Freddie Aguilar leaves awards night without claiming his trophy

IMAGE Allan Sancon

Freddie Aguilar leaves his chair while Ex-Battalion, Chicsers and Sachzna Laparan perform onstage during the 2017-2018 Star Awards for Music.


Naging matagumpay ang recent Star Awards for Music (A Decade of OPM Excellence) dahil sa dami ng mga bituin na dumalo sa Gabi ng Parangal na ito. Ngunit sa kabila nito, madami rin ang nagreklamo nang inabot ito ng madaling araw dahil sa dami ng awards na kanilang ipinamigay.

Pinarangalan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang mga nanalo from 2017 at 2018 sa double awarding ceremony na ginanap sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila noong Linggo, September 9, 2018.

Panay ang paghingi ng pasensya ng mga hosts na sina Xian Lim, Kim Chiu, Karylle, Aljur Abrenica, at Christian Bautista dahil nga late na ito natapos.

Lagpas alas dos na ng madaling araw ito natapos dahil na rin sa dami ng mga performances. Halos bawat category ay may kaakibat na performance na pinalabas. Bukod pa rito ay matagal ang gap in between sa mga segments.

Nag-crack pa ng mga jokes sina Karylle, Christian, Kim, at Xian upang maaliw ang mga manonoood.

Apat dapat ang pararangalan ng Lifetime Achievement Awards sa gabing iyon: sina Gary Valenciano, Imelda Papin, Basil Valdez, at Freddie Aguilar.

Ngunit tatlo na lang ang nakatanggap nito: sina Gary V, Imelda, at Basil.

Ito ay dahil nag-walk-out na si Freddie Aguilar at hindi na tinanggap ang kanyang trophy. Siya dapat ang recipient ng Gawad Levi Celerio Lifetime Achievement Award para sa 9th Star Awards for Music (2017).

Si Imelda Papin ang tumanggap ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award para sa taong 2017.

Ang Pilita Corrales Lifetime Achievement Award 2018 ay napunta kaya Basil Valdez at ang Dangal Levi Celerio Lifetime Achievement Award 2018 recipient ay si Gary Valenciano. 

Nakita ng ilan na habang nagpe-perform ang Ex-Battalion, Chicsers, at Sachzna Laparan ay umalis si Freddie sa kanyang upuan sa pag-aakalang magsi-CR lang ito, ngunit hindi na ito bumalik.

Balita namin ay maaga dumating si Freddie, ngunit mag-a-ala-una na ay hindi pa binibigay ang kanyang award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isang high-ranking official ng PMPC, sinabi niyang wala siyang mabigay na statement tungkol sa insidente. Ang nakarating sa kanila ay "nainip na at hindi makapaghintay" si Freddie kaya siya umalis nang gabing iyon.


 IMAGE Allan Sancon

Freddie Aguilar left his chair while Ex-Battalion, Chicsers and Sasha were performing onstage during the 2017-2018 Star Awards for Music.



Stories We Are Tracking

Alden, James, Kim among winners of Star Awards for Music
Alden, James, Kim among winners of Star Awards for Music


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN