Maja Salvador torn between working or having a Valentine's Day date: which did she choose?

IMAGE Noel Orsal



Mas pinili ni Maja Salvador na gugulin ang darating na Valentine's Day sa Araneta kaysa makipag-date sa isa sa mga manliligaw niya.

Isa si Maja sa mga guests sa February 14 show ni Vice Ganda titled Pusuan Mo Vice Ganda na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Pinaliwanag ni Maja kung paano siya nakasama sa concert.

“Kasi nakakatuwa yun dahil sa IG [Instagram] stories niya, napansin ko na parang ang payat mo? O, anggulo mo lang yun, sabi ko kay Vice. Sabi niya para sa concert. Ay, oo nga pala para sa concert mo.

“Sabi ko, gusto mo ba? Kasi single naman ako. Sabi niya, 'Ay, bet ko 'yan.' mag-guest raw ako.

“Si Vice kasi everytime na may concert ako nagsasabi siya na puwede siyang mag-guest sa concert ko. Hindi lang nagkakataon sa schedule. Kasi ang dami rin niyang ginagawa.

“Bilang kaibigan, wala naman akong gagawin that day.”

May mga nagpaparamdam raw na gusto siyang i-date ng mga manliligaw niya, pero ayaw raw ni Maja.

Paliwanag niya sa kanyang rason, “Hindi ko lang talaga nabibigyan din dahil may pelikula tapos may Wildflower. Pero pag may time naman...hindi ko masasabing dating pero I’m seeing someone, texting. Pero hindi ko naman malagyan ng label na dating.”

Nabalitang may itinatagong non-showbiz boyfriend si Maja pero sumumpa ang aktres para lang ipagdiinang hindi ito totoo.

Sabi niya, “Mawalan man ako ng career, wala talaga akong boyfriend.”


ON HER STEPDAD. Kung walang lovelife ngayon si Maja, nakatagpo naman ng "forever" ang kanyang ina na ikinasal noong December 2016 sa foreigner na si Roy Linklater.

Naka-share ang mga naging kaganapan sa wedding sa Instagram account ng aktres.

Proud na komento ng ABS-CBN actress tungkol sa kanyang nanay na si Thelma Andres, “Fifty years old na siya. Golden girl na siya, nagkaroon na nang forever. Yun nga ang nakakatuwa sa love, ang daming surprises na hindi mo alam kung kailan siya darating at hindi ko alam kung kailan siya tatama.

“Ngayon, sinasabi ko hindi pa ako ready pero paano bukas kung biglang dumating...hindi natin alam. Kaya nakakatuwa kasi ang Mommy ko nasa Canada na. Pag may time kami naman nang brother ko yung magbabakasyon.”

Wala raw dapat ikabahala sa kaligtasan ng Mommy niya sa ibang bansa.

Paniniyak pa ni Maja, “Siyempre, hindi ko naman siya papayagang ikasal kay Tito Roy kung hindi ko nakilala si Tito Roy.

“Si Tito Roy, sobrang bait and parang may ganon pa pala. Sobrang nakita ko na in love na in love siya sa Mommy ko. Mommy ko nga confident lang, e.”

Gaano katagal bago mo tinanggap si Roy?

“After a year. Kasi bitchesa [bitch] ako sa mga nanliligaw sa Mommy ko, sa mga naging boyfriend ng Mommy ko. Parang ako nga yung nanay.

“Pero ayun, dito kay Tito Roy, nakiusap ang brother ko...birthday ko, sabi niya pagbigyan, bigyan ng chance.

“Yung unang pagkikita namin hindi ko alam na dumating siya. Sabi ko sa Mommy ko magdi-dinner ako.

“Pagpasok ko dire-diretso ako sa bahay, hindi ko alam na nandun siya. Ayun nga, finally nice meeting you sabi niya. Maliban sa nag-English nagulat ako at nandun siya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja sa presscon ng upcoming movie nila ni Paulo Avelino titled I’m Drunk, I Love You na ginanap sa Annabel’s Resto, Q.C.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN