YouTuber Christi Fider says "Bubble Gum Pop Princess" title fits her to a T

by Jerry Olea
Oct 13, 2020
Christi Fider: "Parang mas gusto kong sundan si Anne Curtis. Kasi, she’s so kalog, and at the same time, very sosyal.”

Napapanahon ang kantang "Teka...Teka...Teka..." ng baguhang mang-aawit na si Christi Fider, na tinaguriang Bubble Gum Pop Princess.

“Iyong song is about the pandemic,” napangiting sambit ng 20 anyos na dalaga sa intimate mediacon nitong Oktubre 12, Lunes, sa Limbaga 77 restaurant, Sct. Limbaga St., Quezon City.

“Kinontak ako ni Direk Joven [Tan]. Sabi niya, may song siya na bagay sa boses ko. And noong napakinggan ko siya, very timely.

“That’s why sobrang nagustuhan ko siya, and na-inspire talaga kami. Kasi, it’s something na parang... sending good vibes amid the quarantine and the pandemic.

“Akala ko noong una, mabigat iyon na pandemic song, pero hindi pala. It’s very lively.

"At nang mapanood ng mom ko ang music video, sabi niya, very K-pop!”

Naghatid ng blessing ang pandemya sa singing career niya.

“Actually, yes, minsan naiisip ko ‘yon,” matamang pag-amin ni Christi, na Enero 9 ang kaarawan.

“Kasi, naging productive. Mas naging productive ako sa house. At mas na-explore, o mas nakilala ko ang sarili ko.

Continue reading below ↓

“Because, di ba, during the quarantine, mag-isa lang tayo sa house. And naisip ko na kaya ko pala. May mga bagay na nalaman ko na kaya ko pala.”

Na-realize niya kung gaano siya ka-healthy mentally.

“Yes. Dati kasi, sobrang dami kong ginagawa sa school. I’m helping my brother sa family business.

“Recently, noong nag-quarantine, parang... sometimes I get so anxious, kasi mag-isa lang sa house. Mag-isa lang sa room.

“Pero at the same time, na-realize kong marami ang nagmamahal sa akin. And I need to focus more on that, kesa doon sa... me getting anxious and depressed.”

Available na ang "Teka... Teka... Teka..." sa Spotify, Apple Music, iTunes, at Deezer. Mapapanood ang music video nito sa YouTube channel ng Star Music.


Continue reading below ↓

WHO IS CHRISTI FIDER?

The Who si Christi Fider? Saan siya nanggaling? Paano nag-umpisa ang kanyang singing career?

“I’m a YouTuber. Before, I was with Adober Studios, iyong multi-channel network ng ABS-CBN. And now, I’m with Direk Joven,” sagot ni Christi.

Tatlo o apat na taon na siyang nagba-vlog sa YouTube.

“Before, hindi ako regularly nag-a-upload. Recently lang ako actually, kasi I’m busy before sa school. Focus talaga ako sa school before.

“So, since kaga-graduate ko lang, ‘yon. Recently lang ako nakakapagtuluy-tuloy,” pagmuwestra ni Christi.

Nagtapos si Christi ng A.B. History sa University of Sto. Tomas.

“Pre-Law course ko po iyon. Dapat po, maglu-Law ako. Pero for now, hindi ko muna siya itinuloy,” pakli ni Christi.

Bakit History ang pinag-aralan niya?

“Noong nag-iisip ako ng pre-Law course, I am torn between Legal Management and History.

“Naisip ko po kasi, Legal Management, sobrang in depth na siya sa Law. Sabi ko, gusto ko namang maka-experience ng ibang pre-Law, and History is... sabi ng mga tita ko na lawyer, History is a good background.

Continue reading below ↓

“Kasi, we get to study the history of the Philippines, and at the same time, iyong mga previous law.

“Marami kaming major na Philippine History, but at the same time, more on writing history, how to write history. Iyon po ang mas inaral namin.”

Isyu ngayon ang pagre-revise ng ating kasaysayan, lalo na iyong panahon ng martial law.

“For me, history kasi is... the facts are there. But it’s the interpretation that varies,” lahad ni Christi.

“Sa amin na younger generation, it’s our job and it’s our duty to preserve kung ano talaga iyong nangyari noong mga panahon na iyon.

“Kasi ngayon, mostly, nasusulat ang history based sa damdamin, e. Depende kung sino yung sumulat.

"Sa Philippine history, sino ba ang pinaka-credible magsulat ng history, kundi yung mga Filipino?

“Most of our history kasi is written by the Spaniards before. So, noong nag-aaral ako, parang... the facts are there, they’re just lying there, but it’s our interpretation talaga. So, ganoon talaga siya nasusulat.”

Continue reading below ↓

Maka-Rizal ba siya o maka-Bonifacio?

Natawa si Christi, “Lahat naman po kasi, merong point. Lahat naman po, may stand. Pero mas importante rin po kasi na... sa mga ganoong po kasing isyu, mas important, you get the common denominator kasi.

“Then, from there, you can have a stand about anything.”

Sa lipon ng mga bayani, mas interesado si Christi kay Dr. Jose P. Rizal.

Paliwanag niya, “The way he approach everything is... matalino kasi siya, sobrang talino niya. Mas ginagamit niya iyong utak niya than the feelings.

“Kung nandoon din ako sa mga panahon na ‘yon, siguro mas gusto ko ring sumulat than makipaglaban.”

NO BOYFRIEND SINCE BIRTH

Marami man ang nagmamahal kay Christi, hindi kasama roon ang love life.

“Family po, and friends! Ha! Ha! Ha!” paglilinaw ni Christi, na nagsabing NBSF (no boyfriend since birth) siya.

Gusto ni Christi na ang first boyfriend niya ay siya ring mapapangasawa niya, at makakasama habambuhay. Kaya sa ngayon ay focus muna siya sa career.

Continue reading below ↓

Meron bang nanliligaw sa kanya sa online during quarantine?

“Kaway-kaway na muna!” napangiting bulalas ni Christi.

“May mga nakakausap naman ako, pero siguro, mas OK na i-build up ko na muna ang sarili ko.

“Then, after kong mahalin yung sarili ko, then, I can love others na. ‘Yon!”

BUBBLE GUM POP PRINCESS

Favorite artists ni Christi sina Marion Aunor at Moira de la Toira. Kung pwede, inaasam niyang maka-collab si Ely Buendia at ang Up Dharma Down.

Feel na feel ni Christi ang taguring Bubble Gum Pop Princess.

Aniya, “Totoo naman, kikay naman talaga ako! And bubbly and happy-go-lucky.

"Kaya feeling ko, kaya naisip ni Direk Joven na sa akin ipapakanta iyong 'Teka... Teka... Teka...,' subtitled Kaway-Kaway, kasi very personality ko iyong song.”

Maliban sa pagiging singer, gusto rin ni Christi na mag-artista. Nag-acting workshop na siya sa ABS-CBN Star Magic at sa studio ni Ogie Diaz.

“Yes, of course, iyon talaga ang dream ko. As in ever since I was a kid, gusto ko talagang maging actress,” mabilis na tugon ni Christi.

Continue reading below ↓

Kaninong footsteps ang bet niyang sundan?

Matamis ang ngiti ni Christi, “Gusto ko, si Anne Curtis.

"Sa mga aktres naman, gusto kong umarte sina Bea Alonzo. Sa love team, KathNiel and LizQuen. Sila yung mga favorite ko.

“Pero in general, yes, parang mas gusto kong sundan si Anne Curtis. Kasi, she’s so kalog, and at the same time, very sosyal.”

Kaya rin niyang magpa-sexy?

“Ayoko kasing magsalita ng tapos. But for now, mas OK ako na ganito. Pero siguro, in the future. Open.”

Sa Pinoy actors, sino ang crush niya?

Napahagikgik si Christi at natagalan bago sumagot, “Ngayon.... si... ang sabi ko po, si Donny [Pangilinan]. Kasi, recently, siya po iyong napapanood ko sa YouTube.

“And natutuwa kasi ako on how family-oriented he is. Sobrang family-oriented.”

Saan niya mas gustong mag-guest... sa GMA 7, TV5, Net 25 o A2Z Channel 11?

“Growing up po kasi, iyong family namin, very Kapamilya kami. Si Mommy, very favorite ang ABS-CBN. So, siyempre, sa A2Z.”

Continue reading below ↓

MORE GUIDE STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christi Fider: "Parang mas gusto kong sundan si Anne Curtis. Kasi, she’s so kalog, and at the same time, very sosyal.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results