Actor Nicco Manalo stages his first show as a singer

Nicco Manalo: "Masyado po akong masaya. Marami pong mga nangyayari na minsan hindi ko in-expect na nangyari na siya. Parang siguro, yung transition to mainstream, parang hindi ko akalain na ganoon kabilis magpi-pick-up."


Kaba at excitement ang nararamdaman ni Nicco Manalo sa kanyang unang solo show na pinamagatang Playlist sa Polari Comedy Bar sa Tomas Morato, Quezon City, sa July 26.

Kabilang sa guest niya si Thea Yrastorza at ang kapwa taga-Cornerstone Entertainment na sina Emmanuelle Vera at KZ.

Magre-release din si Nicco ng digital album sa araw na iyon.

Ang kanyang unang single ay komposisyon ni Christine Bendebel na siyang gumawa ng hit song na "Urong Sulong" ni Regine Velasquez.

After niyang makilala sa indie films at makagawa ng mga commercial, aminado si Nicco na bago sa kanya ang mga bagay na nangyayari sa kanyang career.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Excited na kinakabahan ako, e.

"Pero gusto ko iyong ganoong adrenalin na nararamdaman ko, while even just thinking about it.

“Masyado po akong masaya. Marami pong mga nangyayari na minsan hindi ko in-expect na nangyari na siya.

"Parang siguro, yung transition to mainstream, parang hindi ko akalain na ganoon kabilis magpi-pick up.

“I’m very happy na mabigyan ng ganoong opportunities. Mabigyan ng venue, na to keep doing what I love.”

MUSICAL INFLUENCES. Ano ang repertoire niya sa kanyang show?

“Iba-iba po, may kaunting dancing siguro, kasi kasama naman sa pagkanta ‘yan.

“Kasi ako mismo, bago pa ako pumasok sa theater, yung influences ko ay halo-halo.

"From, like, waking up in the morning and listening sa lolo ko na nakikinig ng mga Elvis to Toni Braxton yung mga tiyahin ko.

“Then, after nun, makikinig ka ng rap, makikinig ka ng ano… halo-halo talaga iyong mga influences ko.

"Gusto ko siyang i-explore sa show, gusto kong makita iyon.

“Siguro, part na rin ng pagiging performer at pagiging actor yung mag-explore ng mga genre sa pagkanta at mga style,” saad ng anak ng komedyanteng si Jose Manalo.

Mayroon bang mapapanood dito na Elvis Presley na parang nagra-rap?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon pong sinabi nyo, parang gusto kong pag-isipan. Parang gusto kong gumawa ng something na ganyan!” natatawang sagot ni Nicco.

Pahabol niya, “Sigurado ako tatawa sila kapag nanood sila sa akin because that's my personality.

"I can be quirky, I can be serious.

"I think it's a night of... excited ako kasi I get to tell stories now while singing.”

OUT OF COMFORT ZONE. Sinabi rin niya kung anong types of music siya mas kumportable.

“Comfortable ako sa standards but, at the same time, open rin ako sa alternative rock.

"Nakakapag-rap rin ako, tapos mahilig din akong mag-mimic.

"So, halo-halo talaga ako, pero ang gustung-gusto ko talagang kinakanta ay mga ballad.”

Bagong challenge ba sa kanya ito as an artist?

“Yes, definitely.

"Sabi ko nga, nang dumating iyong pagkakataon, nagulat talaga ako kasi hindi ko talaga in-expect.

"Pero masaya rin ako, kasi at the same time, nandoon ako sa point ng career ko na nangyayari itong mga gusto kong mangyari.

“Gusto ko iyong part na nagugulat ako, natsa-challenge ako, wala ako sa comfort zone ko.

"I’m very excited na i-try, basta may nakikita akong bagay na alam kong mai-enjoy ko pa.

"Na maipapasok ko pa iyong pagiging actor, iyong pagiging story teller, okay ako.

“Siguro kahit patulain ako minsan, siguro ay okay lang din sa akin.

"I mean, hindi siya something na alam kong gawin, pero gagawin ko siya.

"Gusto kong subukan, medyo gusto kong magulat.

"To keep trying to do different things, new things everytime…

“Kasi in the process, may natututunan din ako sa sarili ko na hindi ko alam and I’m sure marami pa akong matutunan tungkol sa sarili ko.”

DIGITAL ALBUM. Nagkuwento rin si Nicco ukol sa kanyang digital album.

“Yes, narinig ko na iyong kanta. Narinig ko na iyong arrangement, from the first demo ay part ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos ay tanong siya [songwriter Christine Bendebel] nang tanong ng inputs ko.

“I’m overwhelmed by the opportunity and a chance to sing a song na siya ang nagsulat and to release it digitally.

"Parang sabi ko, ‘So, singer na talaga ako!’

“It’s new, pero gagawin ko ito.”

AN ACTOR FIRST. Actor-balladeer na ang peg niya ngayon?

“Puwede naman! Actor-balladeer? Puwede naman!” tawa niya.

Pero nilinaw ni Nicco na ang paging actor ang laging priority niya.

“I am still an actor first, kahit na ano pa ang ginagawa ko.

"Kahit I’m doing commercials, kahit may singing gigs, dancing, hosting, or whatever.

"I’m an actor first. Iyon, I’m very sure of that.

“I love telling stories and I love telling other people’s stories.

"Mas gusto ko iyon. And bumabagsak iyon sa pagiging actor ko.

"Kahit saan siya dumadaan, like commercials or whatever, ganoon.

"Bumabalik at bumabalik siya sa pagiging actor dahil yun talaga ako, e.”

OVERWHELMED. Hindi ba siya nalulunod sa success na nararanasan niya ngayon?

Tugon ni Nicco, “Hindi ko po itatanggi na minsan-minsan ay nakaka-overwhelm talaga, na parang minsan you have to stop and just think about what’s going on.

"Parang… huminga lang and para sabihin sa sarili mo and go back why you’re doing it, ganyan.

“So, hindi naman po sa parang nalulunod.

"Parang naba-balance ko naman siya with Cornerstone’s help. They always ask me kung gusto ko ba ang project.”

Sinabi rin ni Nicco ang mga artistang gusto niyang makatrabaho at ang itinuturing niyang dream role.

“Tapos kung sa acting naman, gusto ko pong makatrabaho yung mga batikang artista.

"As in mga eksena na kaharapan ko sila, yung ganoon. Iyong mai-starstruck muna ako bago ako makapagsalita ng linya.

“Nakasama ko na si Nora Aunor, kaya lang katabi ko lang siya doon sa Barber’s Tales. Pero nanginginig na ako, kasi Nora Aunor siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyong mga Vilma Santos, Christopher de Leon, as in yung mga pinapanood ko sa TV dati, sa movies…

"Iyong puwedeng mga pinapanood mo lang na naging dahilan kung bakit ka pumasok sa pag-aartista o sa pag-arte.

“Iyong feeling ko na nakatulala muna ako bago ako makapag-linya.

"Iyon po, excited akong maka-experience ng ganoon."

Patuloy ni Nicco, “Dream role? Medyo nangyari na po iyon sa Ang Kuwento Nating Dalawa, na ang sabi ko nga, ang role ko ay pogi.

"Oo, lover boy, na kaming dalawa lang, na babaeng maganda lang ang kasama ko.

“Pero siguro, parang gusto kong maging kontrabida sa isang teleserye.

"Iyong pahihirapan ko iyong bida, na kapag nakita ka sa kalye ng mga tao, tatawagin ka doon sa character name mo, tapos galit sa iyo at babatuhin ka.

“Iyong galit sa iyo kahit iyong nagtitinda sa karinderia, galit sa iyo yung mga tao.

"Ganoon, parang gusto ko 'yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN