Muling pinatunayan ng Kapamilya heartthrob na si Joshua Garcia na isa nga siyang certified celebrity crush ng bayan.
Read: Joshua Garcia goes viral anew with his latest TikTok dance cover
Ito'y matapos siyang mag-post ng bagong dance cover sa TikTok nitong Lunes, October 10, 2022.
Read: Vlogger Bella Racelis pens birthday greeting to rumored boyfriend Joshua Garcia
Sa saliw ng kantang "Spin Back" ng American rapper-singer na si Scootie Wop, muling ipinamalas ni Joshua ang kanyang galing sa pagsasayaw at pagpapakilig.
Read: Julia Barretto on Joshua Garcia’s rumored romance with Bella Racelis: “Good for the both of them.”
Dahil dito, muling dinumog ng mga tagahanga ang kanyang bagong upload na TikTok video.
Kabilang sa mga nagbigay ng reaksiyon si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Comment ni Pia (published as is): "Nag open ako ulit ng tiktok para lang dito."
Na agad din namang nireplayan ni Joshua ng emoji.

Hindi ito nakatakas sa fans ng aktor.
Samu’t-saring reaksiyon ang naging tugon ng netizens sa comment ni Pia.
Read: Joshua Garcia on possibly liking Bella Poarch: “Why not?”
Ilan sa kanila ang nagsabi kay Pia na hindi raw sapat na dahilan ang pagiging Miss Universe nito para hindi pumila sa aktor.
Read: "Tapos na pila"? Joshua Garcia's video of Bella Racelis fuels romance rumor
Narito ang ilang nakatatawang komento ng netizens kay Pia:




Hindi ito ang unang pagkakataong nag-trending ang isang TikTok video ni Joshua.
Maliban kay Pia, ilang international artists na rin ang nakapansin sa aktor, kabilang na sina Nicki Minaj at Bella Poarch.
Read: Bella Poarch admits crush on Joshua Garcia: “We message a lot.”
Read: Nicki Minaj reacts to Joshua Garcia's viral TikTok post; told by fans to queue up
Sa ngayon ay mayroon nang 14.5 million views, 2.6 million likes, at 29.7 thousand comments ang "Spin Back" dance cover ni Joshua sa TikTok.
