Christian Bautista comments on beating Janno Gibbs, Ogie Alcasid, others in 2018 Star Awards for Music

IMAGE Noel Orsal

Christian Bautista will perform with Marian Rivera, Julie Anne San Jose at Los Angeles, California on October 7.


Sa Star Awards For Music na ginanap last September 9 ay nagwagi si Christian Bautista bilang Male Recording Artist of the Year 2018 para sa album niyang Kapit.

Ang mga tinalo niya sa naturang kategorya ay sina Dingdong Avanzado, Ebe Dancel, Janno Gibbs, Ogie Alcasid, Sam Milby, at Xian Lim.

Ano ang naramdaman niya sa kanyang panalo?

“Lahat ng trabaho na ginawa ko last year, e, na-validate at na-appreciate!

“So I’m thankful also very much to PMPC [Philippine Movie Press Club], kasi parang may patutunguhan yung mga hirap, kasi yung album na yun co-produced ko for the first time so hindi lang siya…binigyan ko ng time talaga siya, kasi I didn’t know how to produce, e, that was my first.”

Ikinagulat ni Christian ang kanyang pagwawagi dahil mabibigat nga ang kanyang mga kalaban.

“Yeah.”

“So…sumakto lang yung kanta, so kapit lang, di ba, kapit lang, kasi kahit na every year merong bago, every year merong bagong hit, kung ikaw nagpo-produce ka ng sarili mong mga kanta na, that it means a lot to you and it will mean a lot to others, kakapit talaga sila sa ‘yo.”

Pero mas lalo raw nasurpresa si Christian sa gabing iyon sa pagkakapali rin sa kanya bilang Male Star of the Night.

“Dun ako nagulat talaga. Ang guwapo ko pala? Ang guwapo ko pala today,” at tumawa si Christian.

“Wow!

“Hindi… nagulat talaga ako, nagulat, pero thank you din to Frontrow for that.”

Nakausap namin si Christian nitong September 12 sa 17th floor ng GMA Network Center sa presscon ng Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan Sa Anaheim sa The Grove Of Anaheim sa Amerika.

Bukod kay Christian ay kasama sa naturang show sa Los Angeles, California sa October 7 sina Marian Rivera, Julie Anne San Jose, Super Tekla, Donita Nose, at Ai-Ai delas Alas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pumunta sa www.AXS.com at i-search ang "Kapusong Pinoy" para sa mga tickets.

Hindi raw maisasama ni Christian sa U.S. trip na ito ang fiancée niyang si Kat Ramnani dahil may trabaho ito. Lima hanggang walong araw na mawawala sa Pilipinas si Christian.

Bukod sa Anaheim ay tutungo rin sila ni Julie Anne sa San Francisco.

“Parang meet and greet, a few songs, ganyan...kasi malayo ang San Francisco sa Anaheim.”

Being kaibigan at contemporary ni Christian si Mark Bautista, ano ang naramdama n ni Christian sa tell-all book ni Mark at pag-a-out nito bilang isang gay man?

“When I heard the news I texted him, ‘O, hey are you alright? You okay?’”

Nagulat ba si Christian sa pasabog na iyon ng kanyang kaibigan?

“Yung gulat maraming ano ‘yan, e, maraming puwedeng puntahan yun, e, sabihin na lang natin ano…parang sabi ko, ‘I’m… whatever…if you still need a friend I’m here.’”

Ano ang sagot ni Mark sa text mo?

“Sabi niya, ‘Thanks’ lang, hindi naman kailangang mahaba.”

So nag-thank you lang siya?

“Yeah, hindi naman kailangang parang kung ungkatin pa or ano, parang okay, ‘I’m your friend.’”

Pero wala ba siyang hint in the past?

“Hindi kasi magandang sagutin ‘yan, e, kasi pag sinabi ko na, ‘O, kasi dati…’ hindi magandang sagutin, so respetuhin ko na lang yung desisyon niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN