Jonalyn Viray (aka Jona) thankful to Star Music for choosing her as Himig Handog interpreter



Malaking opportunity para kay Jonalyn Viray (aka Jona) na mapili bilang isa sa interpreters ng Himig Handog P-Pop Love Songs 2016.

Ang artist na bagong lipat sa ABS-CBN ang interpreter ng kantang “Maghihintay Ako” composed by Dante Bantatua.

“Sobrang nagpapasalamat po ako sa opportunity na ibinigay ng Star Music bilang bagong Kapamilya singer. Sobrang blessed po ako and thankful dahil nagtiwala po sila sa akin. And nung ni-reveal na magiging parte po ako nitong Himig Handog 2016, sobrang natuwa po talaga ako at na-excite kasi matagal ko na rin pong ipinagdarasal na sana mapasama rin naman ako sa ganitong klaseng music fest.

“Although may mga nasalihan na rin po akong songwriting competition na kinukuha po ako as their interpreter, pero ibang klase po itong Himig Handog, e. Talagang once nakapaglabas po ng materials, iba po yung nagiging epekto sa listeners. Kasi talaga namang lahat ng materials na kinukuha ng Star Music, wala kang maitatapon.

“And sobrang thankful lang po talaga ako kay Mr. Dante Bantatua dahil nakuwento po niya na they’re also praying na makahanap siya po ng mag-i-interpret sa song niya. Ini-reveal niya po na pinag-pray din po niya ako. Sabi ko po talaga, ‘Wow, Lord!’ If it’s meant to be wala po talagang makakapigil, walang makakaharang. So, sobrang nagpapasalamat po ako sa nangyayari ngayon.”

Bagama’t first time niyang makasali sa Himig Handog at pawang mga bigatin din ang makakalaban niya, ayaw daw magpa-pressure ni Jona.

“Sa ngayon po ayoko pong i-consider na ito ay isang tough competition. Gusto ko lang po, naming lahat, na i-enjoy itong moment na ito. Bahala na lang po sa grand finals kung nandoon po yung kaba at pressure. Pero right now, gusto lang po naming i-enjoy kasi naka-meet po ako ng mga bagong kaibigan, mga interpreters at songwriters.”

Ang grand winner at itatanghal na Best Song ay tatanggap ng cash prize na P1 million. Ang 2nd, 3rd, 4th, at 5th best song ay mag-uuwi naman ng P500K, P200K, P150K, at P100K, respectively.

May special awards din gaya ng MOR’s Choice, Onemusic.ph Favorite Interpreter, at Star Music Listeners Choice. Ang finals night ng Himig Handog P-Pop Love Songs 2016 ay gaganapin sa April 24 sa KIA Theater sa Araneta Center Cubao.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN