Maja Salvador proud of duet with Thai pop superstar ToR Saksit

IMAGE Courtesy: @iammajasalvador on Instagram

Maja Salvador on collaboration with Thai pop superstar ToR Saksit: "Nakakatuwa na ang laki-laki na ng chance, ang laki-laki na ng opportunity nating lahat, kaming mga artists dito sa Pilipinas. Parang nakakalabas na tayo, nakakapunta na tayo kahit papaano sa ibang bansa."


Kinukuwestiyon man ng iba ang kapasidad niya bilang isang singer, naungusan naman ni Maja Salvador ang kanyang mga kritiko dahil naka-collaborate na niya ang sikat na Thai pop singer na si ToR Saksit sa isang romantic duet na may titulong “Falling Into You.”

Ayon nga kay Maja sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong nakaraang April 22 sa set ng ASAP, masaya siya na unti-unti nang nabubuksan ang mga oportunidad para ma-penetrate ng mga Pinoy artists ang international music industry.

“Nilabas namin yung single namin nung February, nung Valentine’s day.

“Ang title niya ay 'Falling Into You.'

“Nakakatuwa na ang laki-laki na ng chance, ang laki-laki na ng opportunity nating lahat, kaming mga artists dito sa Pilipinas.

“Parang nakakalabas na tayo, nakakapunta na tayo kahit papaano sa ibang bansa.

“Yung iba willing makipag-collaborate sa atin kaya masaya ako na napunta sa akin yung collaboration na yun with ToR.”

Sa interview sa Thai music genuis, nabanggit nito na gustung-gusto niya ang pagiging totoo, outgoing at pagiging energetic ni Maja.

Ani Maja, “Alam mo, hindi nagkakatalo ang personalidad nating mga Pinoy saka mga Thai.

“Parehas na mabait, parehas na maalaga, warm, hospitable.

“Parehas na parehas.”

INTERNATIONAL DISTRIBUTION. Idi-distribute din pala ang collaboration nila ToR at Maja hindi lang sa Pilipinas kungdi sa walo pang ibang bansa.

Pagsang-ayon niya, “Yes, and this June alam ko pupunta ako ng Thailand to promote the collaboration, the song.”

NEW ACTING PROJECTS. Tumatak ang role ni Maja bilang Ivy Aguas/Lily Cruz sa Kapamilya seryeng Wildflower.

Tinanong din namin ang aktres kung ano bang proyekto ang dapat na abangan sa kanya ng kanyang mga tagahanga.

Lahad niya, “Pelikula pa lang this year.

"Isa kay Zanjoe [Marudo] and soon siguro, baka next month, ia-announce kung ano yung second na pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Z, sobrang gaan niya na katrabaho.

“Well, halos lahat naman ng stars dito sa ABS-CBN magaan katrabaho, pero si Zanjoe yata yung di ko nakitaan talaga ng reklamo.

“Nagse-segue-segue pa yun, ha?

“Mayroon siyang teleserye ngayon pero di mo kakikitaan na wala sa mood, bad trip.

“Laging nakangiti, magaan.”

THANKFUL TO PINOY FANS IN U.S. Sa huli ay nagpasalamat naman si Maja sa mga kababayan natin sa America na mainit na tinanggap ang Maja On Stage.

“Nag-Maja On Stage kami sa US.

“Iba, sobrang love na love kami ng mga kababayan natin dun.

“Salamat sa mga Kapamilya natin sa US.

“Thank you po sa pagsuporta sa show namin,” pagpapasalamat niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN