PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rob Deniel overwhelmed by phenomenal success of his song "Gabi"

Rob Deniel tells the story behind his hit song "Gabi."
by Jojo Gabinete
Published Jan 26, 2022
rob deniel singer
Rob Deniel on phenomenal success of his song "Gabi": “Nag-post lang po ako ng isang TikTok video. Suddenly, nakuha ng 'Gabi' yung atensiyon ng mga tao. Siguro dahil nakita yung mukha ko, parang na-attract sila sa visuals ng video at nagustuhan nila yung audio.”

Kabilang ang 19-year-old singer-songwriter na si Rob Deniel sa mga pandemic star dahil nakilala siya at naging popular ang kanyang mga kanta sa panahon ng coronavirus pandemic.

Umpisa pa lamang ng pandemya nang magkasunod na isulat ng 19-year-old singer-songwriter na si Rob Deniel ang "Ulap" at "Gabi."

Naunang sumikat ang "Ulap" noong 2020.

Nang sumunod na taon, 2021, isang malaking sorpresa para kay Rob nang humataw nang husto sa TikTok ang "Gabi."

Nang i-post niya sa TikTok ang music video ng "Gabi," hindi pumasok sa isip ni Rob na magiging mainit ang pagtanggap ng publiko, lalo na ng mga kabataan.

“Nag-post lang po ako ng isang TikTok video. Suddenly, nakuha ng 'Gabi' yung atensiyon ng mga tao.

“Siguro dahil nakita yung mukha ko, parang na-attract sila sa visuals ng video at nagustuhan nila yung audio,” paliwanag ni Rob tungkol sa phenomenal success ng "Gabi."

Ginawan ng maraming videos ng netizens ang "Gabi" at ibinahagi sa kanilang mga kaibigan hanggang maging popular sa TikTok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakatuwa naman dahil wala akong idea na aabot sa ganoong point kasi nung isinusulat ko yung song, nag-start din ako sa nothing kaya nakakataba ng puso.”

Ang kawalan ng mga taong nakakahalubilo nang ipatupad ang enforced quarantine sa National Capital Region at mga kalapit na probinsiya noong March 2020 ang naging inspirasyon ni Rob kaya isinulat niya ang "Gabi."

Kuwento niya, “Matagal ko na siyang nasulat, early pandemic pa. Wala tayong masyadong nakakaharap noon na mga tao, parang gusto natin ng kakulitan.

“Gusto ko lang na may mga taong makaka-interact. Gusto ko may kasama ako palagi kasi ganoon akong tao. Gusto ko palaging may group of people sa paligid ko."

Hindi ipinagkaila ni Rob na mahiyain siya kaya inilalabas niya ang mga saloobin sa pamamagitan ng mga awit na kanyang isinusulat.

“Sa personal, parang hindi ako affectionate na tao. Siguro sa songs ko lang siya nailalabas.

"Medyo mahiyain ako so naibibigay ko lang ang full emotions ko sa every songs na isinusulat ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi nasasayang yung emotions na naramdaman ko kasi napupunta siya sa mga kanta ko,” saad niya.

Dahil sa tagumpay ng "Gabi" at ng kanyang 2020 hit song na "Ulap," plano ni Rob na makagawa ng album ngayong 2022 para maipakita at maibahagi pa sa mga tao ang talento at creativity niya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rob Deniel on phenomenal success of his song "Gabi": “Nag-post lang po ako ng isang TikTok video. Suddenly, nakuha ng 'Gabi' yung atensiyon ng mga tao. Siguro dahil nakita yung mukha ko, parang na-attract sila sa visuals ng video at nagustuhan nila yung audio.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results