Will KZ Tandingan's boyfriend TJ Monterde perform at her digital concert?

KZ Tandingan will hold her digital concert, Soul Supremacy, this Sunday, April 23, at 6 pm.


Sasabak na ang tinaguriang Soul Supreme na si KZ Tandingan sa kanyang kauna-unahang digital concert.

Ito ay para sa music portal ng ABS-CBN na One Music PH, ang One Music Presents KZ Tandingan: Soul Supremacy, na magaganap ngayong Linggo, April 23, 6 pm.

May limited live audience ito sa loob ng ABS-CBN studio, kaya ang iba – nasa loob o labas man ng Pilipinas – ay maaaring mapanood ang digital concert ni KZ for free sa pamamagitan ng pag-register at paggawa ng account sa www.onemusic.ph.

Ano ba ang kaibahan ng kanyang digital concert sa mga nakaraan niyang live concerts?

“Actually, ang difference lang talaga is mas intimate yung crowd na nandoon mismo sa venue. Pero mas malawak yung reach ng concert.

"Yung mga Kapamilya natin na hindi nabibigyan ng pagkakataon na umuwi dito to watch concerts, at saka hindi rin kasi lahat ng concerts dito nadadala doon [sa ibang bansa], so at least napapanood nila.

"At hindi lang siya yung basta yung napapanood ka na parang live streaming. Kasi pag live streaming parang nanonood ka lang din sa TV, pero yung digital concert kasi yung mga nanonood through onemusic.ph get to interact with the artist during the concert.

"So, halimbawa pag nagpe-perform ako, meron kaming segment doon na babasahin din yung mga request nila, comments nila. So, kumbaga parang nandoon din sila mismo sa concert,” sabi ni KZ.

Natutuwa rin si KZ na hindi lang mga Pinoy ang makakapanood sa kanya kundi maging mga foreigners lalo na iyong mga gumagawa ng YouTube reactions sa kanyang mga kanta at covers.

"Marami raw kasi sa mga ito ang humihiling na mapanood siya sa isang concert.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si KZ sa presscon para sa kanyang digital concert na ginanap noong, April 20, sa Coffee Project sa Wil Tower, Eugenio Lopez Drive, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SPECIAL GUESTS. Proud din si KZ sa kanyang special guests sa digital concert sa pangunguna ng actor-singer na si Inigo Pascual; rappers na sina Abra, Gloc-9, at Sam Simpson; at ang spoken word artist na si Juan Miguel Severo.

Ano ang mae-expect ng mga manonood mula kay KZ at sa kanyang guests?

“Yung mga collaborations na gagawin namin during the concert, halos lahat, I think lahat first time na mangyayari, so iyon ang kailangan nilang abangan.

"Yung mga guests ko kasi like si Inigo Pascual, first time ko talagang magpe-perform ako talaga in a prod with Inigo. Dati nagdya-jam-jam na kami, pero we never really had the chance to showcase what we really do.

"Kasi si Inigo is really one of the best sa mga kasabayan niya ngayon. I mean, the kid can write songs.

"He can dance, hindi lang marunong, magaling. Hindi lang marunong kumanta, magaling kumanta. Ano siya, multi-talented na bata. So, kumbaga it’s really gonna be my honor to be performing with him kasi grabe yung talent ng bata.

“Tapos si Gloc-9 and si Abra, given na iyon na nung pumasok ako sa industry dalawa sila sa mga tinitingala kong rappers.

"Si Abra siguro yung makabagong henerasyon ng rapper, and si Gloc-9 wala namang kuwestiyon na kumbaga yung lahat ng mga kaibigan ko na nagra-rap yung pundasyon nila yung pagiging rapper ni Gloc-9 at sa inspirasyon na ibinigay niya sa amin.

“Si Juan Miguel Severo, super exciting kasi first time ko siyang napanood sa TV nag-guest siya sa On The Wings of Love, nakita ko siya nag-spoken word, tapos bini-video ko siya sa TV.

"Tapos tinawagan ko si Sir Jonathan [Manalo of Star Music], ‘Sir Jonathan, gusto kong gumawa ng kanta na may spoken word.’ Tapos medyo natagalan bago nangyari, pero eventually dumating na yung chance. Sabi ko, ito na yung perfect chance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos meron din akong naisulat para sa bagong album ko, na sabi ko sobrang perfect ng kantang ito lalo na kung lagyan pa ng spoken words by Juan Miguel Severo. So, ito yung tamang panahon para mag-collaborate kami. Plus mayroon pa akong surprise guests, kaya abangan niyo yun.”

Hindi ba magge-guest sa digital concert ang singer boyfriend niyang si TJ Monterde?

Natawa muna si KZ bago sumagot, “Manonood po siya for sure. Kasi kung hindi, chos! Tignan natin, kasi ang maganda rin sa digital concert na ito although may lineup kami, may plano kung ano yung dapat mangyari, ako kasi as a person spontaneous ako. So, you’ll never know. Nandoon naman siya, so baka.”

REPERTOIRE. Ano ang lineup ng mga kakantahin niya sa digital concert lalo na nga’t sinabi niyang mag-e-entertain sila ng requests mula sa mga tao?

“Nung sinabi sa akin na magkakaroon ako ng digital concert, nag-announce ako na kung mayroong mga request yung mga tao na gusto nilang marinig na gawan ko ng renditions, kasi mahilig akong gumawa ng mga ganun.

'So, ayun pumili kami ng mga kanta. So, I’ll be singing some songs na yung mga sumikat sa YouTube na galing sa mga covers ko. Tapos first time nilang maririnig yung mga kanta sa bagong album ko under Star Music.”

Siyempre hindi rin daw mawawala ang hit songs niya gaya ng "Mahal Ko o Mahal Ako" at "Wag Ka Nang Umiyak."

Pagdating daw sa pagpili ng mga kanta at sa mga areglo, hindi lang daw siya hands on, kundi “body on,” biro niya dahil buhos daw talaga ang atensiyon at efforts niya rito.
Nagpapasalamat siya sa One Music PH at sa Star Music na binigyan siya ng creative freedom.

“I’m really thankful sa One Music at sa Star kasi nung first time kaming nag-meeting sinabi talaga nila, ‘We are giving you the liberty to choose the songs that you’re gonna perform.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre may mga suggestions sila, pero malaking impact sa akin iyon na as an artist nabibigyan ka ng freedom to do whatever you want sa show mo. Tapos bina-back up-an ka nila sa mga choices mo.

"Parang first time talaga na yung mga songs dito pinag-isipan namin, hindi lang yung choices of songs kundi kung paano namin babaliin yung songs.

"Yung literal na yung concert na ito ay parang isang rollercoaster ride, hindi ie-expect kung kailan ka da-drop o kailan ka tataas at kung kailan ka iikot.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN