Former GMA show contestant Lance Busa wins Bolt of Talent in Malaysia

IMAGE Instagram

Pinoy singer Lance Busa was hailed the very first winner of Michael Bolton's Bolt of Talent, a reality singing competition, during the grand finals held September 27, 2017, at PJ Live Arts in Kuala Lumpur, Malaysia.



Ang Filipino contestant na si Lance Busa ang itinanghal bilang kauna-unahang winner ng reality talent competition show na Bolt of Talent ng multi-awarded singer na si Michael Bolton.

Ginanap ang awarding noong nakaraang September 27 sa PJ Live Arts, Kuala Lumpur, Malaysia.

Tubong Butuan City si Lance, at binansagan siyang “Golden Boy of Mindanao.”

Hindi na bago para sa 22-year-old singer ang pagsali sa mga singing competitions dahil noong 2015 ay isa siya sa mga naging finalists sa boy-band search ng GMA-7 na To The Top.

Kahit hindi siya nakasama sa mga winners ng To The Top, nabigyan si Lance ng kontrata, at lumabas siya sa afternoon teleseryeng Sa Piling Ni Nanay noong 2016, na pinagbidahan nila Mark Herras, Katrina Halili, at Yasmien Kurdi.

Sa Bolt of Talent, nakalaban ni Lance ang contestants mula Malaysia, Taiwan, at Thailand.

Si Nawinda “Mild” Sittatikarnvech ng Thailand ang nakalaban ni Lance sa finals, kunsaan inawit nila ang 1983 hit single ni Bolton na “How Am I Supposed To Live Without You?”

Faultless ang rendition ni Lance ng naturang song kaya siya ang napiling manalo.

Kabilang sa mga premyo ni Lance ay ang maging opening act sa Asian Dream Tour ni Michael Bolton, isang recording contract, at ang maging ambassador ng Japanese car brand na Subaru.

Sa isang naunang interview kay Lance bago siya nakapasok sa finals, heto ang kanyang sinabi:

"When on stage, there were too many things going on in my head, the pressure of having to represent the Philippines, a land full of music and amazing voices, and if I can deliver the performance well.”

Ngayon ay natupad na ang matagal nang pangarap ni Lance na maging isang international singer.

THANKFUL. Nagpasalamat ito sa mga kababayan niya dahil sa suportang ibinigay sa kanyang sa naturang competition.

Lahad niya, "It has always been a dream of mine to inspire the fellow dreamers of the world.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This win, I dedicate to the Lord, because I promised and prayed I will never let Him down if He would give me something like this, and also to my family and loved ones for believing in me.

"The Filipino people around the world and also sa mga Bisaya, daghang salamat sa inyong pagsuporta sa ako.

“I would not have this kind of strength without all of you, also with the fans all over the world! Thank you so much.”

Sa November 3 ay mapapanood si Lance, kasama si Michael Bolton, sa gagawing show ng batikang Grammy Award-winning singer sa Marriott Grand Ballroom dito sa Maynila.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN