Excited na ipinasilip ni Sharon Cuneta ang sariling bersiyon niya ng kanyang light stick o glow stick para sa susunod nitong Manila concert.
Sa kanyang Instagram post noong June 27, 2022, ini-upload ni Sharon ang hitsura ng kanyang light stick habang nagpapalit-palit ito ng kulay ng ilaw.
Bukod sa kanyang pangalan, makikita sa light stick na may nakasulat na “Megastar,” ang moniker ni Sharon.
Saad niya sa caption, "Our first official lightstick! Will be ready and out for purchase before my next Manila concert! (I know medyo tagal pa, but at least nauna na tayo at meron nang ready!) [heart emoji].”
Kalimitang nakikita ang mga light stick sa mga concert ng iba’t ibang Korean idols.
THE MEGASTAR IS ALSO A MEGA K-POP STAN
Kilala si Sharon bilang isa sa mga batikang artista sa industriya na nahilig sa Korean entertainment.
Nito lamang nakaraang buwan, May 29, 2022, nagpunta si Sharon sa Araneta Coliseum para sa Begin Again: KPOP Edition Concert in Manila kasama ang kanyang anak na si Frankie Pangilinan.
Ibinahagi ni Frankie sa kanyang Twitter account ang fan girling moment ni Sharon na naiyak habang pinapanood ang paborito niyang SHINee’s member na si Key.
Sabi ni Frankie sa tweet, “kim kibum kaw lang ang nagpapaiyak ng mama ko na ganto."
Ini-screenshot ito ni Sharon at i-ipinost niya sa kanyang Instagram.
Saad niya sa caption (published as is), “Nakakahiya man pero SHINee (this time si Key pa lang) ang nakakapagpaiyak sa akin ng ganito. I was so happy when I got to meet NCT 127, but I will cry buckets if all of SHINee comes. And possibly EXO too (especially DO). Back to Ilocos tomorrow for work. God bless you all! [heart and pray emoji].”
Kamakailan lamang ay nagkaroon ng bagong run ang concert nina Sharon at Regine Velasquez na Iconic, na ginanap sa Resorts World Manila noong June 17 at June 18, 2022.
SHARONIANS EXPRESS THEIR EXCITEMENT
Hindi naman nagpahuli ang mga tagasuporta ni Sharon.
Agad ipinakita ng Sharonians sa comments section kung gaano sila ka-excited na magkaroon ng light stick ng kanilang idol.
Narito ang ilang mga comments:




READ MORE STORIES:
- The Juans announces departure of drummer Joshua Coronel
- How real-life couple Gabbi Garcia, Khalil Ramos were chosen to headline Love You Stranger
- NTC issues directives for TV networks about blocktime deals, mergers
- Nash Aguas returns to Ang Probinsyano after 7 years
- Vice Ganda "nasubsob" on It's Showtime stage; netizens touched by Ion Perez's concern
