Darren Espanto is the youngest artist to mount major solo concert at MOA Arena

Gagawa ng kasaysayan ang The Voice Kids Season 1 runner-up na si Darren Espanto bilang pinakabatang performer, sa edad na 14, na magkakaroon ng solo major concert sa Mall of Asia Arena, na may seating capacity na 18,000 at full-house capacity na 20,000.


Gagawa ng kasaysayan ang The Voice Kids Season 1 runner-up na si Darren Espanto bilang pinakabatang performer, sa edad na 14, na magkakaroon ng solo major concert sa Mall of Asia Arena, na may seating capacity na 18,000 at full-house capacity na 20,000.

Si Lady Gaga ang kauna-unahang nag-concert sa MOA Arena, at sinundan ng iba pang international artists gaya nina Mariah Carey, Bruno Mars, Jennifer Lopez, Taylor Swift, Rihanna, Nicki Minaj, at marami pang iba.

Si Regine Velasquez naman ang unang Pinoy artist na nag-concert dito.

Malaking achievement nga ito para kay Darren lalo na’t balitang almost soldout na ang tickets sa kanyang konsiyerto dubbed as Darren Espanto D Birthday Concert, na gaganapin sa naturang venue sa Biyernes, May 29.

Patunay lang ito na talagang madami ang sumusuporta sa batang singer.

Sabi ni Darren, “Yes po, it’s overwhelming and nakaka-proud po.

“May pressure po kasi MOA Arena po, ‘di ba?

“I’m a bit nervous po, pero excited naman po ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Darren sa presscon na inorganisa ng kanyang record company at producer ng concert na MCA Music Inc. kahapon, Mayo 26, sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan.

Ano ang mae-expect ng mga manonood sa concert niya?

“Mas marami po akong dance prod na makikita n’yo po from me.

“And there’s a lot of things that I would be doing for the first time, so abangan n’yo po.

“Yung mae-expect n’yo po dito is kinda another side of Darren.

“Of course, it’s my birthday concert, so parang birthday party ko na rin po ito kasama po ang mga fans ko, yung mga Darrenatics.”

Paano siya naghahanda ngayong malapit na ang concert niya?

Ayon kay Darren, “Every day po nagre-rehearse po kami.

“It’s very exciting po kasi I got to rehearse yung set list ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Excited na po akong marinig po ng mga supporter ko yung hinanda po namin.”

GUEST PERFORMERS. Kabilang sa guest performers ni Darren sa concert sina Robi Domingo, Bimby Aquino-Yap, The Voice of the Philippines Season 1 champion Mitoy Yonting, Season 2 champion Jason Dy, Season 2 runner-up Alisah Bonaobra, G-Force, at Asia’s Got Talent grand winner El Gamma Penumbra.

Mayroon ba siyang gusto sanang i-guest sa concert niya na hindi natuloy?

Ayon kay Darren, “Wala naman po. Yung guests ko po, pinagmitingan naman po namin.”

May mga nagtatanong kung bakit hindi kasama sa guests niya ang The Voice Kids champion na si Lyca Gairanod, pati ang co-finalists niya na sina Juan Karlos Labajo at Darlene Vibares.

Sabi ni Darren, “Mayroon po yatang schedule yung iba sa araw ng concert ko. But I heard po yung iba sa kanila, manonood to support me.”

Paliwanag pa ng isang executive ng MCA, dati na raw kasing nagkaroon ng concert na magkakasama ang The Voice Kids.

Sa pagkakataong ito, gusto naman nilang bigyan ng sarili niyang concept si Darren at para maituon ang atensiyon sa teen singer bilang birthday concert naman niya ito.

GOLD ALBUM. Isa pang blessing kay Darren ang pagiging certified gold ng self-titled album niya under MCA Music, matapos itong i-release noong Disyembre 2014.

Ano ang nararamdaman niya?

Sabi ng young singer, “Siyempre po super blessed dahil nakita ko po yung suporta po ng mga Darrenatics.

“Never in my wildest dream did I think na one day I could have my very first album and makaka-receive po siya ng awards.”

Masaya rin si Darren na lumampas na ng one million views sa YouTube ang music video ng first single niyang “In Love Ako Sa ‘Yo.”

“Yeah, it’s really cool kasi po nakita ko po na nakaabot na siya ng ganun karaming views and I really didn’t expect this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, another blessing po I’d say.”

Ang music video ng kanyang second single na “Stuck” ay ilu-launch naman sa concert niya.

Ang iba pang tracks sa album ni Darren ay ang “My Girl,” “You Are The Only One,” “Ewan Ko,” Makin’ Moves,” “Ah! Basta Gusto Kita,” at “I Believe In Me.”

WHAT’S NEXT? Pagkatapos ng major concert niya, ano ang susunod na plano para sa kanyang career?

“Mayroon po kaming gagawing Philippine tour and after the concert, mayroon din po akong mga concert abroad.”

Ano ang plano ng ABS-CBN sa kanya?

“Mayroon pong mga ino-offer sa akin, pero tingnan po natin kung matutuloy po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN