Why did Marion Aunor, niece of Nora Aunor, almost quit showbiz?

IMAGE From Instagram account of Marion Aunor

Marion Aunor admits, "Minsan, napi-feel ko na gusto ko nang mag-quit kasi ang hirap."



Sa kabila ng magandang takbo ng singing career ni Marion Aunor, dumating din pala siya sa puntong gusto na niyang iwanan ang music industry.

Ito ay sa kabila na sa tatlong taon niya sa larangang ito, ilang beses na rin siyang na-nominate at nagka-award sa ilang award-giving bodies sa industry.

Ayon kay Marion, "Minsan, napi-feel ko na gusto ko nang mag-quit kasi ang hirap.

"Tapos si Mom [Lala Aunor] naman, nagdasal siya na sana may sign na ganito.

“‘Tapos lumabas yung nominations the next day.

“Hayun, parang nasagot yung prayers niya, kung itutuloy ko pa ba o hindi?

"Nag-send kasi ng message si God na...

"Siya kasi [referring to her mother], gusto niyang maging successful ako.

“At hindi natin alam ang number of years na malalaman mo kung nagiging successful pa ba o itutuloy pa ba?"

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment writers si Marion sa pocket presscon nito para sa kanyang concert na may titulong Marion + Le Band na ginanap sa Max's Restaurant sa Quezon City kahapon, October 11.


TRUE AUNOR. Kabilang ang Awit Awards at Philippine Movie Press Club Star Awards for Music na nakapagbigay na ng tropeo kay Marion bilang mahusay na singer.

Para sa kanya, salamin din naman daw niya ang career ng ibang mga singer na nagtiyaga muna bago naging matagumpay sa larangang ito.

Ani Marion, "Nababasa ko rin naman sa writeups ng mga artist na ilang years talaga bago yung break.

"Yung, 'Ay ang tagal na pala nila, 'tapos sikat na sila ngayon.'

"Ang dami rin nilang pinagdaanan."

Ilang taon kaya niya bibigyan ang sarili upang maramdaman ang kanyang tagumpay?

Ayon sa 24-year-old singer-composer, "I don't know.

"Basta kasi, minsan yung frustration lang sa music.

“Na yung iba ay masyadong natataasan sa kind of music na isinusulat ko.

"Kung may future ba dito sa Philippines kasi ang influences ko ay mga international.

"Ganun po lumalabas.

"E, ang hinahanap po nila ay yung medyo birit na OPM [Original Pilipino Music] songs, so mahirap mag-ano."

Bakit hindi siya mag-revive ng mga sumikat na kanta ng kanyang auntie na si Nora Aunor o ng kanyang nanay na si Lala Aunor?

Tugon niya, "Maybe hindi muna.

“Noong nag-star ako sa industry, lagi ko naman nami-mention na gusto ko ang sariling identity sa industry.

"Kaya, ayaw ko namang masabihan na nagra-ride lang ako or something.

"May mga people ngang nagtatanong sa akin, 'Talaga bang Aunor ang apelyido mo?'

"Ginagamit ko na ang Aunor ever since nung nag-aaral ako."


THE CONCERT. Samantala, ang concert niyang Marion + Le Band ay magaganap sa 19 East Bar, sa Sucat Paranaque ngayong Linggo, October 16.

Ipinagmalaki raw niya ito at sa muli ay makakasama niya ang balladeer na si Michael Pangilinan.

Kasama rin sa concert ang DZMM Teleradyo Chismax host na si Ambet Nabus at iba pa.

Lahad ni Marion, "Hayun, galing ako sa rehearsal kasi it's a live band.

"Medyo iba ko... iba naman po yung songs ko dun sa mga mall show.

"Different kind of music naman po.

"Bukod dito, ngayon pa lang lumabas ang music video for 'Unbound.'

“Yung music collaboration namin nina Alex Gonzaga, Morissette [Amon] at Kidwolf.

"Katatapos ko lang ng SM mall tours, at ang tatahakin ko naman po ang yung bar tours ko.

"After this concert sa October 16, susunod naman yung December 1, sa Astoria.

"Next year, may show ako sa Dubai sa February 10.

“At baka April, meron pong inaayos na show ang Star Magic para sa kanilang artists naman."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN