Rey Valera reveals royalty from original Pangako Sa 'Yo theme song allowed him to build his house

According to Rey Valera, his biggest hit is "Kung Kailangan Mo Ako." Pinakapaborito ng NPA [New People’s Army], "Malayo Pa Ang Umaga." Iyong :Maging Sino Ka Man," madalas sa beerhouse."



Napaiyak ang OPM icon na si Rey Valera nang tugtugin ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra ang ilang medley ng kanyang mga kanta.

May kaugnayan ito sa tribute concert na pinamagatang The Music of Rey Valera na gaganapin sa August 1 sa The Theatre ng Solaire Resort, 8 pm.

Sa ilalim ng baton ni Maestro Gerard Salonga, ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra ay mag-i-interpret ng mga masterpiece ni Rey at ng mga awiting nilikha niya kabilang ang mga tanyag na teleserye theme songs tulad ng "Pangako Sa’Yo," "Maging Sino Ka Man" at "Kung Kailangan Mo Ako."

Ani Rey, “Sino ba ang hindi maiiyak? Wala akong masabi, naano ako, parang hindi ako makahinga. Ewan ko kung anong tawag doon.

“I was so overwhelmed. Ang ganda ng arrangement ni Gerard, ang ganda ng viola niya.

"Para Gone With The Wind yung dating, e, iba talaga, I can go technical, iba ang dating.

"Para kang… hindi mo alam kung nabalik ka somewhere in time, e,” sunod-sunod na saad ni Rey nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment writers sa Dolphy Theater recently.

“Iba talaga ang music, very soulful, nakikipag-usap sa iyo ang music kahit walang words, walang lyrics.

“Pero nararamdaman mo ang lahat ng sinasabi, nakakatuwa,” paliwanig ni Rey nang usisain kung bakit siya napa-iyak habang nakikinig sa ensayo ng naturang orchestra.

Tampok sa The Music of Rey Valera concert ang ilan sa pinakamahuhusay na balladeers at music icons ng bansa tulad nina Sharon Cuneta, Martin Nievera, Vina Morales, Rico J. Puno, Edgar Allan Guzman, Morissette Amon, Tippy Dos Santos, at Antonio Ferrer.

Kabilang sa napakaraming kantang nilikha ni Rey ang "Mr. DJ," "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko," "Malayo Pa Ang Umaga" at "Naaalala Ka."

Pagpapatuloy niya, “I feel so lucky talaga sa ABS-CBN, talaga ang laki ng [gratitude].

“Kaya lang ang talent fee na ibinibigay nila sa akin dito, sabi ko ‘wag na lang akong pakantahin, ibigay na lang sa mga musikero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ang dami namang perang nanggagaling sa ABS-CBN, e, icha-channel ko na lang,” pabirong saad niyang muli.



ROYALTY. Nagpasalamat din ang singer-composer sa Kapamilya Network sa malaking naitulong nito sa kanyang career.

“I really like to thank ABS-CBN for doing this habang buhay pa ako.

“Alam n'yo, dahil sa binayad nila sa akin for using my song sa unang Pangako Sa ‘Yo, naipagawa ko ang bahay ko.

“Heto ngayon, kumikita uli sa bagong version ng Pangako Sa ‘Yo.

“Naipatayo ko ang bahay ko dahil sa Pangako Sa ‘Yo song na iyan, just that song lang.

“Kasi nag-two years sa telenovela iyang first version ng Pangako

"Sana may twenty [years ang remake] para subdivision na ang maipatayo,” pabirong saad niya.

Patuloy na kuwento niya, “Ang ‘Pangako sa ‘Yo,’ ang laki ng utang na loob ko.

"Ang bahay ko na dating binabaha, kumakain kami na hanggang dito ang tubig sa table.

“Ngayon pinataas ko na siya and nagiba na yung dating bahay at may bago na akong bahay.

“Ang mga anak ko ay nakapag-aral at may kanya-kanya nang pamilya.

“‘Pangako’ is, sasabihin ko to this day, ay siyang pinakamalaking earner sa songs.

“Of course, iyong pagkanta ko outside, iba yun. Ang sinasabi ko ay the songs lang.

“I think, malaking part din ang ginagampanan ni Ma'am Charo [Santos-Concio] dito, e.

“‘Ma'am Charo kung nakikinig ka, thank you ulit, iyong tseke ko ha,’” pabirong saad niya.

Pahabol pa niya, “Nagsawa na sa kababayad ang ABS-CBN sa Vicor, kasi iyong mga kanta ko dati ay nasa Vicor iyan.

“Iyon ang publishing house ko and what ABS-CBN did, binili na iyong buong publishing house para hindi na sila bayad ng bayad.

“At least, sila na ang owner, minsan nagsasawa ka rin sa kababayad.

"This time, ako na lang ang binabayaran nila.

“Iyon lang ang masasabi ko about ABS-CBN, medyo isnabero pero malaking magbayad,’” nakatawang wika pa ni Rey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIGGEST HITS. So far, ano ang pinakamalaking kinita niya sa mga ginawa niyang kanta?

“Ang pinakamalaking hit at that time, noong ako ay sikat pa noong araw, ay 'Kung Kailangan Mo Ako.’

“Pinakapaborito ng NPA [New People’s Army], ‘Malayo Pa Ang Umaga.’

“Iyong ‘Maging Sino Ka Man,’ madalas sa beerhouse, as usual,” nakangiting esplika ni Rey.

Inamin din ng batikang singer/composer na sa sementeryo niya ginawa ang kantang ito na kinagigiliwan pa rin ng maraming Pinoy.

“Yes, [sa sementeryo], dalawang kanta ang sabay kong nagawa, 'Kung Kailangan Mo Ako ' at 'Pangako sa ‘Yo in one night.

“Wala akong kapera-pera that time, kailangang mag-submit ako ng song, ang kinikita ko noon, one thousand pesos, e.

“Hinahati iyan, e, kaya nagiging five hundred. Binawasan pa sa tax, kaya nagiging four hundred something lang yun.

“At that time naman ang pera, medyo malaki-laki iyong value, iyong five hundred pesos, mapupuno na iyong likod ng kotse mo.

“So ang iniisip ko sa 'Pangako,' sa totoo lang, ay isang kanta na magagamit sa kasalan.

“Na ganoon nga ang nangyari, years later, nakikita ko na ginagamit siya sa wedding vows, ginagamit siya sa choir.

“Pero hindi ko akalain na mapupunta sa telenovela iyan nang ganoon, e, hindi ko siya inaasahan.

“Pero from my end ang nakikita ko po… sabi ko nga sa inyo inilalagay ko ang sarili ko sa...kung ako ang ikakasal, ano ang gusto kong marinig, ganyan….” pahayag ng OPM icon.

Ibinida rin niya kung saan napupunta ang ilang kinikita sa paglikha ng mga hit song.

“Malaki ang utang na loob ko sa mga kanta na iyan.

“Actually, what I do with the money that I get from those songs, kasi alam n'yo namang kumakanta ako everywhere.

“Pero ‘pag may malaking lump sum na dumarating from those telenovelas and movies, ibinibili ko ng something tangible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ipinagagawa ko ng bahay o ng isang studio, or binibili ko ng lupa or whatever.

“Para lang masabi ko na etong bahay na ‘to ginawa sa 'Pangako,' etong lupa na ‘to, nabili ko ‘to sa 'Maging Sino ka Man,' ganoon.

“Ngayon, marami na akong kotse, etcetera. May BIR ba diyan?” nakatawang tanong niya.

ACCIDENTAL SINGER. Sinabi rin ni Rey na ang unang komposisyon niya ay aksidenteng siya ang kumanta nang tinanggihan ito ni Rico J. Puno.

“Buong baryo sinabihan ko ‘Kakantahin ni Rico Puno yung kanta ko, iyong 'Ako si Superman,' 'tapos hindi pala, ni-reject niya.

“So ang nangyari, siguro naaawa naman sa akin ang Vicor, kaya sa akin na lang pinakanta.

“So bago ko nagawa yung 'Mr. DJ' ni Sharon, eto munang 'Ako si Superman' ang nagawa kong kanta noong 1976.”

Nalaman din namin kay Rey na hindi pala si Sharon Cuneta ang original na kumanta ng ‘Pangako Sa ‘Yo.’

“Hindi si Sharon, si Geraldine,” matipid na sagot niya.







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN