Vina Morales experiences wardrobe malfunction; Daniel Padilla assists her during concert

IMAGE Allan Sancon



Halos mapuno ang KIA Theater sa dami ng mga dumalo sa concert ni Vina Morales titled Vina @ Thirty na ginanap noong October 13, 2016.

Inawit ni Vina Morales ang “This Is My Now” sa kanyang opening number.

Kinuwento niya sa audiences ang kanyang pagsisimula sa showbiz.

"Dun po sa hindi nakakaalam, I was discovered by a priest: si Fr. Fritz Malinao when I was 9 years old while singing in the church choir."

Nasa audience noong gabing iyon si Fr. Malinao.






Inawit ni Vina ang “Express Yourself” ni Madonna at “Break Free” ni Ariana Grande sa kanyang ikalawang opening number.






Bigay todo sa pagsasayaw at pag-awit si Vina, habang sumisigaw ang kanyang mga fans ng “I love you Vina,” at “Ang sexy mo!”

Sagot ni Vina sa kanyang mga fans, “I love you too! At hindi ako magsasawang magsabi ng 'I love you too' sa inyo dahil sa suportang ibinigay ko sa akin sa 30 years ko dito sa industry.”

Sinagot din ni Vina ang sumigaw ng “Ang sexy mo, Vina!” Sabi ng ABS-CBN singer-actress, "Naku gusto kong marinig 'yan dahil pumayat naman talaga ako, kita niyo naman may abs na uli ako, di ba? Pinaghirapan ko 'yan, ilang araw din akong di kumain para ma achieve ‘yan, at para sa inyong lahat 'yan.”







Matatandaang noong nagsisimula pa lang si Vina ay binansagan siya na isang "Showgirl" dahil kanyang total performances sa pagkanta at pagsasayaw.

Nagpalakpakan ang mga concertgoers sa paglabas ni Vina suot ang mala Maria Mercedes niyang outfit na pula para sa kanyang Latin production number.

Inawit niya ang “Anything For You,” sabay sayaw ng Flamenco dance.






Kitang kita pa rin ang sigla ni Vina sa kanyang pagsasayaw. Pinaghandaan niya daw ng todo ang concert na ito sa pamamagitan ng kanyang pagda diet.








Nagtilian ang mga audience sa paglabas nang stage ni Daniel Padilla na isa rin sa special guest performer ni Vina sa kanyang concert.

Inawit ni Daniel ang “Miss Na Miss Kita.” Ninang pala ni Daniel Padilla si Vina Morales sa binyag.






Nang pumasok ng stage si Vina para pasalamatan si Daniel, nagkaroon ng wardrobe malfunction ang damit ni Vina, kaya inalalayan agad ito ni Daniel.






Inihatid ni Daniel sa backstage si Vina para ayusin ang natatanggal na strap ng kanyang gown.






Kahit tapos na ang production number ni Daniel ay pinaulit ni Vina kay Daniel ang inawit nitong “Miss Na Miss Kita,” habang nasa backstage siya ay sinasabayan nya si Daniel sa pag-awit.

Natatawa na lang na inulit na kantahin ni Daniel ang kanyang awiting “Miss Na Miss Kita.”







Ang isa pa sa special guests ni Vina ay si Ogie Alcasid na sumabay ng pakikipagsayaw at pagkanta kay Vina Morales.

Natatandaan daw ni Vina na noong concert niya na Showgirl ay guest niya rin Ogie, pareho pa daw sila ng network that time, ngayon daw na kahit magkaiba na sila ng network ay pinaunlakan pa rin siya ni Ogie na mag guest sa concert niya. Pabirong sabi ni Ogie, “Huh? Magkaiba ba tayo ng network, parang hindi naman. Ay! Hindi, joke lang pala.”






Sa solo spot ni Ogie ay inawit niya ang “Hanggang Ngayon,”


Sumunod na special guest ni Vina ang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano na sinimulan ang kanyang production number sa pamamagitan ng pagtatambol o pagtugtog ng drums.







Nakipag showdown naman ng pagsasayaw si Vina kasama si Gary V. habang kinakanta niya ang “Eto Na Naman.”






Hangggang sa kasalukuyan ay magkasama sa ASAP sina Gary V at Vina. Pinasalamatan ni Vina ang wife/manager ni Gary na si Angeli Pangilinan-Valenciano sa pagpayag na ma-guest niya si Gary V.

Sa solo spot ni Gary V ay kinanta niya ang theme song ng movie na Barcelona: A Love Untold na “I’ll Never Love This Way Again.”

Sinabi ni Vina nang gabing iyon, “Alam niyo, sa 30 years ko sa business, I have learned that after the storm, there will always be a rainbow…after the darkness, there will always be light, that after a long night, a new day will always come.”





ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN