Meet the members of GMA's new boy band One Up

IMAGE Noel Orsal



Ipinakilala na ang ten members ng bagong boy band/group na One Up. Sila ay binuo ng GMA Network under GMA Artist Center at karamihan sa kanila ay nanggaling sa nakaraang StarStruck 6. Ang iba naman ay mula sa mundo ng modelling at sumali sa iba pang competitions.

Pagsayaw at pagkanta ang maihahandog ng One Up, pero bawat isa sa kanila ay nagsisimula na rin magkaroon ng ilang acting projects. Bago pa man ipinakilala, tuloy-tuloy na ang ginagawang paghahanda ng One Up na kinabibilangan nina Ralf King, Brent Valdez, Yasser Marta, Kevin Sagra, Jay Arcilla, Dave Bornea, Nikki Co, Prince Clemente, Joemarie Nielsen, at Arjan Jimenez.

Sila ay mine-mentor ng theater and concert director na si Freddie Santos, singer/composer Jeffrey Hidalgo at ang choreographer na si Mark Benzon Pelota ng Manoeuvres.

YASSER MARTHA


Age: 20

School: San Benildo, Antipolo City

Interests: singing, dancing, motor, car, basketball

Idols: Kobe Bryant, Leonardo di Caprio, Dingdong Dantes

Showbiz Crush: Kylie Padilla

Si Yasser ay half-Portuguese at half-Pinoy. Ipinaangak at lumaki siya sa Saudi Arabia at isang Muslim. Katatapos lang niyang mapanood sa Kapuso teleserye na Once Again. Nag-stop muna raw siya sa pag-aaral pero dapat ay 2nd Year College na siya ng Marketing.

"Nag-start ako ng modelling sa Monaco. Hanggang ngayon, nagmu-model pa rin ako."

Bakit si Kylie Padilla ang crush niya?

"Mahilig ako sa mga singkit tapos, sobrang puti. Yun ang madating talaga sa akin."

Ano nga ba ang puwede niyang i-contribute sa One Up?

"Well, ako naman kasi, lahat ng ginagawa ko, nagpapakatotoo lang ako and mahal ko ang trabaho ko, ginagawa ko. Mahal ko ang pagkanta, pag-arte, gagawin ko lahat para mapasaya ang mga tao. At sabi nila, kapag tumitig daw ako, nakakamatay."

NIKKO CO

Age:

School: De La Salle University

Course: 3rd Year student of Computer Science in Network Engineering

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idols: Jennylyn Mercado

Showbiz Crush: Jennylyn Mercado & Heart Evangelista

Mula sa StarStruck 6 si Nikki, pero natanggal daw siya noong Top 18. Pinakamalaking papel na nagampanan daw niya ang Mother's day special ng Magpakailanman kunsaan gumanap siyang isang bading.

Ayon naman sa kanya, "Doon ako natuto ng acting, singing and until now. Pinaka-talent ko talaga ay dancing."

Ayon kay Nikki, siya ay 75% Chinese at 25% Pinoy. Basketball talaga ang hilig niya bilang varsity member sa Stephen College.

Ano ang puwedeng asahan sa kanya ngayong miyembro siya ng One Up?

"Kung sa group po namin, nag-stunt po ako, then, napagsasabay ko po ang pag-aaral. I have good time management po at ipapakita ko po sa kanila ang skills ko sa dancing and unti-unti po nilang makikita ang improvement ko sa singing.

"Makikita nila ang total package ko, soon."


JOEMARIE NIELSEN


Age: 21

Interests: Singing, playing guitar, dancing

Showbiz Crushes: Julie Anne San Jose & Rhian Ramos

Half-Filipino at half-Thai si Joemarie na isa rin sa naging produkto ng StarStruck 6. Hindi raw siya nag-aaral sa ngayon dahil sa pagpili niyang maging bahagi ng StarStruck.

Pangarap niyang magtuloy-tuloy ang singing career niya.

"Siyempre, I want to have my own album in the future, sa tulong din ng mga workshops ng GMA."

Siya na rin ang nagsabi kung bakit crush niya si Julie Anne.

Aniya, "Nang marinig ko ang boses niya, na-in-love na ko."

Ano ang meron siya?

"For me, I may not be the best dancer pero sure ako na I can sing talaga. Kahit R&B, mga pop songs, yun ang maaasahan niyo sa akin."

RALF KING


Age: 18

School: Colegio de San Lorenzo, Quezon City

Course: Graduating student of Bachelor of Science in Tourism and Management

Idols: JayR, Kris Lawrence

Showbiz Crush: Kylie Padilla

Produkto ng mga competition si Ralph. Mula 2007 ay naging Grand Winner siya ng Pop Star Kids Season 2. Naging grand finalist din siya ng Bet ng Bayan at nag-Asia's Got Talent din siya hanggang sa makasama siya sa One Up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakagawa na rin siya ng iba't-ibang teleserye.

Kaya ayon kay Ralph, "I can offer po, yung mga talents na ibinigay sa akin ni God and I can make them happy po, as long as I can. Sana po magustuhan nila at maging maayos ang takbo ng career."

BRENT VALDEZ

Age: 19

School: La Salle, Dasma, Cavite

Course: Marketing and Advertising

Interests: photography, singing, acting, dancing

Showbiz Crush: Marian Rivera

Bago mapasama sa grupong One Up, nanggaling si Brent sa singing reality show na To The Top.

Ayon kay Brent, "Sa akin po, gagawin ko ang best ko para i-prove sa lahat na hindi lang kami boy group. Hindi lang po kami basta kumakanta at sumasayaw.

"Ipu-prove po namin na whole package po kami. Na kaya po naming gawin ang lahat na hindi nila kayang gawin."


KEVIN SAGRA


AGE: 21

SCHOOL: San Pedro College, Davao City

Interests: playing instruments, dancing

Showbiz Crush: Andrea Torres

Idol: Dingdong Dantes

Nakapasok sa StarStruck Top 40 si Kevin pero dati, simpleng estudyante lang daw siya. Pero dahil passion na raw niya ang dancing, may dance group daw siya dati sa Davao.

Para kay Kevin, gusto raw niyang maging inspirasyon sa karamihan.

Aniya, "Gusto kong ma-share ko naman ang mga talents ko and skills ko na meron ako. Willing din naman akong matuto rin."

DAVE BORNEA


Age: 18

School: University of Cebu

Interests: boxing, dancing

Showbiz Crushes: Lindsay de Vera

Idol: Dingdong Dantes

Naging finalist ng Mr. Pogi 2012 si Dave at nag-audition din siya sa StarStruck 6 pero nawala na raw siya nang mag-Top 14.

Nag-aaral daw siya dati, pero dahil sa mga oportunidad na dumating sa kanya sa showbiz, tumigil muna siya. Kasama rin siya ngayon sa bagong primetime series ni Dingdong na Alyas Robinhood.

Ano ang mga puwedeng asahan sa kanya?

"Since tadtad na po ako sa workshops like sa singing, dancing, I can show them a great performance. Sa acting naman, I can show them great acting din po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahal ko ang trabaho ko at gusto kong patunayan sa lahat na nandito po ako sa showbiz, hindi po ako nag-aaksaya ng panahon. Kumbaga, binuhos ko na po yung lahat for my career po."

ARJAN JIMENEZ

Age: 20

School: New Era University

Interests: basketball, volleyball, swimming, badminton

Idol: Dingdong Dantes

Showbiz Crush: Barbie Forteza

Nanggaling din sa StarStruck 6 si Arjan. Pero meron din daw siyang dating freelance boy band. Siya raw ang tipo na perform kung perform at ibibigay niya ang lahat.


JAY ARCILLA

Age: 20

School:

Interests: Cars, basketball

Idol: Dingdong Dantes & Alden Richards

Showbiz Crushes: Julie Anne San Jose & Kylie Padilla

Nakapasok hanggang Top 6 sa nakaraang StarStruck si Jay. Kaya naman nakapag-teleserye rin siya tulad ng Little Nanay at iba't-ibang guestings sa Kapuso Network.

Masaya raw siya na may boy band na silang One Up.

Na-curious naman kami kung bakit marami sa kanila ang nagsasabing sina Julie Anne at Kylie ang crush.

Ayon kay Jay, "Kasi kay Julie Anne, talagang ngayon, sobrang sexy niya. Tapos yung boses niya, nakaka-in-love. Si Kylie naman, mahilig kasi ako sa maputi. Noong makita ko siya during StarStruck days, talagang wow!"


PRINCE CLEMENTE


Age: 19

Interests: Taekwondo, basketball, swimming and boxing

Idols: Dingdong Dantes, Aljur Abrenica

Showbiz Crushes: Max Collins, Solenn Heussaff, Kim Domingo, Andrea Torres

Sumali muna si Prince sa pageant ng Sta. Lucia mall noong 2014, ang Generation Kid, at siya raw ang naging grand winner.

Ang forte raw niya ay pagsayaw kaya ito raw ang alam niyang malaking maiko-contribute niya sa grupo.

Ayon kay Prince, "Since dancing nga po ang forte ko, yun po talaga ang maio-offer ko at ang singing, kayang-kaya naman 'yan."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN