Arnel Pineda reacts to those tagging him as "new voice" of Journey; earns praise from the band's fans

by Rey Pumaloy
Aug 18, 2018
Arnel Pineda reacts to those saying he should have been inducted to the Rock And Roll Hall of Fame: "I'm happy enough that I am part of the bunch of #RockAndRollHallofFamers."


Hindi tinanggap ni Arnel Pineda ang compliment ng isang fan sa kanyang pagiging frontliner ng international rock band na Journey.

Nagpakita ng kanyang kababaang loob at pagbibigay respeto ang Pinoy pride sa original na vocalist ng Journey na si Steve Perry at sa banda mismo.

Isang Twitter account holder na may profile name na Rebecca Shroats ang nagsabing si Arnel na raw ang boses ng Journey.

Ayon sa post ni @shroats: “Steve Perry was the voice of Journey while he was with them. He left. YOU are the voice of Journey now. It’s your time to shine.”

Sa halip na magpasalamat, kinontra pa ni Arnel ang pagluluklok sa kanya sa pedestal ng kanyang fan.

Sabi nito sa kanyang tweet, mas gusto niyang maging mensahero lang ng banda.

Post ni @arnelpineda: “forgive me but I have to disagree with you..i’d prefer me a #messenger to a #legacy.”

Senegundahan ito ng isa pang following ni Arnel na nagsabing dapat kasama ang Filipino singer sa mga iniluklok sa Rock And Roll Hall of Fame (RRHOF):

Ayon kay @karendunna: “Agree 100% and I think @arnelpineda also should’ve been inducted into the RRHOF, he earned it with dedication, a love for the music delivering it to the fans with his heart, soul and genuine spirit."

Muling tinanggihan ni Arnel ang papuri.

“ooopps..lets not push that too hard my friend. I’m happy enough that I am part of the bunch of #RockAndRollHallofFamers..”

Ipinilit pa rin ng isa pang fan ang pagiging frontliner o vocalist ng band si Arnel at sinabing huwag nitong maliitin ang sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay @dcbrid: “Arnel, do NOT sell yourself short. Keep being the phenomenal performer you are. You get us singing and dancing along with you during concerts. Certainly the other band members you know the value and new energy you’ve brought to the band.”

Nagpakuwela na lang sa sagot niya ang rock singer.

“well, as short as I seem physically, don’t you think it’s just fitting to sell myself #short? Lol.”

Pinuri ng isa pang fan ang musikero mula sa Olongapo dahil sa mga magagandang deskripsyon niya sa original lead vocalist ng band na si Steve Perry, at ang pagiging isa nitong fan sa American singer.

Ayon kay @MarthaQuinn: "@arnelpineda has always been a class act, won me over in @JourneyMovie when spoke about being true fan pf @StevePerryMusic, and to @muzikobserver @candocajun’s point he along w @DeenTheDrummer #SteveAugeri #JeffScottSotto to keep/kept @JourneyOfficial legacy alive.”

Isinalarawan naman si Arnel ng isang isa niyang fan sa pagkakaroon niya ng grace, humility, at pagiging isang true professional.

Ayon kay @pamr_bella86: “Folks….this is grace and humility at it’s finest! Arnel is a true professional. This is why he will always be #1 in my book! @EddieTrunk @goodymade @MarthaQuinn @muzikobserver @siriusxmvolume.”

Ang Journey ay ang '80s American band na nagpasikat ng mga awiting "Separate Ways," "Faithfully," "Don't Stop Believin," "Girl Can't Help It," "Lovin, Touchin, Squeezin," at "Who's Cryin Now."

Taong 1997 nang magpa-alam si Steve Perry sa grupo dahil sa kawalan niya ng kakayahang mag-perform on stage dahil sa tinamong hip injury.

Iba-iba ang kinuhang vocalist ng banda pero hindi rin nagtagal ang mga ito, hanggang makaabot sa kaalaman ng banda ang YouTube video ni Arnel na kinakanta ang kanilang mga hits noong singer pa ito sa kinabibilangang banda sa Olongapo.

Taong 2007 nang official na i-announce ang pagiging member ni Arnel sa Journey bilang vocalist.

At hanggang ngayon ay nanatili pa ring kasama sa Journey ang Pinoy singer.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Arnel Pineda, band, Journey
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnel Pineda reacts to those saying he should have been inducted to the Rock And Roll Hall of Fame: "I'm happy enough that I am part of the bunch of #RockAndRollHallofFamers."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results