Sexy singer Selina Sevilla releases new album after 13 years



Pang-apat na album na ni Selina Sevilla ang kanyang self-titled album na Selina na naglalaman ng mga orihinal na kanta at released ng Alpha Records.

“Forever Alpha po ako, loyal po ako sa Alpha,” natatawang deklara ni Selina nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Cucina ni Bunso.

Taong 2002 nang huling maglabas ng album si Selina. Bakit inabot ng thirteen years bago nasundan ang album niya?

Rason niya, “Kasi nga, di po ba, na-stop yung era naming mga sexy singers, ganyan-ganyan...

“Kaya kung mapapansin niyo po, dito sa album ko na ito, ni-reinvent po yung music ko.”

Mostly love songs at fast songs ang laman ng bagong album ngayon ni Selina. Isa na rito ang kantang “Dahil Ikaw” na theme song nila ng karelasyon niyang si Lalen Calayan.

Lahat ng kanta sa album ni Selina ay sinulat ni Rene Alon, ang gumawa ng kantang “Pusong Bato.”

“Kasi ako, Aegis, si Kuya Rene, lahat kami from Alpha.

“So this time, sa pagbabalik ko, sabi ko, ‘Kuya, gusto ko marinig ng mga tao yung the other side of Selina,' na puwede rin naman akong kumanta ng fast songs, ganyan.

“Actually, ang first single ko po is 'Walang Paki' [You’re The Best].

“Para po siyang... Zumba song po siya, magiging parang Zumba Queen po ako dito ng masa. Iyon po ang peg ko dito,” saad niya.

Isang malaking Zumba event nga ang dinaluhan ni Selina sa Cebu kamakailan.

Mayroon itong video na parang Dancing Inmates ng Cebu. Marami ang participants sa naturang Zumba event.

Malamang na magkaroon din ng charity concert si Selina sa February 2016.

“Active po ako sa mga charity events sa Cebu,” banggit din niya.

Ang iba pang laman ng bagong album ni Selina ay “Hinahanap Kita,” “Pag-ibig,” “Bangon Lang,” at ang mga minus one versions ng bawat kanta.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN