Chacha Cañete, four other Filipinos are runners-up in Euro Pop singing contest in Berlin

3rd runner up Glee Nette Gaddi (left) is photographed holding up her Euro Pop trophy. Chacha Cañete (right), Ana Ramsey, Gian Gloria and Erin Martinez are the other runners-up in the Euro Pop Contest Gran Prix Berliner Perle.



Namayagpag ang mga Filipino talent sa grand finals ng Euro Pop Contest Gran Prix Berliner Perle na ginanap noong November 23 sa Russian House of Science and Culture sa Berlin, Germany.

Ang Pilipinas ang nag-iisang Asian country na nagpadala ng mga representatives sa Euro Pop, ang singing competition na sinalihan ng 18 European countries.

Ang singing group mula sa Kazahkstan ang Grand Prix winner pero lima sa mga runner up ang nagmula sa Pilipinas.

First runner up ang apo ni Elizabeth Ramsey na si Ana Ramsey, 2nd runner up ang child actress na si Chacha Cañete, 3rd runner up si Glee Nette Gaddi, 4th runner up si Gian Gloria at si Erin Martinez ang 5th runner up.

Si Chacha at Erin ay nag-compete sa 10-13 years old division, si Glee Nette naman sa 14-17 years old division, samantalang sina Ana Katrina Ramsey at Gian Marla Gloria ay kabilang sa 18-24 years old division.

Si Glee Nette ay isang music production student sa College of St. Benilde.

Tuwang-tuwa si Glee Nette nang makapanayam ito ng PEP tungkol sa tagumpay nila sa Euro Pop ng kanyang mga kasama dahil nakapagbigay sila ng karangalan sa Pilipinas.

“I was so happy and really proud of our country because all five of us won the contest. There's a lot of countries that are involved in this competition. And this is the first time our country joined. Congratulations to my fellow Filipino singers!

“Thanks for all the supporters, family, friends that who prayed for us. May God bless you and all the happiness in the world. I thank my mother who accompanied me during the competition Also, thank you Reuben Bautista for your support!"

Ang tinutukoy niya na Reuben ay ang boyfriend niya na anak ni former Senator Ramon Revilla Sr. Si Reuben rin ang younger brother ni Ramgen Revilla, ang aktor na pinaslang noong October 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN