Lirah comments on the woes of Protege finalist Lovely Embuscado

by Rose Garcia
Mar 6, 2020

Nagulat si Lirah sa balitang sa kalye na lang halos nakatira si Lovely Embuscado kasama ang ina nito.

Sina Lovely at Lirah ay runners-up kay Krizza Neri sa reality contest na Protege (2011) ng GMA-7.

“Actually, si Ma’am Thea [Gomez-Pollisco, her manager] ang nag-send po sa akin ng article,” lahad ng 21-anyos na si Lirah.

“Lahat po kami, nagulat, noong sinend po ni Ma’am Thea, parang nagulat po talaga ako. Tinawag ko ang Mama at Papa ko, binasa namin ang article. Sobrang nagulat kami at nalungkot for Lovely.

“Kasi, hindi po namin akalain na aabot po sa ganoon. Yung last na balita ko po sa kanya years ago, nag-aaral siya and dito po yata, nahinto po siya.”

Ang una raw na pumasok sa isip ni Lirah ay ang libreng scholarship na natanggap nila sa Protege.

“Meron po kasi kaming libreng college scholarship,” saad niya. “Sabi ko nga, sayang, sana maituloy niya.”

Continue reading below ↓

Si Lirah ay nakatapos na ng kolehiyo gamit ang libreng scholarship ng Protege sa S.T.I. College.

Aminado si Lirah na hindi na sila masyadong nagkaroon ng komunikasyon ng mga kapwa niya Protege contestants.

Ani Lirah, “Ngayon na lang po ulit. Parang ngayon na lang din po kami parang nagka-follow ni Krizza sa social media.

“But I’m not sure po kasi kay Lovely, kasi hinahanap ko siya, hindi ko alam kung ano ang legit na account.”

Hindi siya nakasama sa benefit show para kay Lirah na ginanap sa Zirkoh.

Ayon kay Lirah, “Nag-set po sila ng isang date, that was February 7, nag-confirm na po ako doon and the management, si Ma’am Thea. Kasi, nakausap din po siya ni Krizza, si Krizza po ang nag-organize.

“Nag-confirm na po ako, pero parang nagkaroon po yata ng conflict sa venue dahil hindi na yata available. Noong second date, may show na po ako kaya hindi ako nakapunta.”

Continue reading below ↓

Gusto pa rin niyang makita si Lovely sa personal.

“Gusto ko rin siyang kausapin kung ano ang nangyari at bakit naging ganoon,” saad ni Lirah.

“Kasi, lahat po kami, nagulat po talaga. Ang dami rin pong nag-message sa akin tungkol doon sa article. Marami rin pong nag-reach out, kahit iyung dating fans.

“Actually, iyung unang-unang naisip ko po talaga na nalungkot po talaga ako, iyung hindi niya naituloy yung schooling, iyung studying niya.

“Sobrang sabi ko po talaga, sayang. Kasi, noong Protege po talaga, si Lovely po talaga yung... siyempre, sa province rin po siya talaga, so medyo limited yung kanyang knowledge.

“Dati, noong nalaman ko na nag-aaral siya, hindi ko po alam kung elementary iyun or high school, pero noong malaman ko po na nag-aaral siya ulit, sobrang natuwa po ako noon.

“Pero noong makita ko po ang article, iyun po ang una kong naisip, hindi niya natuloy ang studies niya.

Continue reading below ↓

“Tapos, sumunod na po roon iyung bakit kaya ganoon ang nangyari sa kanya?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lirah sa press conference ng Padi’s bar and restaurant noong Pebrero 24, Lunes sa Sky Garden, SM North EDSA.

Magkakaroon ng gigs si Lirah at iba pang Asintada artists tulad nina Gloc-9, Shanti Dope, JKris, at Sandiwa sa iba’t ibang branch ng Padi’s.

Simula noong Protege, nagpatuloy si Lirah sa pagkanta at pagtugtog habang nagtatapos ng pag-aaral.

“Gaya ng palagi kong sinasabi, hindi naman lahat nabibigyan ng ganitong opportunities sa mismong dream.

“Minsan po kasi, iyung iba, iba iyung dream, pero sa iba sila nag-e-excel. Siguro, sobrang grateful ako na iyung ibang tao, ganito ang buhay.

“Suwerte pa rin ako na minsan, kahit pagod ako sa trabaho, nag-i-stay or hindi ako nawawala sa gusto kong road na tahakin.

“Ang gusto ko po, magkaroon pa ako ng maraming songs. Sana, mas makilala pa ako ng mga tao, lalo na iyung songs na ilalabas ko.

Continue reading below ↓

“Sana, tumatak yun sa tao gaya ng pagtatak ng songs ni Sir Gloc na sobrang natatandaan po talaga ng mga tao.

“Sana po ay umabot ako sa ganoong stage and siyempre, para rin po maiahon ko rin po... well, maibili ko rin po ng sariling bahay ang family ko.

“Kasi po, nagre-rent lang po kami kaya nag-iipon po kami na sana, makabili ng bahay, lupa and sana, makapagtapos din po iyung sister ko. Kasi, tumutulong din po ako sa pag-aaral niya.”

Bilang sa GMA siya nagsimula, hindi ba kasama sa pangarap niya ang maging bahagi rin ng mga programa ng network tulad ng All-Out Sundays?

“Sobra, sobrang lagi ko pong pinagpi-pray na sana someday, hindi lang po sa GMA, kahit saan po, okay po ako roon na sana, magkaroon po ng projects.”

Sa isang banda, pinuri siya ni Gloc-9 na hindi nito kayang gawin ang nagagawa ni Lirah — naggigitara habang nagra-rap.

Continue reading below ↓

“Minsan nga po, nata-touch din po ako sa ganyan,” nakangiting sabi ni Lirah.

“Palagi rin po niyang binabanggit sa akin na iyun nga po, hindi pa raw po siya nakakakita ng nagra-rap habang naggigitara.

“So, sobrang nata-touch din po ako roon. Pero kapag nagwo-work po ako with Sir Gloc, hindi rin po talaga nawawala ang kaba,” natawang pag-amin ni Lirah.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results