Ate Gay not worried that their V-day show coincides with Royals all-star OPM concert

Ate Gay on her secret to longevity as a comedian/impersonator: "Kasi bilang isang comedian, sabi ko nga, dapat kung ano ang gusto ng manonood ay pagyamanin mo. 'Tsaka ayaw kong mawala sa entabaldo kaya nag-aaral ako ng mga bago talaga."

 


Sinabi ni Ate Gay na hindi siya nag-aalala na ang concert nilang Panahon Ng May Tama: #ComiKilig with Gladys “Chuchay” Guevarra, Boobsie Wonderland, at Papa Jack ay kasabay ng Royals concert nina Regine Velasquez, Martin Nievera, Angeline Quinto, at Erik Santos.

Parehong gaganapin sa February 13 ang dalawang malaking concerts. Kina Ate Gay ay sa Araneta Coliseum, samantalang kina Martin and company ay sa MOA.

Saad ni Ate Gay, “Wala naman, wala naman.

Kasi, iba naman iyong show namin na Panahon Ng May Tama.

Iba iyong atake nila sa mga manonood.

Siguro nasa amin ang… kung may AB silang crowd, I think sa amin yung CDE… FGHIJKLMNOP…mga ganoon!

Ayun lang, wala. Ang aim naman namin ay magpasaya ng tao, kasi ganoon naman kami."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ate Gay sa ginanap na presscon ng naturang concert sa Max’s Roces Ave., Quezon City, noong January 29.

NO BILLING ISSUES WITH CO-PERFORMERS. Paano niya idi-describe itong show nila sa Araneta?

Pasabog! Pasabog sa katatawanan.

Kasi, bukod sa nakakatawa ito, ang gagaling ng mga kasama ko rito, pati sa kantahan,” tugon ng komedyante.

Ang format ba nito, parang nasa comedy bar pero Big Dome ang venue?

Mabilis niyang tanggi, “Ay, hindi.

Hindi parang comedy bar na inilagay sa Araneta. Hindi ganoon.

“Hindi ganoon ang orientation ni Mamu [Andrew de Real, na siyang writer at direktor ng concert], hindi.

“Tsaka rito kasi, kami mismo ang maglalaitan. Hindi kami gagamit ng ibang tao para magpatawa.”

Dahil nauna sa kanya sa billing sina Gladys at Boobsie, inusisa rin ng press si Ate Gay kung okay lang ito sa kanya.

Ani Ate Gay, “Sabi ko nga, hindi ako ano sa billing.

Maganda naman yung pagkakalagay sa billing and sa show naman, equal participation naman kami.”

Ayaw naman niyang sagutin kung totoong mas mataas ang kanyang talent fee sa tatlong kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ko alam, hindi ako nagtatanong, sa manager ko na lang iyon.

Kung sinong pinakamataas diyan sa tarpaulin, iyon ang mas mataas ang talent fee,” nakatawang saad pa niya.

VERSATILITY. Sa dinami-dami ng nag-i-impersonate kay Nora, ano kaya ang sikreto niya?

Sabi ni Ate Gay, “Ang secret kasi hindi ako nag-i-stay sa pagiging Nora Aunor.

May iba akong way para maiba naman as Ate Gay. Like iyong mga mash-up at iba pang mga jokes.

Kasi bilang isang comedian, sabi ko nga, dapat kung ano ang gusto ng manonood ay pagyamanin mo.

Tsaka ayaw kong mawala sa entabaldo kaya nag-aaral ako ng mga bago talaga.

Never ko namang inokray si Nora, kaya love na love ako ng mga Noranian at lahat ng presidente ng fans club niya. Kaya rin siguro ako tumagal dito.”

IMPERSONATING ATE VI. Nasubukan mo na bang i-impersonate din si Gov. Vilma Santos?

Sagot niya, “Oo naman, ini-impersonate ko rin si Ate Vi.”

Kapag ini-impersonate niya si Ate V, kanta rin ba?

Hindi kanta, ano lang, dubsmash."

Pero ano ba siya talaga, Noranian o Vilmanian?

Noranian, Vilmanian, Sharonian, Dalmatian,” pabirong sagot ng komedyante.

Hindi, Noranian ako,” seryosong bawi niya.

Kasi nanay ko Noranian, e.

Saka ang ka-batch ko talaga, noong nagdalaga ako, ang sikat noon si Sharon [Cuneta], si Snooky [Serna], si Maricel [Soriano]...

Si Nora naman, [idol ng] nanay ko.”

Inamin din ni Ate Gay na noong nagsisimula pa lang siya sa kanyang career, kailangan niyang uminom muna ng beer bago sumalang sa stage.

Kuwento niya, “Dati noong nagsisimula ako, bago ako sumampa ng entablado, umiinom ako ng beer.

Pero noong napunta ako sa Klownz, ten years na ako sa Klownz o eight years, never ako umakyat, na bago sumampa na nakainom.

Psychological lang pala ‘yon, e.”

Anong satisfaction ang nakukuha ni Ate Gay bilang komedyante?

Nakakatuwa naman, masaya ako. Kasi parang dito ako inilagay ng Diyos. Ito ang misyon ko,” pagmamalaki niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DREAM MOVIE PROJECT. Si Nora ba ay nakasama na niya sa pelikula?

Aniya, “Hindi pa, sa life story lang sa Magpakailanman, siya yung kasama ko.”

Sinabi rin ni Ate Gay na kung makakasama niya sa pelikula ang premyadong aktres, maituturing niyang isa ito sa highlight ng kanyang showbiz career.

Superstar iyan.

Sabi ko nga noong napuno ko ang MOA Arena, guest ko si Nora Aunor.

Hindi naman siya kumanta, appearance lang, kaya natuwa na yung mga manonood.

Magiging honored ako kapag makakasama ko siya sa movie at mas lalo ko pang gagalingan ang trabaho,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN