PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angeline Quinto to bring baby in U.S. and Canada concert tour

Angeline Quinto: "Kaya ako nagpahinga sa ASAP. Pinahinto po ako ng doctor ko."
by Julie E. Bonifacio
Published May 25, 2022
Angeline Quinto
Angeline Quinto on her leave of absence from ASAP Natin 'To: "Ipinagbawal ng doctor kasi nga bawal akong magtrabaho nang sobra. Bawal ako kumanta masyado kasi nga po dinudugo ako nung time na yun." But the Kapamilya singer is getting ready to go back to work soon. Seen on the right photo are her partner Nonrev Daquina and their nearly one-month-old son Sylvio.
PHOTO/S: @niceprintphoto / @cocoonstudioph @babywhispererph

Balik-concert scene si Angeline Quinto pagkatapos isilang ang kanyang anak na si Baby Sylvio.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), masayang ibinalita ni Angeline na magkakaroon siya ng concert sa Canada at U.S. sa Setyembre at Oktubre 2022.

Ito ang karugtong ng concert series niya na 10Q: Ten Years of Angeline Quinto na nagsimula noong 2021 at pansamantalang huminto noong February 2022.

Kabado ba siya sa kanyang pagbabalik-trabaho?

Sagot ni Angeline, "Meron talaga. Kasi siyempre ngayon, ang iniisip ko bago ako makabalik sa trabaho yung anak ko, e.

"Pero ngayon naman po sa pag-alis namin, kasama ko naman po yung baby ko."

Read: Angeline Quinto quashes talks her boyfriend only wants her money

By the time na mag-concert siya ay four months old na si Baby Sylvio. Kasama rin daw ang partner ni Angeline na si Nonrev Daquina.

Sabi ni Angeline sa awtor na ito, "E, kasi, Tita, siyempre mahirap paano kung parang almost one month kami mag-stay doon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, ayoko naman na maiwan siya ng almost one month na wala ako. So, sasama ko na lang siya."

After ng Canada concert tour ni Angeline, diretso na siya sa Amerika para sa 10Q concert tour niya roon.

Excited daw si Angeline na in between her shows ay makapakasyal sila ng kanyang mag-ama.

"Siyempre, yun din yung first time ng baby ko na maisama ko sa abroad at saka yung papa niya.

"So, kung anuman yung magagandang lugar sa Amerika at sa Canada na napuntahan ko na at ng Mama Bob, e, malamang doon ko rin sila dadalhin. Siyempre, sa Canada yung Niagara Falls."

Ang tinukoy niyang Mama Bob ay si Sylvia Quinto, ang adoptive mother niya na pumanaw noong November 7, 2020.

Ano ang ginagawa niyang paghahanda para sa kanyang pagbabalilk-konsyerto?

Saad ni Angeline, "Maraming preparation din po. Kumbaga, ilang buwan din akong hindi nakapagtrabaho. Medyo matagal din akong napahinga sa pagkanta.

"So, kailangan ko po ulit buhayin yung boses ko po, unti-unti. Unti-unti akong bumabalik sa vocalization every day para kahit papaano para masanay ulit ako sa pagkanta, lalo na mas mahirap kasi nga caesarean ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Proud mom Angeline Quinto posts first photo with Baby Sylvio on Instagram

ON LEAVE OF ABSENCE ON ASAP NATIN 'TO

Pero mas excited daw si Angeline na sumalang ulit sa stage dahil hindi siya sanay na nagagamit ang kanyang talento sa pagkanta.

Na-miss niya raw ito lalo na't nag-leave of absence siya sa Kapamilya Sunday musical-variety show na ASAP Natin 'To dahil sa kanyang pagbubuntis at panganganak noong Abril.

"Siguro kung nagkaroon man ako ng anxiety iyon ay nung buntis ako, hindi ngayon.

"Nung buntis ako, mas emotional ako. Ang bilis-bilis kong malungkot kasi gusto kong mag-ASAP, hindi puwede.

"Kasi medyo nagkaroon po ng time na naging maselan ang pagbubuntis ko na umabot sa point na dinudugo ako.

"Kaya ako nagpahinga sa ASAP. Pinahinto po ako ng doctor ko," lahad pa rin ni Angeline sa PEP.ph.

Nag-spotting daw siya nang sumama siya sa concert ni Vice Ganda sa U.S. noong October 2021.

"Opo, after nung mag-guest ako kay Ate Vice sa U.S. show niya po.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kaya kahit gusto kong mag-ASAP nung buntis ako, ipinagbawal ng doctor kasi nga bawal akong magtrabaho nang sobra. Bawal ako kumanta masyado kasi nga po dinudugo ako nung time na yun.

"Pero ngayon, mas excited naman ako na makabalik sa trabaho. Saka, kumbaga, di ba, hanggang ngayon naman nasa loob pa rin tayo ng pandemya, e, di ba?"

Siniguro naman ni Angeline na babalik siya sa ASAP Natin 'To at iba pang programa sa Kapamilya Channel.

"Yes naman, oo. Babalik ako sa ASAP siguro po by June. Kapag kaya ko nang kumanta ulit, makakabalik na po ako sa ASAP.

"At sa It’s Showtime, kung mabigyan ulit ng chance na makapaghurado, babalik ulit ako bago ako mag-concert sa Canada.

"Kung may I Can See Your Voice pa bago ako mag-show sa U.S., babalik po ako ulit doon," dagdag ni Angeline.

WHAT FANS CAN WATCH FOR IN HER CONCERT

Ngayon pa lang ay excited na raw si Angeline mag-perform para sa OFWs kasama ang BuDaKhel o ang trio nina Bugoy Drilon, Daryl Ong, at Michael Pangilinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sila ang special guests sa U.S. and Canada tour ng 10Q concert series sa ilalim ng musical direction ni Marvin Querido at concert direction ni Dido Camara. Iprinodyus ito ng KreativDen Entertainment at Berce LLC.

Pagpapatuloy ni Angeline, "So, ang dami kong gustong gawin. Ngayon na first time kong makapagtrabaho ulit bilang nanay na, mas excited akong kumanta para doon sa mga nanay din sa ibang bansa.

"Siyempre, yung mga OFWs mas mahirap yung sa kanila kasi ilang taon silang hindi nakauwi ng Pilipinas, di ba?

"So, ngayon yung chance na ito, puwede naming gamitin ng BuDaKhel na kami naman yung pumunta sa kanila para makapag-perform ulit para sa mga kababayan natin."

Tiniyak din ni Angeline na iba ang mapapanood ng mga kababayan natin sa Canada at U.S. kumpara sa concert niya niya sa Metropolitan Theater dito sa Pilipinas.

"Iba rin siyempre yung repertoire na gagawin ko sa Canada. Meron akong iba't ibang songs na puwedeng surprise para sa mga tao doon. So, yun ang pinaghahandaan ko ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto on her leave of absence from ASAP Natin 'To: "Ipinagbawal ng doctor kasi nga bawal akong magtrabaho nang sobra. Bawal ako kumanta masyado kasi nga po dinudugo ako nung time na yun." But the Kapamilya singer is getting ready to go back to work soon. Seen on the right photo are her partner Nonrev Daquina and their nearly one-month-old son Sylvio.
PHOTO/S: @niceprintphoto / @cocoonstudioph @babywhispererph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results