Vice Ganda accepted P180 as payment for one-night stand in the past

Vice Ganda (right) said about his private part, "Ganun talaga, pag mukhang kabayo, ang ar* llamado." The It's Showtime host recalled his misadventures with Wacky Viray (left) in the past.



Punong-puno ang Smart Araneta Coliseum noong October 22, 2017, sa dami ng mga dumalo para tunghayan ang Vice Ganda For All Concert, The Phenomenal Launch.

Kasabay ng nasabing concert na ito ang launch ng Vice Co., ang line of cosmetic products ng komedyante.

Ang mga bumili ng cosmetic products ni Vice Ganda ay nagkaroon ng libreng ticket upang makanood ng concert na ito. 

Ipinakilala ni Vice Ganda ang former Pinoy Big Brother teen housemates na sina Maymay Entrata at Kisses Delavin bilang mga endorsers ng kanyang produkto.

Nag-perform ang dalawa sa stage bilang pasasalamat kay Vice Ganda dahil pinili sila para maging endorsers.

Nagpalakpakan ang buong Smart Araneta sa song-and-dance performance ni Maymay na “Born This Way.” Suot niya ang silver costume na inspired ng popular ensemble ni Lady Gaga.

Umawit at sumayaw din si Kisses sa nasabing concert.

Naging guest performers naman ni Vice ang mga singers na sina Frenchie Dy at Bituin Escalante.

Kabilang rin sa lineup ang matalik na kaibigan ni Vice Ganda na si Karla Estrada na kumanta sa Araneta Coliseum.

Ikinatuwa ng mga Vice Ganda-Karylle fans ang paglabas sa stage ni Karylle.

Bilang finale ng concert, nagkaroon ng fashion show ang ilang drag queens na may suot na magagarbong costumes.

Kasama nina Kisses at Maymay na rumampa sa stage ang love team partner ni Maymay na si Edward Barber.

Spotted naman sa audience ang mga kaibigang singers ni Vice Ganda na sina Kyla at KZ Tandingan na nanood ng concert.

Bukod sa performances ni Vice Ganda ay inabangan ng mga fans ang ilang pasabog na jokes ng ABS-CBN star.

Ito ang ilan sa mga jokes ni Vice Ganda sa kanyang concert:

“Maganda daw ako sabi ng nanay ko at masama daw sumuway sa sinasabi ng magulang, kaya nung sinabi niya yun, wala akong choice kundi maniwala.

“Alam niyo dati, may paniniwala akong hindi ako maganda, may pagkakataon na hindi ako maganda. Pag may dumarating na bisita sa amin galing ng States para lumuwas ng Maynila, sinasabi sa 'kin ng nanay ko na, 'O, anak doon ka muna sa loob ng cabinet.'

"Sabi ko, 'Nay, bakit po sa loob ng cabinet?' Sabi  niya, 'Ganun talaga anak, kasi  ang kagandahan ay nasa loob, huwag muna lalabas hangga’t di ko sinasabi.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag overnight yung isa naming bisita, kaya hindi ako nakalabas.

"Madaling araw nagising na lang ako, kasi may lumalabas na straw sa butas ng pinto ng cabinet, inom-inom din pag may time.

“Tinanong ko naman yung tatay ko, tanong ko sa kanya, ‘Tay, naniniwala ka bang maganda ako?’

"Sabi ng tatay ko, ‘Ikaw ang kayamanan ng pamilya.’

"Isang beses, gabing-gabi, nagising ako. Bakit ang daming lupa sa paligid ko? Yun pala ibinabaon ako ng tatay ko sa lupa, dahil ako daw ang kayamanan ng pamilya.

"Baka daw kasi nakawin ako ng mga tao kaya ibinaon ako sa lupa.

"Pero okay lang naman sa ‘kin kasi may dahilan naman ang tatay ko.”

ON BEAUTY. Pinahayag rin ni Vice Ganda ang kanyang saloobin tungkol sa inner at outer beauty. 

“Sabi ng iba sa akin, maganda ka sana ‘no, kaso bakla ka, e.

"Bakit? Kailan pa nagkaroon ng exclusive contract ang kagandahan sa babae?

"Ang kagandahan ay pwede sa babae, pwede sa lalake, pwede sa tomboy at pwede sa bakla.

"Dahil ang kagandahan ay nasa puso at isip ng nagmamay-ari at wala sa pepe at ari.

"Pag maganda ka, maganda ka, kung may pepe or wala. Porke’t bakla ako, hindi ako maganda?”

GREEN JOKES. Nakita ni Vice Ganda si Wacky Kiray sa audience at binigyan niya ito ng microphone para sa kanilang kuwentuhan.

Ito ang kanilang naging usapan na for adults only ang tema:

Vice: “Ikaw ba, may boyfriend ka?”

Kiray: “Bakit ikaw? Meron ka bang boyfriend?” Aminin mo, kasi may ikukuwento ako rito, noong nagpunta tayo ng Baguio...”

Vice: [Aktong sasabunutan si Kiray] "Uy! Huwag kang maingay andiyan ang nanay ko. Ang alam ng nanay ko…”

Kiray: “Na lalaki ka talaga! Lalaki po talaga si Jose Marie Viceral. Ang tawag po talaga sa kanya noong bata siya ay 'Utoy! Utoy! Utoy!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kiray: “Di ba, dati may nangyari sa'tin dati?”

Vice: “Dati kasi umarte siya, pinaniwala niya ako na lalaki siya. Lalaki daw siya, ang kapal ng mukha. Palibhasa, mahirap ka at gipit sa buhay. Nagpa-booking sa'kin at P180 lang ipinabayad niya sa akin.”

Kiray: “O, bakit sino ang sumuko?”

Vice:  “Hoy! Ano ba yang mga topic mo, ang pangit!”

Kiray: “Yung sa'kin, ang liit-liit. Bakit sa'yo, bakit ganun?”

Vice:  “Siyempre ganun talaga. Pag mukhang kabayo, ang ari llamado. Pumusta ka pa!”

Ang booking ay gay lingo para sa one-night stand.




Vice Ganda and Wacky Kiray


BELIEVE YOU ARE BEAUTIFUL. Ang theme ng concert ni Vice Ganda ay tungkol sa mga taong hindi naniniwala na maganda sila, kaya ito ang kanyang payo sa mga tao na kulang ng self-confidence:

Ani Vice, “Kaparatan mong paniwalaang maganda ka, tulad na lang ng relihiyon, karapatan mong pumili ng relihiyon na paniniwalaan mo.

"Katulad na lang ng kagandahan, na pinili kong maniwala at ‘yan ang susundin ko: ang paniniwalang maganda ako.

“Amen! [Sumigaw din ang mga tao ng Amen!] 

"Power! [Sumigaw din ang mga tao ng Power!]

“Pangalawa, obligasyon mo ‘yan, obligasyon mo sa sarili mo na pakainin mo siya at busugin ng paniniwala na nagagandahan ka sa kanya.

"Why? Because your life, yourself, your beautiful self is a gift from God at lahat ng gift, ina-appreciate.

"Tulad ng isang gift na sa balot pa lang ng regalo, gandang-ganda na tayo, pero pag hindi maganda ang balot ng regalo, hindi tayo excited buksan ito.

“Kahit magaspang ang mukha mo, pero hindi magaspang ang pag-uugali mo, maganda ka! Ituro niyo kung sino ang maganda sa harapan niyo?

Sa puntong ito, itinuro ni Vice Ganda ang sarili niya.

"Ako po yun! Ako yung ituturo niyo.”

“Kahit maitim ang balat mo, basta hindi kakulay ng balat mo ang budhi mo, maganda ka! Kahit dapa ang ilong mo, basta tayung-tayo ang dignidad mo, maganda ka!

"Kahit dapa ang dede mo, yung iba diyan, 'pag flat-chested, hindi kayo confident.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit dapa ang dede mo, kung tayo naman ang personalidad mo, maganda ka!”

“Kaya kayong mga lalaki, hindi kayo dapat tumitingin sa hugis, sa kinis.

"Ang tingnan niyo at dapat i-appreciate niyo ay ang magandang kalooban.

"Kaya ako, pag may nakikita ako na babaeng walang self-confidence, I make time to talk to her and convince her to believe in herself.

“Kasi ganyan din ako dati, wala akong katiwa-tiwala sa sarili ko, kaya hindi umaalagwa ang karera ko, kasi feeling ko hindi ko kaya.

"Kaya ako, awang-awa ako sa mga babae, kasi ang daming struggles ng mga babae.

"Ang dami nilang dapat i-maintain para ma-appreciate sila ng mga lalaki. Kailangan, maganda sila, makinis, kailangan ng feminine wash.

LOVE SHOULD KNOW NO GENDER. Sa pagpapatuloy ng monologue ni Vice, ibinaling naman niya ang kanyang atensyon sa isang bagay na lagi raw natatanong sa kanya.

“Yung mga lalaki, bakit babae lang ang pwede ninyong mahalin?

"Ipapuputol ko ang daliri ko, 'pag may tumayo ritong lalaki na at sasabihin niyang ‘Lalaki ako, at kaya kong magmahal ng bakla!’”

Nagtiliian ang mga tao dahil sa sinabi ng komedyante.

Ani Vice Ganda, "Wala, di ba?"

Pagpapatuloy ni Vice Ganda, "Please lang, walang tatayo kasi ayaw kong magpaputol ng daliri. Shit! Walang tatayo, sa sarili niyo na lang yun!

“Kasi tumitingin tayo sa kasarian. Bakit may bearing ang gender when it comes to love?

"Kaya kayong mga lalaki huwag lang babae ang titignan niyo, may mga bakla ring pwedeng magmahal sa inyo at pwede niyo ring mahalin.

"Walang joke yun! Single ako rito, sinong pwede? Nagmamakaawa ako!" pagbibiro ng It's Showtime host.

“Kasi may nagtanong sa akin, paano kung yung lalaki pumatol sa bakla, bakla na rin ba siya? That’s a common question.

"'Pag yung lalaki ba pumatol sa bakla ay bakla na rin siya? Ako ba, 'pag pumatol sa babae, magiging lalaki na ba ako? Hindi naman, di ba? Nananatili akong bakla!

"Kapag ang tomboy ba pumatol sa babae, magiging babae na ba siya? Hindi naman, di ba, kasi mananatili siyang tomboy!

“Kaya nga nung nag-guest si Aga Muhlach sa GGV, tanong niya sa akin, 'Paano yun?'

"Sabi ko kanya, ito ang pinakasimpleng sitwasyon, patulan mo ako ngayon, bukas ng umaga, pagkagising mo lalaki ka pa rin. It will not change your gender identity.”

Ang GGV ay ang late-night show ng Kapamilya TV host titled Gandang Gabi, Vice.





Sa kanyang Instagram account, nag-post si Vice Ganda ng ilang photos mula sa kanyang concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thanks to everyone who joined me as i celebrated BEAUTY in last night's #GandaForAll Concert/Launch/Beauty Rally at the Araneta Coliseum," ani Vice sa kanyang caption. 

"Dnt be a prison of society's standards. Free urself. Define urself. Believe that you are beautiful. And dont let other people's bullshit tell you otherwise."

 


Nagpost din si Maymay Entrata sa kanyang Instagram account ng picture ni Vice Ganda bilang pasasalamat sa comedy star.

"Isang espesyal na gabi na sa buong buhay ko'y nag aakalang hanggang sa isipan ko lang ang lahat ng to," saad ni Maymay sa caption. 

"Maraming salamat po Ms. Vice @praybeytbenjamin sa opportunity po na mailabas hindi lang ang kagandahan kundi ang mga talentong binigyan nyo po ng kulay at pag-asa.

"'G-force' ang pinaka hataw at Hum Bam na mga DANCERS! Lahat gustong makasayaw po kayo. Maraming salamat po Ms. @teachergeorcelle kasi sainyo lang po talaga ako nachallenge ng totoong hataw na sayaw!

"At dun nalaman ko pong kaya ko po pala. Sa mga pumunta at nag support po maraming salamat po sainyo. Ang gabing yun.. yun ang gabing masasabi kong sobrang..WORTH IT

'NOTHING IS IMPOSSIBLE"'"




Inamin naman ni Kisses Delavin, "I've never felt like this sa buong buhay ko. Now I'm here. Thank you, Lord. Thank you, Mommy Vice.

"No matter where you come from, ganda is for you. Ganda is for me. Ganda is for all. Ganda comes from your heart.

"I hope that after this concert, you realize, beauty is all in the heart. Do good things and your appearance will be better."




(L-R) Karla Estrada, Karylle, Kisses Delavin, Vice Ganda, Maymay Entrata, at Edward Barber



Hawak ni Edward Barber ang placard na may nakasulat na #GandaForAll na hashtag ng concert at cosmetic products ni Vice Ganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN