PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Faith Da Silva's single Sabihin Mo Na Lang breakup anthem?

Faith Da Silva embraces the joys of singlehood
by Rommel Gonzales
Published Mar 5, 2022
Faith Da Silva
Kapuso actress Faith da Silva's latest single "Sana Sabihin Mo Na Lang" could very well be the perfect anthem for letting go. (Photo: @faithdasilva_ on Instagram)

Tinanong namin si Faith Da Silva kung ano ang kuwento sa likod ng latest single niya na "Sana Sabihin Mo Na Lang."

Detalye niya, “The story of the song is about… alam mo yung kapag nasa isang relationship tayo at hindi na tayo pero pilit nating inaayos, pilit tayong nag-i-stay sa situation kahit na alam naman natin na hindi dapat? Yun!

“Para sa mga naghihintay at nahihirapang mag-let go.”

Naranasan na ba niya sa tunay na buhay ang istorya ng "Sabihin Mo Na Lang?"

“Unfortunately oo,” ang matapang na pag-amin ni Faith.

Kailan, kanino?

Kuwento niya, “I think… medyo matagal-tagal na siya, kasi I’ve been single for quite a while now and… may mga taon na din ‘to.

“Nangyari kasi siya nung COVID season, e. So it was very hard dahil, alam mo yun, hindi makalabas, hindi kayo makapagkita or parang nandun na ako sa situation na ayoko na.

“Nakikita ko na yung behavior nung isang tao is hindi nakakabuti sa akin and also ako. Hindi na maganda kung paano ako makitungo because nawawala na ako sa sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi when I love, I love… I give everything, I give whatever I have, which is not the right way of doing things. So kapag binigay mo na lahat nung sa ‘yo, hindi ka na makakapag-let go noon, e. Hirap na hirap ka na.

“Unless meron na lang light bulb na biglang pumasok sa utak mo na, ‘Okay na, hindi ko na kaya, tama na ‘to!’

“Kasi kahit anong sabihin sa ‘yo ng pamilya mo or mga kaibigan mo or people around you, pag marupok ka, hindi mo yun maiintindihan.”

FAITH ON KNOWING WHEN TO LET GO

Si Faith ang umalis sa tinutukoy niyang relasyon.

Pag-amin niya, “Oo, ako naman yung umalis pero… it was very hard, kasi nga parang in the middle of it, hindi ka pa naman sure kung gusto mong i-let go, but alam mo na it’s the right decision,” malungkot niyang pagbabalik-tanaw.

Mabuti naman daw at pumayag ang guy na makipaghiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya, “Pumayag, oo pumayag, kasi parang siguro nakikita naman niya din na iba na, e. Parang hindi na ako yung sarili kong tao, e.

“Parang ang praning ko na, ang emotional ko na. Hindi naman ako ganun, e. I am strong as a person.

“Pero since, you know, parang naliligaw na ako. I think… thankfully dun sa partner na yun, e nirespeto naman niya yung desisyon ko.”

FAITH ADVOCATES SELF-LOVE ABOVE ALL ELSE

Pinagdaanan ni Faith ang pagkaligaw niya at pagkapraning niya sa pakikipagrelasyon sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19. Paano kung ngayon na medyo maluwag na at new normal na ang sitwasyon sa bansa (at sa mundo) ay muling magtagpo ang kanilang landas ng naturang lalaki? May tsansa kaya na ituloy nila ang kanilang relasyon?

Mabilis niyang sagot, “Hindi na po. Enough na."

“Actually, hindi lang naman siya sa dahil lang COVID, e. Sometimes it’s also the person.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"And sa ngayon kasi, na-realize ko talaga na parang kapag single ka, ang dami mong bagay na magagawa na nakakapagpa-happy sa ‘yo na hindi mo mare-realize kapag nasa relationship ka.

“Kasi boxed yung happiness mo, e. Parang iniisip ko na masaya lang ako kapag kasama ko ‘to.

“Ngayon hindi. Humanap ako ng ways para maging happy ako. Kunwari, magbabasa ako ng libro, makikipag-usap ako sa kapatid ko, sa mga kaibigan ko, mas marami akong time for others.

“And also mas marami akong time para sa sarili ko. Yun ang pinaka-importante na natutunan ko,” makahulugan niyang pahayag.

FAITH DOESN'T BELIEVE IN SECOND CHANCES IN LOVE

Magkaibigan pa rin ba sila ng ex-BF niya?

Diin niya, “Hindi po ako friends sa mga ano ko…

"Kasi sa akin, pag tapos na, tapos na. Pero civil, pag nagkita, 'hi-hello,' ganun.

"Pero hindi friends. Ayoko ng ganun.”

Banggit namin kay Faith, hindi na namin itatanong kung sino ang lalaki dahil baka hindi rin naman niya sabihin kung sino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi niyo din naman po kilala,” ang tumatawang reaksyon ni Faith sa sinabi namin.

Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Faith sa Zoom mediacon para sa latest single niyang "Sana Sabihin Mo Na Lang" under GMA Playlist.

Ito ang unang single ni Faith bilang official recording artist ng GMA Playlist.

FAITH CHURNS OUT SOUNDTRACK-WORTHY SONGS

Ang iba pa niyang single sa GMA Network na "Pabalik-balik," "Stay," at "‘Wag Na Lang" ay naging official soundtrack ng mga GMA dramas tulad ng The Good Daughter, I Can See You Season 2, at Las Hermanas kung saan isa siya sa mga naging cast member.

Ang "Sana Sabihin Mo Na Lang" ay komposisyon ni Rina Mercado at available for streaming sa Spotify, iTunes, YouTube Music, at iba pang digital platforms worldwide.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Faith da Silva's latest single "Sana Sabihin Mo Na Lang" could very well be the perfect anthem for letting go. (Photo: @faithdasilva_ on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results