KZ Tandingan debuts in China's Singer 2018; beats Jessie J

IMAGE Hunan Television

Filipino singer KZ Tandingan made her global debut via China's Singer 2018, where she competed with Chinese singers and British pop sensation Jessie J. KZ placed first after performing her own version of Adele's "Rolling In The Deep."


Tinalo ni KZ Tandingan ang idolo niyang si Jessie J sa unang pagsabak ng Filipino singer sa Singer 2018, ang sikat na television series sa China.

Pumasok si KZ bilang challenger sa fifth episode ng programa, na ipinalabas nitong Biyernes, February 9, sa Hunan Television.

Kinanta ng 25-year-old singer mula sa Davao del Sur ang sarili niyang version ng “Rolling In The Deep” ni Adele.

Hinaluan din ni KZ ang kanta ng Filipino rap.

Nakipagtagisan siya ng galing sa iba pang professional at sikat na singers mula sa China, Taiwan, Hong Kong, at iba pang panig ng mundo.

Kabilang sa contestants ngayong second season ng Singer ang international singing sensation na si Jessie J, na mula sa England.

Ilan sa mga sikat na kanta ni Jessie J ay “Flashlight,” “Price Tag,” at kabilang din siya sa umawit ng “Bang Bang.”

Ang iba pang nakalaban ni KZ ay sina Wang Feng, Juno Su, James Li, at Hua Chenyu ng China; Tien Chong ng Hong Kong; at ang Taiwanese star na si Angela Chang, na siya ring nagsilbing host sa competition round.

Ang studio audience ang magdedetermina kung sino ang mananalo sa pamamagitan ng pagboto pagkatapos mag-perform ng lahat ng contestants.

Sa episode kagabi, si KZ ang nakakuha ng pinakamaraming boto dahil sa kakaibang estilo ng kanyang pagkanta. Maging ang kapwa niya contestants ay napahanga sa kanyang performance.

Pumangalawa sa kanya si Jessie J, na kinanta ang “Ain’t Nobody” ni Chaka Khan.

Ito ang ikalawang beses na pumangalawa si Jessie J sa kumpetisyon, pagkatapos manguna sa unang tatlong episodes.

Bumaba naman sa ikatlong puwesto ang nag-number one last week na si Hua Chenyu.

Ang na-eliminate ngayong linggo ay si Tien Chong.

Sa susunod na linggo ay babalik ang mga natirang contestants upang magharap-harap sa panibagong round.

KZ MEETS JESSIE J. Maliban sa mismong competition round ay ipinalabas din sa episode ng Singer 2018 ang pagdating ni KZ sa tirahan ng mga contestant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagdala ang Pinay singer ng miniature Philippine jeepney bilang pasalubong sa lahat ng contestants.

Sa studio naman ay pinuntahan mismo ni Jessie J si KZ sa dressing room nito.


Halos hindi makahinga at hindi napigilang maiyak ni KZ sa harap ni Jessie J, lalo na habang kinukuwento kung paano siya na-inspire ng 29-year-old British singer sa kanyang pagkanta.

Sabi ni KZ, “I can’t believe I’m talking to you.”

Nang sabihin ni Jessie J na huwag siyang ituring na competitor, sa halip ay kaibigan, sinabi ni KZ na, “Who would compete with you? My gosh!”

Kuwento pa ng Pinay singer, “When I saw her, I couldn’t breathe because who I am...

“When I was in high school, I almost stopped singing ‘cause I couldn’t reach the high notes anymore, ‘cause I had polyp on my vocal chords.

“Then I heard you, then I realized I didn’t have to hit those high notes to make a difference as a singer.

“So I started singing again, and who I am as an artist, a big chunk of that is because of you.”

Sabi naman ni Jessie, “Please don’t ever give up or stop...

"You know when I’m sick, I just don’t sing this song this high, I just take it down a few keys and sing it.

“Imagine, of all the people in the whole wide world that could be on this show, it’s us.

“This is bigger than the show. It’s about leaving a mark.”

Hindi naman makapaniwala si KZ na nakausap niya si Jessie nang mahigit tatlong minuto.

Sabi naman ng British singer, iyon na raw ang pinakamatagal niyang pakikipag-usap sa salitang Ingles nitong mga nakalipas na araw dahil halos lahat ng kasama niya ay Chinese.

Nang tumayo sila pareho para magyakapan ay pinansin ni Jessie J. ang pagiging maliit ni KZ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni KZ, nakasuot pa siya ng high heels sa lagay na yun.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN