How does Erik Santos feel when performing onstage with OPM greats Martin, Ogie, and Regine?

IMAGE Noel Orsal

Makakasama ni Erik Santos (in photo) sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa Valentine concert na #Pa-MORE na gaganapin sa SM MOA Arena sa February 10, 2018.



Dream come true pa ring itinuturing ni Erik Santos ang makasama sina Martin Nievera at ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa isang concert, kahit nagawa na niya ito sa mga nakaraang pagkakataon.

Makakasama ng ABS-CBN balladeer ang mga OPM royalty sa Valentine concert na #Pa-MORE na gaganapin sa SM MOA Arena sa darating na February 10.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Erik bago ang January 8 presscon na ginawa sa Seda Hotel Vertis North, isinalarawan nito ang naramdaman nang ibalita sa kanya ang naturang Valentine show.

Bungad na lahad ni Erik, "Actually, no'ng sinabi sa akin na part ako ng project na ito parang hindi ako makapaniwala.

"Kasi silang lahat ay icons, di ba? Parang pinakabata ako sa kanila na mapabilang na makaperform with them parang it’s beyond…kumbaga, iba e.

"Ang maganda dito, nakasama ko na sila sa mga shows before and I’m close to all of them."

Inilahad ni Erik ang naging pagkakaibigan niya sa tatlong veteran singers.

"Si Kuya Martin, alam mo pag idol mo biased ka, e.

"Pag iniidolo mo ang isang star wala kang sasabihing pangit, parang lahat nang ginagawa niya maganda.

"At si Kuya Martin kasi every time na magkasama kami, naii-starstruck pa rin ako.

"May ganon akong feeling. Every time I perform with them may feeling pa rin akong nai-excite ako.

"Ang gusto kong ma-adapt kay Kuya Martin na feeling ko hindi ko talaga maa-adapt, yung [pagka-] witty niya.

"Intelligent performer kasi si Kuya Martin, e. Kahit anong tipo ng audience kaya niyang i-handle.

Patuloy ni Erik, "Si Kuya Ogie naman ang gusto kong i-adapt sa kanya yung pagiging calm niya, very relaxed. 

"Parang hindi marunong magalit, napakabait.

"Yung ia-affirm ka nga bilang tao, bilang performer.

"Yung encouragement niya sa 'yo.

"Mai-encourage ka sa kanya to go on, to do better."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa rin sa idols ni Erik si Regine.

"Si Ate Reg, [palayaw ni Regine], napaka-gracious niya, e.

"Lagi kong sinasabi na she’s one of the most generous artists na naka-trabaho ko.

"Si Ate Reg kasi close rin ako sa kanya.

"Kumbaga, siya yung isa sa pinaka-una kong nakatrabaho when I was starting."

Kaibigan na ni Erik sina Martin, Ogie, at Regine, pero aminado siyang nai-intimidate pa rin siya kapag kasama niya ang mga ito sa stage.

"Hindi ko maiwasan," simula niyang paliwanag.

"Kasi they're all icons, big stars.

"Pero sila rin ang nagpapakalma sa akin. Sila rin ang nagsasabi na pag nai-intimidate, hindi naman nai-intimidate, parang minsan nai-speechless ako.

"Like n'ong nag-guest ako sa concert ni Ate Reg no'ng 30th [anniversary concert] niya, hindi na ako sanay na maka-duet siya.

"The moment na sumampa ako sa stage nanginginig pa rin yung tuhod ko.

"Kasi iba pa rin pag kausap mo sya nang personal at iba pa rin yung nagpi-perform ka with her.

"Parang palaging bago yung experience."






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN