Regine Velasquez, Christian Bautista, Julie Anne San Jose to headline 3 Stars, 1 Heart in Dagupan

IMAGE Noel Orsal

Dahil sa tagumpay ng 3 Stars, 1 Heart concert sa Cebu, napagdesisyunan ng GMA Regional TV at Entertainment Content Group ng GMA na dadalhin sa iba't-ibang probinsiya at abroad ang show na pinangungunahan nina Regine Velasquez-Alcasid, Christian Bautista, at Julie Anne San Jose.



Sobrang successful ng 3 Stars, 1 Heart concert nina Regine Velasquez-Alcasid, Christian Bautista, at Julie Anne San Jose sa Cebu noong January 2018 kaya naman naisipan ng pamunuan ng GMA Regional TV at Entertainment Content Group (ECG) na dalhin ito sa iba’t-ibang probinsiya at sa labas ng Pilipinas.

Ang pangalawang masuwerteng probinsiyang pagtatanghalan ng tatlong bigating Kapuso singers pagkatapos sa Cebu ay ang Dagupan sa Pangasinan.

Sa media conference ng concert noong April 5 kinuwento ni Regine ang naging karanasan niya sa concert kasama sina Christian at Julie Anne.

Sabi ng Asia's Songbird, “Recently I went to Cebu and ang ganda-ganda ng naging feedback sa amin. And I’m very, very proud kasi they were saying na it was such a good concert, we sounded really good together.

“So, I’m happy about the feedback sa Cebu. They were very happy about the concert, and maganda daw yung mga production numbers, at talagang para daw talagang pinag-isipan ng mabuti.

“Ngayon, sa Dagupan, hopefully they’ll have the same feedback.”

Panigurado pa ni Regine sa mga taga-Dagupan, “I can guarantee a good show kasi nga nagawa na namin to tapos mas dadagdagan pa, mas may bago.”

Dagdag ni Julie Anne, “Sobrang excited din po kami bilang ito po yung magiging second leg ng 3 Stars, 1 Heart and nabanggit nga po ni Ate [Regine], actually few months back po, nagpunta siya sa Cebu for The Clash, and maganda nga daw yung feedback.

“I think ma-enjoy po talaga nila sa Dagupan yung show, and looking forward din po.”

Ayon naman kay Christian, magkakaroon ng local touch ang show dahil may kukunin silang local singers para makikanta sa kanila.

Itataon din daw ng management ng concert na may selebrasyon ang pupuntahan nilang probinsiya. 

Aniya, “Yes, fiesta din yung pupuntahan namin [Bangus Festival], sa Cebu it was a fiesta din [Sinulog], yun ang strategy ng GMA Regional TV.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa kantahan, may special dance number din si Julie Anne sa concert.

Ang 3 Stars, 1 Heart sa Dagupan ay gaganapin sa CSI Stadia sa darating na April 14.

Pupunta naman ang tatlo sa Dubai sa June 16 para rin sa nasabing concert.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN