Journey to hold Manila concert after seven years

Journey will perform on February 17, 2017 at the SM Mall of Asia Concert Grounds.



After seven years, magbabalik sa Pilipinas ang Journey, ang iconic rock band na pinangungunahan ng Filipino rock singer na si Arnel Pineda.

Nakatakda sa February 17, 2017 ang concert ng Journey sa Concert Grounds ng SM Mall of Asia.

Kasama sa Philippine concert ng Journey ang original members na sina Neal Schon (lead guitarist), Ross Valory (bass guitarist); Jonathan Cain (keyboardist), Steve Smith (drummer), at Arnel (lead vocalist).

Bumalik si Steve sa grupo noong nakaraang taon mula nang iwanan niya ang Journey noong 1998.

Si Schon ang discoverer ni Arnel dahil napanood niya sa YouTube ang Journey covers ng Pinoy singer na excited sa pangalawang beses na pagtatanghal sa Pilipinas ng grupo nila.

Matatandaan na noong March 14, 2009, nagtanghal sa bansa ang American rock band para ipakilala ang kanilang lead vocalist na si Arnel.

“This is a special concert for many reasons,” ang pahayag ni Arnel na bidang-bida at agaw-atensyon ang larawan sa 2017 Manila concert posters ng Journey.

“I’m so excited to perform again for my fellow Pinoys.It’s very special to me,” ang sabi ni Arnel.

Nag-umpisa ang ticket selling ng SM Tickets Outlets para sa concert ng Journey noong December 21, ang araw na kinansela ni James Taylor ang February 25 show nito sa Mall of Asia Arena.



Stories We Are Tracking

James Taylor cancels Manila concert; cites Duterte's drug war
James Taylor cancels Manila concert; cites Duterte's drug war




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN