Inspirasyon ni KZ Tandingan ang asawa niyang si TJ Monterde hindi lang sa buhay kundi maging sa pagsusulat ng kanta.
Ayon kay KZ, ang umaapaw niyang pagmamahal kay TJ ang nag-udyok sa kanya para makapagsulat ng isang awitin.
Ito ang ibinahagi ng tinaguriang Asia's Soul Supreme sa media launch ng bago niyang kanta na "Dito Ka Lang" nitong Huwebes, June 22, 2023.
Kuwento ni KZ, nagsimula siyang sulatin ang "Dito Ka Lang" nang magkahiwalay sila panandalian ni TJ.
Halos isang buwang nanatili si TJ sa abroad para sa kanyang world tour, habang si KZ naman ay nanatili dito sa Pilipinas.
Ito na raw ang pinakamatagal nilang pagkakahiwalay mula noong maging magkasintahan sila.
Kuwento niya, "Actually, nagsimula siya chorus lang talaga. Nasa banyo ako noon nung sinulat ko yung chorus.
"Tapos pinarinig ko kay TJ, sabi ko sa kaniya, 'Feeling ko bagay ito kay ano,' hindi ko kasi siya talaga nakita noong una na kanta for myself, para sa ibang tao talaga siya.
"Hindi ko pa siya non tinapos kasi feeling ko ang corny.
"Tapos itong si TJ nag-tour ng halos isang buwan sa Canada. That was the first time we were apart for almost two weeks since we started dating 9 years ago.
"So, talagang noong wala siya ng isang buwan, hindi ko alam e, parang nawalan ng direksiyon yung buhay ko. Ganong feeling.
"Doon ko na binalikan yung kanta na parang 'How do I feel? I miss TJ so much' ganito-ganyan."
KZ ON FEELING LUCKY TO HAVE TJ
Dala ng lungkot at pangungulila, idinaan daw ni KZ sa pagsusulat ng kanta ang kanyang nararamdaman.
Dito na rin daw nanumbalik ang ilang katanungan sa kanyang isipan kung ano ang nagawa niyang mabuti para mahalin siya nang totoo at buong-buo ni TJ.
Aniya, "The song is about feeling like you don't deserve the kind of love that you're getting ... it's a song that I wrote for my husband.
"Kasi everytime that we post something or kunwari photo together or anumang video especially on TikTok, people would always comment, 'Sobrang suwerte naman ni KZ, anong ginawa ni KZ to deserve TJ?'
"Meron pa nga nagsasabi sa akin na, "Sana all, prayer reveal naman diyan,' and to be honest, I don't know the answer to the question.
"So, binalikan ko yung kanta and then I wrote what I felt tungkol sa mga questions na yon doon sa second verse na parang people always say na you are out of my league.
"And actually I agree na feeling ko sometimes mapapatanong na lang ako [na], 'Anong ginawa ko to deserve this kind of love?'
"Kung ano man yung reason, Diyos lang yung nakakaalam, kung tsamba lang niyang naibigay sa akin, wala na pong bawian.
"I wouldn’t take this love for granted, parang ayon na yung message ng "Dito Ka Lang."
Ang kantang "Dito Ka Lang," ay parte ng upcoming full-length album ni KZ na "Soul Supremacy II."
KZ - TJ LOVE STORY
Mistulang kuwento sa isang pelikula ang pag-iibigan nina KZ at TJ.
Minsan nang ibinahagi ni KZ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isang taong nanligaw sa kanya si TJ bago naging sila.
Nagsimula ang kanilang love story sa pagiging magkaibigan.
Kaibigan ni TJ ang kasabayan ni KZ sa The X Factor Philippines (2012) na si Kedebon Colim.
Kuwento naman ni TJ, napadalas ang pagkikita nila ni KZ dahil kay Martin Nievera.
Balik-tanaw niya, "Kapag isinasama ako ni Sir Martin sa mall show, andun sila kasi parang anak-anakan niya yung mga X Factor people.
"Friends lang talaga at first. Walang love at first sight tapos unti-unti ako na-develop sa personality niya.
"Kasi mabait, mahilig sa music, tapos we share the same faith."
Read: KZ Tandingan, TJ Monterde begin discovering each other's weird habits
Nang maging magkasintahan sila, naging bukas si KZ sa pagsasabi kung gaano niya na-appreciate ang pagmamahal sa kanya ni TJ.
Gustung-gusto raw ni KZ ang pagiging maintindihin ni TJ, lalo na sa mga pagkakataong hindi sila nagkikita dahil sa trabaho.
Hanggang noong December 30, 2019, na-engage siya kay TJ.
Read: KZ Tandingan engaged to boyfriend TJ Monterde
August 28, 2020, ikinasal sila sa isang resort sa Batangas.
Read: KZ Tandingan, TJ Monterde hold "virtual" wedding in the midst of pandemic
