PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jeremiah Tiangco still on cloud nine after smash major concert

Jeremiah thankful for Sparkle family's all-out support
by Rommel Gonzales
Published Apr 16, 2023
Jeremiah Tiangco
Jeremiah Tiangco is still on cloud nine after the smashing success of his very first major concert, Dare To Be Different, held last Saturday night, April 15, at the Music Museum.
PHOTO/S: @jeremiah_tiangco on Instagram

Nanalo si Jeremiah Tiangco bilang New Male Recording Artist of the Year sa 13th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Ginanap ito nitong Oktubre 13 ng nakaraang taon sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts.

Ang pagwawagi ni Jeremiah ay para sa kanta niya na "Titulo" sa ilalim ng GMA Music.

Sabi niya, “Actually po sa totoo lang,” sabay pakita ni Jeremiah ng kanyang tropeyo na nasa mesa sa loob ng kanyang music room habang kausap namin, “'Eto siya, andito siya.

“Actually po, sobrang surreal dahil that night I was told na I’ll be singing for PMPC, sabi sa akin ng handler ko.

"So wala po akong ini-expect na award dahil iyon nga, ang alam ko, nominated ako pero hindi po ako nanalo.

“Kasi sabi niya sa akin, ‘O, kakanta ka,’ ganito, pinaghandaan niya po ako ng song, pinag-send niya ako ng minus 1, ng lyrics, lahat!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So pagpunta ko dun, na-shock ako dahil, ‘Bakit tinatawag yung name ko?!’

“'Tapos, iyon na po. Hindi ko po alam yung exact na naramdaman ko that night dahil parang, ‘Ha? Ako, nanalo ako? Paano?’ Parang may ganung factor.”

Tumatawang kuwento pa ni Jeremiah. “So iyon siguro, feeling ko, 'til now, kaya ko siya dito dinisplay

"Gusto ko lang siyang maging motivation araw-araw and inspiration araw-araw to make music pa.

“Dahil hindi tayo dito titigil,” sabay hawak muli sa kanyang tropeyo, “Dapat mas marami pang ganito, di ba? So ayun po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeremiah via Zoom noong April 4.

JEREMIAH'S MAJOR CONCERT

Isa pang milestone sa career ni Jeremiah bilang singer ay ang una niyang major concert na Dare To Be Different na ginanap noong Sabado, April 15, sa Music Museum.

Si Jeremiah ang direktor ng kanyang sariling concert katuwang si Lee Junio Gasid.

Guests niya sina Christian Bautista, Jessica Villarubin, Garrett Bolden, Vilmark Viray, Mariane Osabel, This Band, The Viktor Project, Rob Deniel, Magnus Haven, at si Ken Chan

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, sa poster ng concert ni Jeremiah ay kapansin-pansin na huma-Harry Styles ang kanyang outfit

Flamboyant ang karamihan sa concert attire ng dating One Direction member sa kanyang mga shows sa iba-ibang bansa, ganuon rin ba ang suot ni Jeremiah sa kanyang upcoming concert?

Tugon ng singer, “Siguro po medyo kakaiba, medyo mas more on R&B-type, parang mga street wear po, e. Medyo ganun po yung style ng damit.

“So like kunwari sa coat, hindi lang siya basta coat, oversized, more colors, tapos… basta! Sobra-sobrang karakter kumbaga itong mga ginawa ng ating mga stylist.”

May mga outfits ba siyang kita ang kanyang…

“Skin,” ang pagsalo ni Jeremiah sa aming sasabihin. “Wala naman akong abs e,” at tumawa ang Sparkle singer. “Pero skin, yes, meron.”

Ano ang pakiramdam niya na sa dami nila sa Sparkle ay isa siya sa nabigyan ng importansiya tulad nga ng pagkakaroon ng major concert?

“Thankful lang ako dahil hindi ko alam na aabot kami sa ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na mapu-pursue po talaga yung plan. Kasi unang-una isa po ‘to sa mahirap e, yung i-execute yung plan.

"Madaling magplano pero yung i-execute yung plan isa po yun sa pinakamahirap.

“Kaya thankful po ako sa production, sa team ko, sa direktor ko kay Kuya Lee, at the same time sa Panginoon dahil Siya po ang nagpo-provide lahat ng needs namin ng team.”

MIXED EMOTIONS

Mapalad si Jeremiah, na grand champion sa season 2 ng The Clash noong 2019 at mainstay ngayon ng All-Out Sundays, dahil halos bukas na muli ang ekonomiya na halos tatlong taong nagsara dahil sa pandemya ng COVID-19.

Isa sa mga nahinto ay ang live shows, pero ngayon ay nagbabalik na nga with live audiences.

Masayang kumento ni Jeremiah, “Hala, sobrang nakaka-thrill! Nakaka-blessed dahil nandiyan yung mga taong nakasuporta sa akin.

"Hindi ko alam na… alam niyo kasi dumating din sa time na parang, ‘Ha! Visible pa ba ako?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Well, siyempre struggle ng maraming artist din yan, so doon ko napatunayan na ang dami pa palang nakasuporta sa akin, ang dami pa palang nagmamahal sa akin.

“At the same time iyon, dagdag silang inspirasyon sa akin, sa concert na ‘to, na hindi ako tumigil para ma-push ‘tong concert na ‘to.”

Dagdag pa ni Jeremiah tungkol sa nararamdaman niya sa una niyang major concert.

“Hindi ko po alam magiging reaction ko talaga, iniisip ko pa lang, baka maiyak ako, sa sobrang tuwa, siguro mixed emotions!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeremiah Tiangco is still on cloud nine after the smashing success of his very first major concert, Dare To Be Different, held last Saturday night, April 15, at the Music Museum.
PHOTO/S: @jeremiah_tiangco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results