Moving forward na si Kean Cipriano matapos niyang mag-"disengage" sa kanyang dating bandang Callalily.
Sa ulat ni MJ Felipe sa TV Patrol noong nakaraang linggo, sinabi ni Kean na tapos na ang kanyang dating banda.
Sabi ng singer, “Callalilly is done. I’m moving on, I’ve moved on, moving forward, and I wish them all the best.”
Ayon pa kay Kean, ibang chapter na ang kanyang tinatahak ngayon. Hindi na rin daw maganda ang takbo ng kanilang samahan.
Saad niya, “I believe we're not in good terms. I think, that’s sad, of course.
"But I think in a group na magkakasama for 17 years, marami na rin nangyari and... medyo matagal na rin kaming hindi okay.
"So, alam mo yun, parang ibang chapter na siya, ibang chapter for us."
Ipinost ni Lem Belaro, drummer ng Callalily—na ngayon ay kilala na sa tawag na Lily band—ang nasabing interview ni Kean sa kanyang Facebook account nitong nakaraang June 18.
Sabi ni Lem sa caption: “’At binitbit bit bit bit sabi ng tsuper ng jeep’
“Kame nalang mag adjust”
May cryptic post naman si Kean sa kanyang Instagram Stories kagabi, June 26.
Sa kaliwang bahagi ay mababasa ang mga salitang “YOUR EXPLANATIONS.” Sa ilalim nito ay maraming linya na tila marami siyang pinapaliwanag.
Sa kanang bahagi naman ay nakasulat ang salitang “THEIR INTERESTS,” kung saan sa ilalim nito aynaka-highlight ang apat na linya.
Caption ni Kean: "Don’t waste your time with explanations. People only hear what they want to hear."
COPYRIGHT
May nauna nang patutsada si Lem kay Kean sa Facebook noong June 13.
Sabi niya sa post, “Asking for a friend lang. Pag ikaw ba bokalista ikaw din dapat may ari ng buong banda?
"17 years daw kasi nilang pinaghirapan yun lahat tapos mapupunta lang sa isang tao. Pero ok lang daw magpaubaya na lang. #trademark”
Wala mang binanggit na pangalan si Lem, maliwanag na si Kean ang kanyang pinarurunggitan dito.
Hindi pinayagan ni Kean na gamitin ng dati niyang mga kagrupo ang pangalang Callalily dahil naka-copyright daw ito sa kanya.
Sa panayam sa asawa ni Kean na si Chynna Ortaleza, kinumpirma niyang nag-disengage na ang asawa sa dating banda at dala nito ang pangalang Callalily.
Sabi ng aktres, “He did decide to leave the set-up of being in a band. However, Callalily kasi was always under his intellectual property. The brand stays with him.
“If I look kasi into how it’s being phrased at the moment, siyempre it’s easy to say na, 'O, he left Callalily.'
"But he just left the format of the band. He did disengage with his former bandmates but the name Callalily stays with Kean Cipriano.”
Read: Chynna Ortaleza speaks up about husband Kean Cipriano "disengaging" from Callalily band
Naging sikat at aktibong banda ang Callalily mula noong 2005. Kinagiliwan ng music lovers ang mga kanta nilang “Stars,” “Magbalik,” at “Pansamantala.”