honestly, may ganoon talaga.

“Nao-offend ako dun, ‘Huwag mong kantahin ‘yan, ha?!’

"E, I think, it’s sad na ganoon kagarapal, ‘no? ‘Bakit ayaw mong kantahin ko?’

“Di ba? Pero iyon...”

So, ayaw na niyang kumanta para sa pulitikong nagbawal sa kanya na kantahin ang "Upuan"?

Napangiti si Gloc-9, “Sana po, pero nakalimutan ko na kung sino siya, e.

"Marami pong bagay ang hindi ko na natatandaan ngayon sa edad ko na cuarenta y dos."

GLOC-9 ON CORONAVIRUS

Natakot ba siya sa coronavirus?

Continue reading below ↓

“Hindi po dahil alam ko po na sobrang init dito sa atin. Katulad ngayon, ang init-init,” mabilis na tugon ni Gloc 9.

“I doubt kung mabubuhay ang coronavirus dito sa suot ko.

“Pero hindi, seriously speaking, ano po iyan... nakakatakot din talaga.

"Ahhmm... ahhh... siyempre, I can only speak for myself.

“Kapag oras mo na, oras mo na. Ayoko ‘yang sabihin na in connection sa ibang tao dahil wala akong karapatan na gawin iyon.

“Siyempre, natatakot ako para sa mga mahal ko sa buhay. Hindi na nga kami masyadong nakakapunta sa mall.

“Pero siyempre, maaawa ka rin. Kasi, parang buryung-buryong na sa bahay, e. Buryong na buryong na.

“Pero iyon nga, siguro ingat-ingat na lang talaga.

"Iyon din naman, siguro we’re very fortunate din na tayong mga Pilipino ay sobrang resilient sa kahit sa kahit na anong bagay, ‘no?

“Kahit ano pa ‘yan. And I’m sure, malalampasan natin ‘yan.”

Naapektuhan ba ang gigs niya dahil sa takot ng mga tao sa coronavirus?

Continue reading below ↓

“May events na nag-cancel. May events na nag-resched,” matamang pakli ni Gloc-9.

“Pero I think, DOH [Department of Health] lifted na iyong kanilang... ahhh... pag-postpone ng events. So, ‘yon, tuloy ang ligaya.

“Basta, ang aming advice po sa lahat ng mga tao ay kanya-kanyang ingat na lang. Kanya-kanyang dala na lang siguro ng alcohol.

“Maging considerate ‘yung iba na kung babahing ay huwag sa mukha ng isang tao.”

May show si Gloc-9 sa Abril sa Canada. Hindi pa iyon naka-cancel.

Kasado na rin ang bar tour ni Gloc-9 sa Padi’s Shaw (Mayo 14), Padi Bacoor (Mayo 16), Padi’s Pasay Taft (Mayo 22), Padi’s Remedios (Mayo 30), at Padi’s Caloocan (Hunyo 14).

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gloc-9 on releasing his hit song "Sirena": "Siyempre, hindi naman po ako bakla. Ahhh, pero pinakanatatakot ako, ayokong makainsulto ng nasa LGBT. Kaya noong the day na na-release yun, pawis na pawis ang kamay ko at paa ko, dahil hindi ko alam kung paano iyon matatanggap."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results