Kyline Alcantara reacts to her new tag "La Nueva Diva"

IMAGE Glenn Regondola

Kyline Alcantara prepares for the launch of her debut album and her first-ever concert Kyline Alcantara Takes Flight, happening on September 8 at the Skydome, SM North The Block, Quezon City. 



Mula sa bansag na “La Nueva Kontrabida,” tinatawag na rin ngayon si Kyline Alcantara bilang “La Nueva Diva” dahil sa dalawang magkasunod na pangyayari sa kanyang singing career.

Una na rito ay ang pagpu-produce ng GMA Records ng kanyang kauna-unahang album. Idinaan pa sa botohan mula sa netizens kung dapat bang ituloy ito. Wala pang isang linggo ay nakuha na nito ang required number of votes na isang milyon.

Pangalawa ay ang kanyang upcoming birthday concert na may titulong Kyline Alcantara Take Flight, na gaganapin sa Skydome ng SM North The Block, sa September 8.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso singer-actress noong August 13 sa VTR shoot para sa kanyang concert, na ginanap sa The Concept Room, sa Kapitolyo, Pasig City.

Dito ay inalam namin ang pakiramdam ni Kyline sa bagong titulong ikinakabit sa kanya.

Pahayag niya, “Siyempre masaya po ako dahil isa sa unang minahal ko talaga ay ang pagkanta. So bilang tawaging 'La Nueva Diva' is a great honor for me.”

Dagdag niya, “Yun nga ang isang diva ay female version ng hustler. [Parang] Beyoncé. Yun nga po, ang lakas maka-Beyoncé.

Sa puntong ito, inalam namin sa kanya ang paghahandang ginagawa niya sa kanyang first-ever concert.
Aniya, “Yung pagri-rest po, paminsan-minsan, isinisingit ko na rin po, kasi before po ako makapag-rest ay may work pa din po akong ginagawa.

“Siguro po lessons, dance and voice lessons, and, ano ba, siguro po pini-prepare ko lang yung sarili ko para sa lahat ng mangyayari. So, hayun, mag-gym. Gusto ko ring mag-gym pag may time.”

Kaakibat ng paghahanda ni Kyline ay ang excitement niya sa magiging special guests niya sa kanyang concert.

Ayon sa 15-year-old actress, “Opo, may mga nalaman na din tungkol sa guests ko. Kaya, excited na po at sana ay nandun kayo para makita sila.

Ang mga bibili naman ng platinum tickets ng kanyang concert ay makakakuha ng libreng kopya ng kanyang album, na malapit na rin i-launch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkakaroon din si Kyline ng mall shows kungsaan tampok ang mga kanta sa kanyang album.

Kuwento niya, “Yes po. Naging busy nga ako para sa concert, nahinto muna ako sa mall shows.

“Nakaka-miss rin nga po ang sobrang energy na naibibigay sa akin nung nagmu-mall show ako. Nami-miss ko po yun. And for sure, pagkatapos po nito, magkakaroon ulit, and original songs and yung revival songs na manggagaling na sa album ko ang kakantahin ko.”

Balak din daw imbitahan ni Kyline sa kanyang concert ang lahat ng kanyang co-stars sa katatapos pa lang na seryeng Kambal, Karibal. 

Abala rin si Kyline ngayon sa TV guestings sa Kapuso network, tulad ng sa Inday Will Always Love You at ang muling pagsasama nila ni Bianca Umali bilang featured stars sa Daig Kayo Ng Lola Ko.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN