April Boy Regino says renewed Christian faith allowed him to overcome his health battles

April Boy Regino hopes that his new Christian songs will inspire listeners to keep their faith and never lose hope despite life's many trials: “Mga salita na ng Diyos ang gusto kong i-share. Kaya ang ilalabas ko pong album is a Christian album. Ito po ay tungkol sa Diyos at hango sa buhay ko. Ang mga awitin ko ay para sa mga taong merong pinagdadaanan.”



Dumaan sa maraming pagsubok sa kanyang kalusugan ang tinaguriang Jukebox King of the ‘90s na si April Boy Regino.

Ang 46-year-old singer na nagpasikat ng mga awiting ‘‘'Di Ko Kayang Tanggapin,” “Umiiyak Ang Puso Ko,” “Paano Ang Puso Ko?” at “Sana’y Laging Magkapiling” ay nagtagumpay sa kanyang pakikipaglaban sa mga sakit na prostate cancer at congenital heart failure noong 2009 at 2010.

Ngayon ang pagkabulag ng kanyang kaliwang mata dahil sa sakit na diabetic retinopathy ang siyang pinagdaraanan ngayon ni April Boy.

Isang taon daw niyang naranasan ang mabulag.

Pagkatapos ng isang maselang operasyon, nakakakita na siya ng konti sa kanyang kanang mata.

Pero kailangan pa rin ni April Boy ng mag-aalalay sa kanya kapag may mga kailangan siyang lakarin.

Sa panayam kay April Boy noong nakaraang August 14 ng GMA news program na 24 Oras, inamin nito na halos mawalan na siya ng pag-asa dahil sa sunud-sunod na pagsubok na dumating sa kanyang buhay.

“Hindi ko na kaya, sabi ko. Bulag na ako.

“Wala na akong magagawa.

“Nagtatampo ako sa Diyos dahil hindi ko maintindihan kung bakit binigyan ako ng ganitong karamdaman,” diin pa niya.

Pero sa gitna ng kanyang kawalan ng pag-asa ay nagawa pa rin niyang magdasal at hindi mawala ang kanyang tiwala sa Panginoon.


SPIRITUAL AWAKENING. Dahil utang na loob niya sa Diyos ang kanyang ikalawang buhay, ito na rin ang nagpabago ng kanyang buhay ispiritwal.

Isa nang renewed Christian si April Boy at mas naintindihan na niya ang mga nangyari sa kanyang buhay.

“Noong mag-aral na ako ng Bible, parang pinapalo ka pala ng Diyos.

“Ngayon at nabigyan tayo ng pangalawang pagkakataon ng Diyos, ito na ang masasabi kong pinakamasaya na yugto ng buhay ko,” ngiti pa niya.

Hindi nga inaasahan ni April Boy na makakabalik pa siya sa paggawa ulit ng album. Labing-dalawang taon na kasi ang nakaraan noong huli siyang gumawa ng album.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya laking pasasalamat nito na pinapirma siya ng recording contract ng GMA Records.

“Ang galing. May edad na ako, may diperensya pa ako, kinukuha pa ako ng GMA Records.

“Salamat sa GMA Records dahil kahit bulag ako, binigyan pa rin nila ko ng pagkakataon,” masayang balita pa niya.


CHRISTIAN SONGS. Kung noon ay mga novelty-love songs ang mga inaawit ni April Boy, sa bago niyang gagawin na album ay puro naman Christian songs ang kanyang aawitin.

Ang titulo nga ng kanyang carrier single ay “Tanging Hiling.”

“Mga salita na ng Diyos ang gusto kong i-share.

“Kaya ang ilalabas ko pong album is a Christian album.

“Ito po ay tungkol sa Diyos at hango sa buhay ko.

“Ang mga awitin ko ay para sa mga taong merong pinagdadaanan.”


ACHIEVEMENTS. Sumikat si April Boy kasama ang kanyang dalawang kapatid na sina Vingo at Jimmy. Binuo nila ang novelty group na April Boys noong 1994.

Nagdesisyon si April Boy na mag-solo at naging matagumpay naman siya. Bukod sa pagiging singer at pinasok din niya ang pag-arte sa pelikula.

Dalawang pelikula ang ginawa niya with TV-host/comedian Joey de Leon na Ang Misis Kong Hoodlum (1996) at Takot Ako Sa Darling Ko (1997).

Nagbida naman siya sa mga pelikulang ‘Di Ko Kayang Tanggapin (2000) at Super Idol (2001).

Nagkaroon naman siya ng guest role sa pelikulang This Guy’s In Love With You noong 2012.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN