Regine V jokes, "Parang wala na rin naman akong paglalagyan sa Channel 2, baka sa bubong na lang ako."

IMAGE Preview Magazine

Regine Velasquez is still a talent of GMA Network: "My contract will expire, January of next year. I'm still with them."



Tatlong dekada na sa industriya si Regine Velasquez at nakilala hindi lang sa bansa kung hindi maging sa buong Asia at iba pang bansa.

Ano ang pakiramdam ng Asia’s Songbird na umabot na sa 30 taon ang matagumpay niyang career?

“Tatlong dekada... hindi ko nga naisip na aabot ng tatlong dekada.

“Tagal na, I’m just happy that I’m still here. I’m still working.

“And people are still interested to hear my voice, watch me on TV," sabi ng singer na napapanood ngayon sa Mulawin vs. Ravena.

Pagpapatuloy ni Regine, “Parang excited pa rin naman sila sa mga ina-announce ko… I’m just happy I’m here.

“Kasi ngayon, nandoon ako sa point ng career ko na I wanna sing.

“Noong siguro mga ten years ago, parang ang dami kong ginawa, nag-movies, nag-TV.

“Hindi ko masyadong prinioritize ang singing… kapag may movie, ‘wag na munang mag-concert.

“This time around, it’s baligtad. Kapag may concert, ‘wag ka na munang mag-soap.

“Gusto ko talagang kumanta; after giving birth, I miss it so much.

“Kasi yun ako, e, more than anything else.”

Nagbiro pa ito nang, “I know I’m a great dancer... walang naniniwala, wala.

“Well, singing is my first love.  Well, asawa ko [Ogie Alcasid], puwede na rin siyang second. Yun!”

Binigyang-linaw ni Regine na walang katotohanan na sa pagpirma niyang muli sa Viva ay ang paglipat din niya ng network. 

Hindi naman management contract ang pinirmahan niya dahil ang kapatid na si Cacai Velasquez-Mitra pa rin ang tumatayong manager niya.

May kontrata pa rin siya sa GMA Network at masaya naman siya rito.

“My contract will expire, January of next year. I’m still with them,” saad niya.

“They’ve been very good to me, after I gave birth, I was given time to be with Nate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I appreciated it, we have a relationship.

“Parang Viva, meron ka na rin relationship, pamilya na. 

“Okay rin naman sa akin to also work with other people, pero I’m really good with GMA.

“At saka, parang wala na rin naman akong paglalagyan sa Channel 2, baka sa bubong na lang ako,” natatawang sabi pa ng Kapuso star.

FILM CAREER ON HOLD. Posible rin daw na gumawa ng pelikula si Regine sa Viva sa isang taon. 

Halos lahat naman ng mga nagawa niyang pelikula ay gawa ng Viva, “I didn’t do any films with any others. 

“Feeling ko kasi, sila lang... wala naman kaming kontrata, parang understood lang.”

Natawang sabi pa niya, “Sabi ko nga, may project na kong naisip. 

“Si Robin [Padilla], ako, si Aga [Muhlach] ’tapos ang makakatuluyan ko, si James Reid!”

Namimiss na ba niyang gumawa ng pelikula?

“Nami-miss ko rin siyempre, it’s nice to play a character na hindi ikaw.

“Parang nagkakaroon ka ng outlet, ngayon lang kasi, pinipili ko lagi ang project na gagawin ko.

“Gusto ko yung gustong-gusto ko talaga, ayoko na rin yung parang kagaya before.

“I miss doing movies but I wanna make sure, kasi whatever work I do, it’s time away from my son.

“Iniisip ko kung worth it… it’s such a big deal for me kasi nanay ako.”

Sabi pa niya, “I’m also doing a soap, I can only do one at a time.”

Humirit naman ang Viva Group boss na si Vic del Rosario na sana makagawang muli ng pelikula si Regine, “Bago gumawa ulit ng second baby.”

NEW ALBUM, NEW CONCERT. Ang pinirmihan ni Regine sa opisina ng Viva noong June 26 ay ang paggawa niyang muli ng bagong album sa ilalim ng Viva Records at ang solo major concert niya sa October 21 sa MOA Arena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Regine, “Yung concert, madali lang naman ‘yan, importante sa akin ang recording.

“Sabi nga ng asawa ko, kung ayaw ko na raw mag-showbiz, at least keep recording songs.

“Pinapanindigan ko yun, matagal-tagal na rin ang last album ko, hindi ko napapanindigan.

“More than anything else, ang importante for me is coming back here sa Viva and the recording.”

Nasimulan na rin daw ni Regine na mag-record ng mga kanta para sa kanyang R3.0 album.

“So far, I’ve recorded four out of thirty. Kahit tulog ako, nagre-record ako,” biro pa niya.

Ipinaliwanag na nga nila na kaya 30 songs ang nakapaloob sa bagong album ni Regine ay dahil tatlong CD ito.

May original, re-recorded songs ng mga kanta niya sa Viva na may bagong arrangements at mga signature songs niya sa concert na ire-record niya pa rin.

Aniya, “Narinig ko yung mga arrangement… ang gaganda ng mga areglo.  I’m excited."

May limang taon na rin daw ang huling album na ni-record niya.

Aniya, “It’s because I’ve been dreaming of this, I’ll be able to do this, yung album.

Medyo dream ‘to, e, ‘tapos balik ako ng Viva, kaya parang excited ako.

“Excited kaming lahat na gawin itong album and concert.”

Ang R3.0 concert naman ni Regine sa MOA Arena ay sa October 21 magaganap at posibleng bago ang concert ang target release nila ng album.
 


Stories We Are Tracking

Will Regine Velasquez sign management contract with Viva?
Will Regine Velasquez sign management contract with Viva?
Why Gloc-9 does not want to collaborate again with Regine V
Why Gloc-9 does not want to collaborate again with Regine V




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN